Fiona

11.6K 251 240
                                    



Fiona's POV

"Dalawa pa! Maluwag pa o! Dasma! Dasma! May dalawa pa!" Dinig kong sigaw ng isang konduktor. Kita ko kung paano nito hampasin 'yong jeep sa gilid. At kita ko rin kung paanong nagsisiksikan ang mga tao doon sa loob. Wala ng ibang jeep kaya no choice ako kundi sumakay na rin.

Anong oras na nga naman. Matagal kasing natapos 'yong practice namin sa sayaw eh. Kaya madalas na akong ginagabi sa pag-uwi.

Umakyat na nga ako sa loob ng jeep. Sinungaling talaga itong si Manong Konduktor. Anong dalawa pa ang sinasabi niyang bakante? Eh halos malaglag na nga 'yong pwet ko dito sa inuupuan ko.

Nagtawag pa nang nagtawag si Manong Konduktor. Talagang hindi pa siya nakuntento ha. Nagmumukha na kaming sardinas sa loob kasi siksikan.

Ang lakas pa ng amoy nitong katabi ko. Parang isang buwang hindi naligo sa lakas ng anghit.

Nadagdagan pa ang pasahero ng lima saka umariba si Manong Driver.

Gusto ko sanang umidlip nalang muna kasi malayo pa naman ang bababaan ko. Kaso, paano ako makakaidlip eh hindi man lang ako makasandal. Ngawit na nga 'yong kamay ko sa paghawak sa silver metal sa ibabaw para lang hindi ako mahulog. Walangya.

Hindi rin naman nagtagal ay may nagbabaan sa unahan kaya kumonti kaming natira na siyang ipinagpasalamat ko.

Bumuntong hininga ako saka ipinikit ang mga mata ko. Isinandal ko rin 'yong ulo ko para makaidlip.

Naalimpungatan ako nang may maramdaman akong tumabi sa'kin. Kinusot ko ang mga mata ko para makita kung nasaan na kami. Baka kasi lumagpas na ako.

Thank God, hindi pa naman.

Nilingon ko ang lalaking tumabi sa'kin. Sasabihan ko sana siyang umusog ng konti kasi maluwag naman na 'yong jeep. Tatlo nalang kasi kaming natira dito sa loob. Plus itong lalaking katabi ko, pang-apat. Kaso, hindi ko nagawa.

Namangha ako sa itsura niya. Ang gwapo. Ang tangos ng ilong. May mapupulang labi at makapal na kilay. Nakasideview pa lang 'yan ha.

Napalunok tuloy ako ng laway.

Nakapagtatakang pinagdidikitan talaga 'yong sarili niya sa'kin.

Grabe. Iba na talaga ang kagandahan ko.

Tumikhim ako para mapansin niya ako. Kaso, snob siya. Ni hindi man lang lumilingon.

Ayaw niya.

Dahil hindi umubra ang pagtikhim ko ay umubo ako. Ubong akala mo may TB. At success naman ako doon dahil nilingon niya ako. Take note, nakangiti pa siya niyan kaya nasilaw ako konti. Mas gwapo pala siya pag nakaharap. Grabe. Ang swerte ko naman ngayong gabi.

"Hi." Bati niya.

Ang ganda ng boses niya. Ang husky. Dapat gandahan ko rin 'yong akin. Para naman bagay kami diba?

Lumunok ako ng laway bago ko siya batiin.

"Hello." Sabi kong ganyan. Inipit ko pa ang buhok na tumatabon sa mukha ko sa likod ng tainga ko.

"Pangalan mo?" Tanong pa niya.

Naman, o. Sana hindi niya mahalatang kinikilig ako.

"Fiona." Nakangiti ko namang sagot sa kanya. Hindi na siya umimik at nag-iwas ng tingin. Hindi ko tuloy alam kung may nasabi ba akong hindi maganda. Sinabi ko lang naman 'yong pangalan ko ah?

"Kapangalan mo pala 'yong girlfriend ko." Dinig kong sabi niya.

"Talaga?" Walang gana kong sabi. Biglang parang bumagsak 'yong balikat ko. Saklap naman. Akala ko pa naman lalablayp na ako.

FionaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon