Chapter 1

211 9 9
                                    

Twilay's POV

Hayst, buhay nga naman. Napaka pagod ng life. Pagkatapos sa school, bahay. Tapos parang nag-aaral ka parin dahil sa sooobrang dami ng requirements.... Oh wait, lemme introduce myself first bago ako pumasok sa aking Dreamworld.
Ako nga pala si Twilay Moonlight Foster. Ok, kung hindi niyo naitanong, ang pangalan ko ay combination ng Twilight and Day =Twilay
Moon and Sunlight= Moonlight
eh anong magagawa ko adik na adik si mama tungkol sa mga galaxy galaxy na yan eh. Im 17 years old. Since napakilala ko na kung sino ako. Bye Realworld hello Dreamworld



*kriiiiiiiiiiinnng kriiiiiiiiiing*

"Aghhhh... Hanubayan, nakaka inis kang alarm ka. Pwede ba umintindi ka naman kahit minsan?!"

"Bumangon kana. Hindi ako titigil hanggat hindi ka babangon"

"Bahala ka. Alarm ka lang nama-
Teka, nagsalita alarm ko??!!Waaaahhhhh!!!"

Bumangon ako agad dahil sa sobrang takot. Akalain mo yun? Nag salita ang 5 years ko nang alarm clock? Kaya agad-agad kong binuksan yung ilaw. Ng may narinig akong tumatawa. Kaya mas natakot ako. Baka sya na yung tinatawag nilang kamatayan. Na kung hahawakan ka raw nya ay,

"Waaahhhhh!!!! ayoko pang mamatay. Magsosorry muna ako sa mga taong nakapaligid sakin dahil sabi ko ang pangit nila kahit totoo. Wahhh!!!"

"Hahaha, kahit pala bagong gising kang buwan ka parang may sira ka parin sa utak. Hahaha, buksan mo na yang mata mo uy!!!" Teka, buwan? Isa lang naman tumatawag sakin niyan ah.

"Nakaka inis ka talaga kahit kailan Winter. Palagi mo nalang akong niloloko!!!!!"
Kailan pa ba ako masasanay sa mga kalokohan nitong lalaking to. Nakakainis. Ganda pa naman sana ng panaginip ko.

Winter's POV

Hahaha, nakakatuwa talaga tignan tong si Twilay. Kahit minsan parang may sira talaga sa utak. By the way ako nga pala si Winter Hemingway. 18 years old. The Heir of Hemingway Company. Tsk.

Grabe talaga tong buwan na to. Kanina pa hila ng hila sa polo ko ni hindi man lang ba to napagod? Sa bagay, kailan pa ba to nakaramdam ng pagod?

"Oh, tapos kana ba sa paghila ng polo ko? Kung tapos kana, magbihis kana at may pupuntahan tayo. Wag kana magtanong kung saan."

"Ok sabi mo eh" Yan gusto ko sa kay Twilay eh, masunurin. Ay teka

"Ito nga pala yung damit na soutin mo sabi ni mommy. Cge na sa salas nalang ako maghihintay." Habang sinasara ko na ang pintuan may narinig akong sinabi niya. Pero, binaniwala ko na yun. Tsk, ano naman mapapala ko dun?

Bago ako pumunta ng salas kumuha muna ako ng album dahil alam ko namang matatagalan pa yun.

May picture pa pala kami nung kumukanta siya habang nagigitara ako. Ang saya namin noon. Walang problemang kinakaharap. Hanggang sa mag boyfriend si Twilay sa pinsan ko. Pero hindi rin nagtagal yung relationship nila. Hindi ko alam kung bakit. Ayaw ko rin naman kasi masaktan. Lalaki man ako , pero may puso ako nasasaktan rin. Idagdag mo pa ang company ni dad.

"Winter, may ipapakilala pala ako, boyfriend ko pala si Rayne. Rayne Burton." Napakalapad ng ngiti nya ngunit hindi ako ngumiti dahil yung pinsan ko pala ang boyfriend niya. Sa lahat ba naman ng pwede niyang maging Boyfriend yung pinsan ko pang tuso.

"Alis na ko" Ine-expect ko na pipigilan niya ako pero wala.

" Winter. Yohoooo. "

My Uproarious LifeWhere stories live. Discover now