Chapter 3

2.7K 94 14
                                    

This Chapter is dedicated to my good friend and fellow writer NorikoTheGhost. This one is for you my friend. And sa lahat po ang ng sumusubaybay sa istorya, ito na ang POV ni Alden , malalaman na natin kung ano talaga ang iniisip at pagtingin nila sa isa't isa.

ALDEN'S POINT OF VIEW

Ang ganda ng gising ko ngayon umaga. Ang saya lang kasi ng nangyari kagabi, nakilala ko din si Maine at naging kaibigan ko pa. Naalala ko nga pala yong promise ko sakanya na dadalhan ko sya ng Mikmik hehe sa yaman nila, malamang hindi pa sya nakakakain nun. Maganda ring itry nya paminsan minsan ang pagkain ng mga mahihirap. Kung sabagay pati bestfriend kong si paopao nagustuhan yong mikmik, malamang magugustuhan din nya.

Nadatnan kong nagluluto ng agahan si nanay, malamang papasok sya ng maaga para ipagluto ang mga Mendoza. Sasama ulit ako. XD

"Goodmorning nay! Labas lang po ako saglit ha?" sabay halik sa pisngi ni inay at akmang lalabas na ng pintuan.

"Goodmorning anak, oh ang aga aga saan ka pupunta?" puna ni nanay habang niluluto nya yong agahan naming itlog at tinapa. Ito ang gusting gusto ko sa nanay ko eh, alam na alam nya ang paborito kong agahan.

"Dyan lang po sa tindahan ni Aling Puring nay, may bibilhin lang po. " saka ako lumabas ng bahay.

Natanaw ko na ang tindahan. Bakit parang nagshishining shimmering yata ang paligid ng tindahan ni aling puring? Ano ito, parang may mga nahuhulog pa na mga petals ng flowers at napapalibutan pa ng mga butterflies? Minamaligno yata ang tindahan ni aling Puring naku naku! ano ba itong nangyayari sakin, bakit ba para akong sobrang excited bumili ng mikmik ngayon, first time lang Alden?haha Natawa tuloy ako dahil parang nag slow motion pa ang pagkakaabot ko ng bayad kay aling puring at pag abot ko nung mikmik haha! Bumili ako ng dalawang supot, isa para kay Mikmik at yong isa ay para naman kay Paopao (baka magtampo ang loko eh) Pagkauwi ko ng bahay nagtaka naman si nanay bakit daw andami kong biniling Mikmik, dinahilan ko nalang na pinabibili ito ni Paopao. XD

Pagkarating namin ng Mansion, hinanap ko agad si Paopao at Mikmik. Ibinigay ko na sakanila ang pasalubong nila.

"Ngayon lang ako nakatikim nito! Ang sarap pala. " Isang higop pa sa maliit na straw ang ginawa ni Maine at natatawa ako sa itsura nya kasi lumalabas yong ibang powder sa ilong nya habang nagsasalita sya. XD

"Mura na, masarap pa diba?" Pagmamalaki ko naman, hinagisan ko ng tingin si Paopao na mukhang nanunukso sa palipat lipat ang tingin nya sakin at kay Maine. Kamalisyoso talaga ng taong ito.

"Ahhhmmm Mikmik nalibot mo na ba ang buong hacienda?" Nakakaawakward kasi yong tingin ni Paopao kaya nagtanong nalang ako para hindi na mapunta sa kung anumang iniisip nya ang usapan.

"hawhaw ako ba kinakausap mo o yong pagkain???" seryosong tanong ni Maine habang bumubuga buga pa yong gatas sa bibig nya. o.0

Diyos ko, uuwi nalang yata ako. Masisiraan yata ako ng ulo sa magpinsan na ito haha! XD yong itsura ni Paopao na tawa ng tawa habang gumugulong sa sahig na naliligo na ng mikmik. Yong totoo? May problema ba talaga sa tanong ko?

"Dahil ikaw ang sumagot, edi ikaw ang kinakausap ko. >.< " At lumabas na naman yong ugali kong pikon at suplado. Natawa naman si Maine sa sagot ko kaya hinila nya ako, ikinawit nya a ng braso nya sa braso ko at literal na hinila palabas ng pintuan. T____T

"Ang sungit mo naman, halika na nga at ipasyal mo nalang ako sa buong hacienda. " May magagawa pa ba ako?

Hinila nya ako hanggang sa malawak na na harden ng Mansion, si Paopao naman ngingisi ngisi lang na nakasunod samin, e paano ba naman hanggang ngayon e hawak hawak pa ni Mikmik ang kamay ko at ako naman itong nag eenjoy ganun? >.<

"Nakaglue ba yang mga kamay nyo at hanggang ngayon e magkaholding hands pa din???" Puna ni paolo ng makarating kami sa gitna ng harden na malapit sa malaking faountain ng tubig na napapalibutan ng iba't ibang bulaklak.

Parehas kaming natigilan ni Maine ng mapansin nga nyang hanggang ngayon e hawak pa nya ang kamay ko. Inangat nya yong tingin nya sakin, nagtama ang mga musmos na mata namig at parehas kaming bumitaw. Grabe ang init ha, parang ramdam kong uminit ang pisngi ko paakyat sa tenga ko. Napakamot nalang din ako dahil hndi ko na alam ang gagawin ko. =_= at si Maine naman e nakayuko nalang na hawak hawak ang mga kamay.

Lumapit ako sa may fountain at sinabuyan ng tubig si paopao na siyang bumasag sa katahimikan.

"Ayan Paopao, maligo ka din kasi araw araw ha. Hindi yong once a month lang haha! " nakita kong nagsimula na ulit maging normal ang tension sa paligid at narinig ko na din ang malulutong na tawa ni Maine. ^____^

"Aba yan talaga ang gusto mo ha, mahintay ka dyan!" Naiinis na tumakbo palapit sakin si Paopao.

Tinulak nya ako sa may fountain dahilan para mahila ko sya at sabay kaming bumagsak sa may tubig. Napuno kami ng tawanan habang basang basa kaming nagtutulakan at nagsasabuyan ng tubig.

At ng mapansin ni Paopao na nakatayo lang dun si Mikmik na tumatawa at sabay naming syang hinablot, hinila namin sya sa may tubig at nahulog sya may fountain. Nang makatayo sya at pinagpapalo nya kami ni Paopao, dahilan para lalo naming syang asarin at basahin. Napuno ng kasiyahan at tawanan ng buong harden ng Mansion. ^_______^

Nang mga sumunod na araw, binisita ko si Brownie sa likod ng Mansion. Habang nasa taas ako ng puno nagpapahangin, napansin ko sa may bintana ng katapat na kwarto si Maine na nagsusuklay sa harap ng salamin. Tumayo ako at pinagmasdan sya muna sa di kalayuan. Ang ganda nya, napakasimple at napakabait pa. Nakita ko syang lumabas sa may veranda ng kwarto nya. Nagsusulat sya sa isang maliit na notebook, may diary sya? Aba makaluma din pala haha! Biglang pumasok sa kwarto si Ma'am Ruby, dahilan para pumasok sya at kausapin ito.

Bumaba ako sa puno at nagmamadaling pumunta sa garden para pumitas ng mga puting rosas. Umakyat ulit ako sa puno para tignan kung nakabalik na sya at nung makita kong wala pa, ibinato ko yong bulaklak na sumakto naman sa may mesa sa veranda. Nagtago ako sa may likod ng puno at inantay na lumabas sya. Ilang sandal pa'y lumabas na sya at natigilan sa nakitang rosas sa may mesa. Kinuha nya ito at dali daling lumapit sa may gilid ng veranda, tinignan ang baba at paligid ng kwarto nya at ng walang tao na makita, inamoy nya yong rosas, tinignan ito ng matagal at ngumiti ng matamis. Pagbalik nya ng upuan inipit nya ito sa may notebook nya at parang may isinulat na kung ano.

Hindi ko na din namalayang napangiti ako saginawa nya. Dubdub dubdub dubdub dubdub. Mabilis at malakas ang naging tibok ngpuso ko. Alden, masama na ito. >.<

When Mr. Suplado meets Ms. Popular at the wrong time.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon