"So-sorry..." sabi ko at agad na napatalikod. "wala naman akong nakita eh." wala nga ba?

"Talaga? eeeeh.. Charles naman eh.. bakit ba kasi basta-basta ka nalang pumapasok. huhuhu" galit na sabi ni Maddy.

"eh bakit ba kasi ang tagal mo dyan.. Tsee.. walang akong nakita, at kung may nakita man ako, sigurado akong hindi yun maganda." hindi nga ba?

"Talaga wala kang nakita?"

"Wala nga.. bilisan mo na dyan.. pag di ka pa tapos in 3 minutes iiwanan talaga kita." sabi ko at agad na bumaba...

Hooooh! Arrrggh! nakita ko lahat eh.. kahit mga 2 seconds lang yun, pero ayaw na mabura sa isipan ko.. BAD CHARLES, BAD!!

Maya maya ay bumaba na din si Maddy. Syeeet! di ako makatingin ng diretso sa kanya.. paano ba naman kasi sa na aalala ko bigla yung nakita ko kanina nang makita ko sya.

"tara na.." sabi ni Maddy.

"Ma, alis na po kami. Bye!" sigaw nya at nakita kong nag nod lang si tita Maylene may ka-usap kasi ito sa telepono.

Nasa loob na kami ng sasakyan at pareho kaming tahimik.. Jeez! sa sobrang tahimik pumapasok tuloy sa utak ko yung magandang larawan na nakita ko ka nina. Maddy being naked! di tuloy ako makapag concentrate sa pag da-drive.

So I turned on the stereo at pinalakasan yung volume nito. (A/N: play the video >>>>>>>> 365 by JPM)

"Tsk ang lakas naman." pagre-reklamo ni Maddy at pinahinaan nya yung volume.. 

Pinalakasan ko ulit kasi pumapasok na naman sa kukuti ko yung 'kanina'.

"Ano ba, ang ingay-ingay naman. Ang lakas ng volume, di ko naman ma intindihan yung lyrics" pagre-reklamo nya ulit at pinahinaan ulit yung volume.

Pinalakasan ko ulit ito, kasi lumalala na ata utak ko. Kahit na sa daan ako nakatingin yung mga nakita ko kanina ang nag a appear sa isipan ko. Di ako maka focus.

"Charles naman eh...."

"Pakinggan mo nalang kasi, maganda naman yang music na yan.. Kanta yan ng JPM sikat yan. Yung isang member nga dyan na si Prince kamukha ko eh."

"tsk.. pero pahinaan mo, wag mong e full volume .. di naman tayo binge." sabi ni Maddy at akmang hahawakan yung volume button para pahinaan ito.

"Wag nga sabi.. Pumapasok kasi sa utak ko yung 'ikaw na nakahuba-----"

"AKALA KO BA WALA KANG NAKITA?" araaaay! ang sakit sa tenga ng sigaw nya, mas malakas pa sa volume ng stereo eh.

Her Yellow Notebook (Complete)Where stories live. Discover now