Back to Artemis. Asan na siya?

"Pumunta na kaya tayo ng classroom?" tanong ni Black sheep. Tumango nalang ako at ayun naglakad na kami papuntang classroom. Habang naglalakad ay may nakita akong isang pamilyar na babaeng umiiyak.

SI ARTEMIS!

Nilapitan agad namin siya. Grabe, humihikbi siya.

"Artemis? Anong nangyari sa‘yo?",tanong ko. Umiiyak lang siya. "Huyyyy.",sabi ko. Tiningnan niya ako at niyakap ng mahigpit. "N-niloko ako ni A-apollo.",sabi niya.

Kumunot naman ang noo ko.

Si Apollo? Pagtataksilan si Artemis? Hindi ‘to maari. Mahal na mahal ni Apollo si Artemis. Parang napaka-impossible naman nito. Aba, teka. Baka prank to ni Artemis.

"What?" shock na tanong ni Black sheep. "Ano ba talaga ang nangyari, Artemis?",tanong ko.

"K-kanina naglalakad a-ako papuntang c-classroom t-tapos sa cr may n-nakita akong isang b-babae na nakasandal sa pader na w-walang suot na damit p-pan-itaas at k-kahilikan n-niya si Apollo.",sabi ni Artemis sa gitna ng mga iyak niya.

ANO?!

"Srsly? How can Apollo do that?",tanong ni Black sheep. "Where is he?",dagdag niya pang tanong. "H-hindi ko alam.",sagot naman ni Artemis.

"Nag-sorry ba siya?",tanong ko kay Artemis. Tumango naman siya habang umiiyak. "Nag paliwanag ba siya?"

"B-bakit ko pa kailangang m-marinig ang mga p-paliwanag niya k-kung nakita ko mismo sa dalawang m-mata ko na .. he- he is going to have s-sex with other girl?" ,sabi niya.

Spell despirado.

A-P-O-L-L-O

Apollo.

Nag-dilim naman ang paningin ko. Paano niya yun magagawa sa  bestfriend forever forever forever forever forever forever forever ko?!  Kakalbuhin ko talaga ang matandang hilaw na yun! Papakainin ko siya ng synthetic rice at ng panis na tinapa. Nak‘ng! PAPATAYIN KO SIYA!

"Pumunta ka na ng classroom, Artemis. Black sheep, tara. Hanapin natin si Apollo at papatayin ko yung matandang hilaw.",sabi ko. Hinawakan naman niya ang kamay ko at hinalikan ito. "Ako na ang bahala kay Apollo. Kakausapin ko siya. Sabayan mo nalang si Artemis papuntang classroom.",sabi niya. Huminga naman ako ng malalim at pumayag nalang sa kagustuhan ni Black sheep.

Umalis na siya para hanapin si Apollo at pumunta naman kami ni Artemis sa classroom. Pagdating doon ay nabigla ang apat kung bakit umiiyak si Artemis. Pinatahan naman siya ni Airi at ayun, buti nga at tumahan na si Artemis. Kinuwento naman niya ang lahat ng nakita niya sa amin.

Walang hiya yung Apollong yun.

Alam ko naman at ng buong barkada na hanggang ngayon ay hindi pa konpermado na mag syota nga sila ni Artemis. Oo, kahit ang cheezy ng dalawa ay hindi pa rin sila. Kahit, nagsasabi sila ng ILY sa isa‘t isa at parang totoo silang mag syota ay hindi pa rin konpermado na sila na nga, pero kahit ganun hindi pa rin ibig sabihin na pwede niyang saktan si Artemis. Na pwede niyang paasahin s Artemis.

Walang hiya talaga siya.

Umiyak naman uli si Artemis. Inilagay ko naman sa likod niya ang kamay ko at ginalaw galaw ito. "Tama na Artemis.",sabi ni Athena. "Papatayin ko yung Apollo na yun.",sabi naman ni Zeus habang clini-clench ang fist niya.

Galit na galit rin si Airi at Poseidon.

Di katagalan ay tumahan na si Artemis at dumating si Black sheep at...APOLLO.

Susugurin ko na sana siya eh kaso mukhang nakikita ko sa mga mata niya ang pagsisisi at grabeng lungkot. Mukhang nasasaktan din siya sa mga nangyayari.

"APOLLO, WHAT DID YOU DO?!",napatayo naman si Zeus at tumahimik ang buong classroom. Tanging mga hikbi lang ni Artemis sa pag-iyak ang naririnig namin. Napatingin rin ang mga classmate namin sa amin.

"I‘m sorry, Artemis. I didn‘t mean to--"

"YOU SHUT UP!",galit naman na sigaw ni Artemis. "I don‘t want to hear your apology, I don‘t want to hear your explanations, I don‘t want to see your face and I don‘t want you to be in my life now!",dagdag pa ni Artemis. Napa-upo naman siya sa sahig.

Artemis...

"Mahal na mahal kita but why did you do that to me? Why?"

---
1 week later...

P.E namin ngayon. Andito kami sa ground ng school. Mag t-tug of war ata kami ngayon. Hanggang ngayon di parin okay si Artemis at Apollo. Hindi na nga sumasabay sa amin si Apollo eh. Galit na galit kasi si Zeus, Airi at Athena sa kanya, pati na rin si Poseidon.

Ako?

Syempre, galit pa din ako kay Apollo pero nung nakita ko ang pagsisisi at pagka-lungkot sa mga mata niya ay parang nabawasan ang galit ko. Napapansin ko din na sobrang lungkot niya sa mga nakaraang araw at palagi siyang wala sa sarili niya. Kakausapin ko si Apollo mamaya pagkatapos nito.

Tug of war.

Girls vs. Boys.

Wahhhh~ Nakaka-excite! Tiningnan ko si Artemis. Sobrang lungkot niya. Tiningnan ko naman si Apollo na nakatingin kay Artemis na para bang gusto niyang lumapit kay Artemis at humingi ng sorry pero alam na niya ang magiging resulta kung gagawin niya iyon. Nalungkot naman ako.

Hayyyy.

Panibagong problema na naman ito.

Di katagalan ay nagsimula na ang laro. Hila lang kami ng hila ng mga girls. Yung mga boys naman ganun din ang ginagawa. First round, panalo ang girls. Yesss! Mga bakla ata ang boys ngayon.

"Okay guys! Ganito, by pairs na naman! Boy and girl, kayo na ang bahala sa gusto niyong maging partner!",sabi ni Miss Mylene at agad namang lumapit sa akin si Black sheep at niyaya ako. Wala naman akong magawa kaya um-oo nalang ako. Hayyy. Hanggang ngayon nga rin pala ay hindi ko pa siya sinasagot.

Pakipot effect muna ako.

Oo, inaamin ko. Gusto ko na siya. Mahal ko na siya.

Ang partner ni Athena ay si Zeus. Si Airi naman ay ...wala. Hindi siya nag cooperate. Bahala siya. XD Hinahanap niya ata si Jeremy. Oo, alam ko ang tungkol sa kanilang dalawa. Hindi pa naman talaga kami umuwi nun. Pinapanood namin ng barkada yung dalawa di kalayuan doon sa pwesto nila. Nakakatawa nga yung reaksyon ni Airi. Ahahaha.

Si Poseidon eh ang classmate namin na si Jera. Habang si Artemis naman ay... no choice. Si Apollo.

Kumuha kami ng lubid ni Black sheep at ganun naman rin ang ginawa ng ibang pairs. Ayun, nung nag cignal na si Miss na magsimula na kami ay nag simula na kami. Ginamit ko ang buong lakas ko sa paghila ng lubid. Pero hindi naman ganun ang ginagawa ni Black sheep pero hindi niya parin nabibitawan ang lubid. Ang lakas niya ah. Mas hinigitan ko pa ang lakas ko sa paghila ng lubid ng biglang hinila ni Black sheep ang lubid ng malakas at nadala ako.

At...

At...

*dug dug dug dug*

Nahalikan ko siya.

Ma-swerte naman at walang nakakita. May binulong naman si Black sheep sa akin. "Yes or no? Please say yes. I really want you to be mine right now."

This is it.

Walang tigil naman sa pagkabog ng malakas ang dibdib ko. Niyakap ko siya at sinabing...

"Yes."

---

Oh ho ho ho!

VOTE VOTE VOTE

COMMENT COMMENT COMMENT

Promote lang!

BTS next door by heliumanju

UP NEXT!

Ma‘am Michy.

-Ayrenxx

I Met A Gangster Whose Name Is NikkoKde žijí příběhy. Začni objevovat