Deal na naman?

"Just keep pretending that you're Celeste, be my wife in front of my dad, and I will also pretend I didn't know you're not Celeste in front of her parents. Will that work for you?" he said without taking his eyes off me.

Ganito ba talaga makipag-deal ang mga businessmen? Para ka nilang hini-hypnotize hanggang mapa-oo ka.

"But pretending to be your wife would mean living with you!" nasabi ko. Bigla yata akong natauhan.

"Precisely!" he said, snapping his fingers.

"No! Imposible. Not gonna happen!" napalingon ako sa dagat, if I can only cast all my troubles there.

"Anyway, I'm just presenting the only sensible thing you can do. Another option you got is to tell my father the truth, make him mad at the Santiagos, then he will withdraw with the business proposals and back-out from the merging of the companies. Are you ready to face the consequences if that happens?" he stayed cool, kulang na lang ay pumito siya ng happy song. I can't believe this man.

"Ano naman ang makukuha mo sa ganyang set up? Bakit gusto mo ring magkunwari?" tinudla ko siya ng inis na uri ng tingin kahit na tensed pa rin ako.

"I'll get what I'm after... the business and my freedom. The filipina wife is just a bonus," nakangiti na naman siya na parang nakakaasar.

"Excuse me? May I remind you, I'm not really your wife. Pangalan ni Celeste ang nakasulat doon sa mga papeles kaya technically, siya pa rin talaga ang wife mo, hindi ako. Kaya hindi mo ako pwedeng galawin," nais ko nang matakot sa kung anumang tumatakbo sa utak niya.

"But you're the one who made the vow to love and cherish me, till death do us part," parang batang nanumbat ito.

"What?" nayakap ko na ang sarili ko.

"Just kidding! Oh, you're so cute! I never thought I could find a pet as cute as you," tumawa ito.

Pet daw?

"Who are you calling a pet?" gigil na tanong ko ngunit hindi na niya ako pinansin pa. Nag-seatbelt na siya ulit at pinausad na ang kotse.

Tumuloy kami sa isang five-star hotel saan naroon ang reception. Nandoon na yata ang lahat na agad nag-cheer nang dumating kami.

"Sorry if we kept you waiting. My wife felt a little queasy on our way here so we had to pullover to take a breath," anunsyo niya sa lahat na inakbayan pa ako.

Wife...

Napabuntong-hininga ako. Hindi ako sanay na inaakbayan ng isang lalaki, lalo pa't hindi ko kilala.

Twenty-two na ako, pero dahil mas gusto kong unahin ang family ko, hindi ko binigyan ng pagkakataon ang mga suitors ko. Yes, certified member ako ng NBSB community. Pero bakit? Bakit kailangan kong gampanan ang papel ng isang asawa eh ni hindi pa nga ako nagkaka-boyfriend!

Nagtaka ako nang kinatok ng isang lalaki ang baso niya gamit ang hawak na kutsara at nagsunuran naman ang iba. It was a steady rhythm at sabay-sabay na tunog. Napatingala ako kay Dominique at lalo lang nagtaka nang makitang nakangiti siya.

"That means they want us to kiss," sagot niya sa nagtatanong kong mga mata.

Nanlaki na naman yata ang mga mata ko sa sinabi niya.

Harassment na ito!

Napatingin ulit ako sa crowd at nakita ko ang matalim na mga titig ni Mrs. Santiago. Natakot na naman ako kaya muli akong bumaling kay Dominique.

"Just play along and you will be safe," aniyang yumuko at bumulong sa akin.

I held my breath sa sobrang lapit ng mga labi niya sa labi ko. Automatically, napaatras ako, ngunit kinabig niya ako sa beywang at hinagkan na naman ako sa mga labi.

Nakakadalawa ka na! Pasimple ko siyang kinurot sa tagiliran. Nilubayan naman niya ako agad, at kung nasaktan man siya sa kurot ko, hindi siya nagpahalata. Tumawa lang siya at kumaway sa mga taong nagpalakpakan. Samantalang alam kong pulang-pula na ang mukha ko dahil ramdam kong ang init ng pisngi ko.

I have to bear with this. I have to bear with this. Maya-maya lang matatapos na ito... pangungumbinsi ko sa sarili.

Pero ang dami pa palang dapat gawin. Slice ng cake, meron pang subuan, kailangan pa naming magsayaw, at ang walang katapusang picture-taking. Nakakapagod palang magpakasal. Akala ko masaya ang tinatawag na kasal, hindi pala.

"Are you tired? You want to get some rest now?" Dominique whispered.

Biglang nagliwanag ang paligid ko sa narinig. "Talaga? Pwede na akong umuwi?"

Ngumiti siya at inakbayan ako. Halata ko lang, nakakarami na ang lalaking ito.

"Everyone, my wife is a bit tired now. I hope you don't mind if we head to our suite upstairs. Please, carry on with the celebration," announcement niya sa lahat na tumulig sa akin.

Natutop ko ang dibdib ko sa sobrang kaba. Hindi pa siya nakuntento, inakay pa niya ako palapit kay Mrs. Santiago upang magpaalam. Mabuti na lang at marunong din makipagplastikan ang ginang. Ngumiti siya sa akin kahit pa na ang totoo ay gusto na niya akong sasaksakin ng hawak na tinidor. Ang daddy ni Celeste ay kanina pa raw umuwi at biglang sumama ang pakiramdam.

Kumikilos na kaya si Mr. Santiago upang mahanap si Celeste?

Bago ako naakay palayo ni Dominique, hinagkan pa ako kunwari ni Mrs. Santiago sa pisngi, sabay bulong...

"I hope you know what you're doing. Nevertheless, kailangang makabalik na agad si Celeste upang maitama ang lahat ng ito."

Napalunok ako bago nakasagot ng isang mahinang opo.

Matapos kong harapin ang takot ko sa mommy ni Celeste, panibagong takot naman kay Dominique ang nakaamba. Anong gagawin ko? Pwede na siguro akong umuwi, 'di ba?

"Can I just go home?" tanong ko nang makalayo na kami sa hall na pinagdausan ng reception.

"And make them wonder?" aniyang tuloy lang ang lakad papuntang elevator.

"But..." hindi ko man lang masabi ang laman ng isip ko.

"I know you don't trust me. But you have no choice, honey."

"Honey?!" react agad ako.

"Would you like me to call you Celeste?" aniyang nilingon ako ng saglit.

Oo nga naman. Hindi niya ako pwedeng tawagin sa pangalan ko at baka may makarinig.

"Fine, suit yourself," napayuko na lang ako.

Ilang saglit pa, nasa loob na kami ng pinakamagandang kwarto sa buong mundo. Ang bango ng paligid. Scented candles lang ang nakasindi. May mga petals ng pulang bulaklak na nakalatag sa kama. Sa bedside table ay may bote ng wine na nakabaon sa isang bucket na puno ng ice cubes. Malamyos na musika ang pumupuno sa paligid.

"Darn! It looks so enticing," he groaned habang nakatingin sa kama.

Inatake na naman ako ng matinding kaba...

Stand-in BrideWhere stories live. Discover now