"Terry Gonzales, namumuro ka na talaga sa akin."

"Joke lang, Ms. Blythe. Sabi ko nga magtatrabaho na ako, e. Inilagay ko na sa table mo 'yung printed out contract na ipinadala ng GCN Network para ma-review mo. Tapos nag-reply po pala si Mr. Rivero sa e-mail ko sa kanila. Ipapadala raw nila 'yung PR package mo sa susunod na linggo."
"Thanks." Alam kong maaasahan ko talaga si Terry. "You're the best, Ter."

Noong unang buwan na nagtrabaho siya sa akin ay napagalitan ko siya dahil nahuli ko siyang nakikipag-video chat sa ex-boyfriend niya habang office hours. Nang matapos ang araw na 'yun ay nadatnan ko siyang umiiyak sa labas dahil niloko siya nito. Dahil hindi ko maatim na iwan siya sa ganoong kondisyon ay niyaya ko siyang uminom.

Sabi niya sa akin, ako lang daw yata ang boss na mukhang masungit sa opisina pero kengkoy naman kapag nasa labas na. Simula noon ay mas naging malapit kami. Madalas siyang nandito sa office at sa studio, pero siya rin ang lumalabas na sekretarya ko.

"Ms. Blythe, tulala ka. Iniisip mo na naman ba si Sir Alex?"
"Tigilan mo ako." Tatawa-tawang nagkibit siya ng balikat. Pumasok ako na ako sa loob ng opisina ko at naupo sa swivel chair. Habang hinihintay kong magbukas ang laptop ay nagbuzz ang cellphone ko sa loob ng bag.

A text from Alexander. I'm fighting the urge to make a U-turn.

Ako, I'm fighting a different urge. I inserted a winking emoji before I replied.

Stop teasing me. There's a sad face next to it.

Drive safe, love.

He responded with three purple hearts.

I decided not to reply anymore para sa daan lang nakapokus ang atensyon niya. Umilaw ang laptop ko at nagsimula na akong matrabaho. Inisa-isa ko ang mga e-mails at backlogs na naiwan ko kahapon dahil naghalf-day ako para samahan si Amandang magshopping para sa Grand Ball nila sa opisina para sa 30th anniversary nito. Nang matapos sa mga e-mails ay kinuha ko ang folder na inilagay ni Terry.

It was a contract that I have to review for an upcoming partnership with a firm. Simula nang magkaayos kami ni Alexander ay sa condo na uli ako umuuwi. Tinanong ko siya kung bakit niya ibinento ang unit at sabi niya ay hindi niya naman na ito kailangan. He purchased a house and lot in Taguig and he had the old furniture in his unit delivered there. Hindi niya pa raw ito naasikaso, pero once naka-contact na siya sa isang interior designer at lumuwag na ang schedule niya ay tsaka niya ito pagtutuunan ng pansin.

He said for now, he'd like to spend his days with me, in my unit.

I reclined and stretched my arms out dahil nangangalay na ito sa kaka-tipa ko. Nang tignan ko ang oras sa malaking wall clock sa gilid ay nakita kong 30 minutes na lang ay lunch break na. I can't wait to see Alexander again.

Tumunog ang phone ko at nakita kong may nagchat sa Messenger app. I saw a familiar name on the screen and I lit up entirely. Pero kasabay no'n ay nakaramdam din ako ng guilt na huli kaming nag-usap ay noong gabi bago ako umalis papunta sa Bicol with Alexander.

CF Dominguez: We miss you, anak!

Blythe Dominguez: I miss you, too, Mom. Si Dad din miss ko na. A lot is going on around me. I wish I can tell you guys in person. :)

CF Dominguez: I talked to Amanda last night. May hindi ka yata sinasabi sa akin. :(

Blythe Dominguez: I can't believe this! Mands spilled, didn't she? She didn't even let me give you that juicy piece of information.

CF Dominguez: So, who's the new guy? I swear, if he's like the last one you dated, I won't like him for you. Scratch that, I will hate him.

Blythe Dominguez: May I just remind you that you hated every single guy I ever dated?

The Fall of Alexander the Great (Monteverde Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon