Chapter 4

60 5 0
                                    

Crystal's POV

Nandito na kami sa bahay namin. Buti nalang at nandito na si Scarlet, nakakapagod pa naman mag kwento lalong-lalo na sa buhay nitong si Twilay. Ang gulo eh. Sa kanya ko natutunan pano magpretend. Eh pano, araw-araw niyang ginagawa yan eh. Tapos, kasama niya kami parati kaya ayun. Dinaig pa namin mga artista.


"Oh Twilay ibuhos muna. Ready na ang sangkatutak na tissue. Tsaka ito panyo just in case na kukulangin. Kung hindi ka pa kuntento, nasa tabi mo yung timba." Kahit kailan talaga may pagka-gaga rin tong si Scarlet eh noh? Anong akala niya kay Twilay? Gripo? Believe it or not 2 big packs of tissue ang nasa harap namin plus tatlong panyo at itong timba. Sino ang hindi maiirita niyan??

"What the? Are you totally insane Scarlet? Akala mo Gripo yung kaharap mo. At talagang nag dala ka ng timba. Nag dadrama na nga tong-"


" Ang sakit malaman na ginagamit ka lang ng kaibigan mo noh. Ng mahal mo." Natigilan kami ng magsalita si Twilay. Dahil nagsimula na siya, umupo na kami sa tabi niya. Habang hinahagod ni Scarlet ang likod nito in which always niyang ginagawa sa amin pag nalulungkot. Specialty niya yata yan. Kasi, napapaiyak talaga kami eh.



" Bakit pa kasi ako nagpapatanga. Alam ko naman noon pa na
walang pag-asa na maging kami. Pero ano ginawa ko kanina?" Napa-iyak tuloy ako .


"Twilight, alam kong hindi ka sasagot ng yes kanina kung wala kang alam. Ano?" May malalim na dahilan kung bakit ginawa niya yun kanina. Hindi gumagawa ng hakbang si Twilay hanggat wala siyang malalim na dahilan.


"Narinig ko sina Winter at Tita Autumn kanina. Sabi niya..... hanggang kaibigan lang turing niya sakin. Sabi niya, I don't want to live with a person in which I don't like. Pero narinig ko rin kasi na para sa companya tong ginagawa niya kaya yes ang sagot ko." Kaya pala, iba talaga tong babaeng to, ginagawa niya lahat para sa ibang tao para lang makatulong buhay man nito ang kapalit.



"Eh gaga ka pala Twilay eh. Bakit ka naman nagyes? Kung tutu-usin magkakaibigan yung parents niyong dalawa pwede namang mag set nang meeting kung gusto talaga nilang magkapartner yung company niyo! Ikaw tala-"


"Yan rin sabi ni Winter kanina. Kaya laking gulat ko nung nagpropose siya sakin sa harap ng maraming tao." Nakakainis talaga tong babaeng to eh.



"Pumayag ka naman. Twilay, masasaktan ka na naman. Ilang beses mo na ba tinulungan yang lalaking yan? Eh sya tumulong ba siya sayo nung naghingi ka ng tulong? Twilay!! Your fooling yourself already!!!" Nakakainis. Nagyakapan nalang kami dahil kaming tatlo na ang umiiyak. Ganito nalang ba iikot ang buhay ni Twilay? Kailan pa ba magiging matiwasay buhay nito?





*after the 2 hours*



Hay, mahaba-haba rin yung drama session namin ah? Tsk. Pero ngayun makikita mo sa mga galaw namin na parang walang nangyari. Yan ay dahil kami ang Three Idiots di jokes lang. Magaling lang talaga kami gumawa ng way para magood vives namin ulit yung mood namin.


"Twilight, Violet, shopping tayo bukas?" Sabay-sabay silang tumingin sakin ng marinig nila ang salitang 'shopping'. Kaya agad-agad silang lumapit sakin.


"Cge cge. Tapos bili tayo ng sampung Ham n' Cheese sa Waffer Time ha. And 6 Burger." Ang takaw talaga nitong Scarlet nato.


"Naks, burger LANG? Mabibilaokan tayo niyan." Naku, ang tatakaw!!!


"Bili rin tayo ng coke float at sundae. Then punta muna tayo ng grocery." Sabi na nga ba at dadag-dag tong si Twilight eh. Pero What??


" What? Grocery? Anong gagawin natin dun?" Akala ko ba magsho-shopping?


" Tsk, alam niyo naman na mahilig ako mag bake dibah? Pagbigyan niyo na ko. Tutal tayo naman ang kakain. Ay hindi pala. Kayo lang pala kumakain. Pretty pretty please....." Kung sabagay tama nga naman siya. Sobrang sarap ng luto ng babaeng to eh.


"Cge cge. But for now, matulog muna tayo. Inaantok nako guys. And wait, ready your cards. Marami-rami tong bibilhin natin. Good night girls." Haaaay, nakaka antok rin tong kadramahang ginawa namin kanina. And its already 2 o'clock in the dawn. Amazing.

"Good night."

"Good night."



Hurricane's POV


Bago ang lahat magpapakilala muna ako. Im Hurricane Hemingway the sister of Winter Hemingway. Our name is from climate thingy if ya notice. Im 16 years old. Ako yung kasabwat ng kuya ko sa lahat ng mga kalokohan niya, sa lahat ng paghihirap niya nung iniwan siya ng girlfriend niya. Ako na mage-explain why kuya doesn't love someone else again.


Tahimik, seryoso pero mabait. Yan ang kuya ko. Makulit yan hindi lang halata. Simula nung iniwan siya ng girlfriend niya dun nag bago ang lahat. Ayaw na niyang magmahal ng iba. Halata naman sa mga kilos ni ate Twilay na may gusto siya sa kuya ko. Pero, naging manhid at tanga narin ang abnormal kong kuya dahil dun eh.



"Kuya nandito pala sina kuya Blade!" Pinapasok ko na sina kuya Blade, Craino, at kuya Charles dito sa loob. Nasa salas sila at parang may pinag-uusapan. Ngayun ang ika-apat na araw ng simula nung naghiwalay sila ate August. At halatang-halata sa mukha ni kuya na malungkot parin siya.

"Bro, magmove-on kana. Marami pa naman diyan eh." Huh? Dahil sadyang dumadaloy sa dugo ko ang pagkachismosa nagtago ako at nakinig.

"Tsk, marami nga wala namang makakapantay sa kanya."

"Drama mo tol. Kala mo wala ka na talagang magiging love life? Eh, punta kaya tayo ng bar?"

"Tsk, wag ka nalang mag-emot jan, man! Teka, you can try to love someone else. May matagal na naghihintay na kaya sayo." Grabe talaga tong si kuya Charles, ang sossy magsalita. Pero wait, sino naman kaya yung tinutukoy niya?

"Ay oo nga. Winter, sino nga ulit yung kasama mo noon sa playground? Yung parang sira, pero maganda?" Eh? Parang ikaw kaya ang may sira kuya Blade. Maka describe, ang gulo.

"You mean Twilay?"

"Oo yun nga. Hindi mo ba napapansin na parang may tama yun sayo tol?"


"Kaibigan ko yun. No more. And besides, ganun na talaga yun noon pa. "



"It depends on you if you're going to believe what we say but Winter, we already inform you about that cute girl"




Pero ako na mismo aamin. Ang gulo ng kuya ko. Its already 2 in the dawn asan na ba yun? Ay, oo nakalimutan ko pala. Hindi ako natutulog kapag wala dito ang kuya ko. Hinintay ko siya, exept if wala talaga siya dito. Oh ayan na pala siya.



"Hey kuya, what's new?" Kiniss ko si kuya sa cheeks kasi yan yung way ko ng pagbati sa kanya.


"I'm engage."


"Ahh.. ok... WHAT??!!!" Hala, bakit? Aiks, bakit ba kasi hindi ako sumama eh.


"Sino???"


"Twilay." Ahh, si ate Twilay naman pala eh. Ok lng yan.


"So, how did it goes? "


"Fine. Sorry sis, i'm a little bit tired. Let's continue it tomorrow. Let's take a nap." Kuya talaga, ginulo na naman niya buhok ko. Pero ano kaya talaga nangyari? Parang hindi masaya si kuya.... Hmmm




A/N

Hmmp, Sorry sa mga typos, errors and everything guys. Hehehehe, By the way nais ko lang magpasalamat sa aking mga kaklase na taos pusong tumulong sa akin sa pagbuo ay, hindi pala sa pagbigay ng ideya ng storyang ito... Ang lalim nun ha. Cge, bye. HAve a nice day

My Uproarious LifeWhere stories live. Discover now