Chapter 1

580 16 6
                                    

Chapter 1

JM's POV

First day ko ngayon sa bagong school. All Boys School. Finally! Ngayong araw na ito. Di ko na muling ma-e-experience ang tapunan ng papel habang nag-i-introduce sa sarili ko sa harap. Magiging payapa na rin ang school life ko, yes! Magkakaroon na rin ako ng mga kaibigan at hindi na magiging tamlay buhay ko dun. Sabihin na nga nating mali ang gagawin namin pero, gusto ko lang maging masaya ang school life ko. Ilang years din akong nagdusa sa pagiging under sa ibang students at over-the-corner na estudyante. Pero, ngayon, malaya na ako at magagawa ko na ang gusto ko. Ansaya kaya nun! Diba? Diba?! Excited lang talaga ako. Haha. Para akong naging 4 years old na papasok ng nursery at looking forward masyado sa mga kaklase at pagkatapos ng araw ay uuwi at iku-kwento sa parents ko. Hahaha. Iba lang yung sa'ken. Ibang-iba. Papasok ako sa isang all boys school knowing na babae ako pagkatapos ay magdo-dorm pa talaga ako at ang masaklap, hindi pa ako napagbigyang maki-room sa kuya ko. Pero, okay na rin. Looking forward na lang ako sa magiging roommate ko. Sanan mabait tapos hindi mayabang. :)

"JM, kumpleto na ba mga gamit mo? Na-pack mo na ba lahat?" tanong ni kuya na nasa likod ng pinto. ni-lock ko kasi. :)

"Oo kuya. Kagabi pa." sagot ko sa kanya na nagliligpit na ng kama.

"Oh, ano, tara na? Wala ka na rin namang nakalimutan diba?" talaga 'tong kuya ko napaka-caring. :)

"Tatapusin ko lang ang pagligpit dito kuya. Nasimulan ko na rin naman kasi. Wala na rin akong nakalimutan. Pagkatapos kong ligpitin 'to, baba na'ko kaagad."

"Oh sige, hintayin na lang kita sa kotse."

"Sige kuya." - *pagpag higaan* *tupi ng comforter* ta-da! Ayos na.

"Baba na 'ko. Haaaaaay. Mami-miss ko rin 'tong kwartong 'to. Haha. Para akong timang na nakikipag-usap sa sarili. Hahahaha. Di bale, babalik din naman ako dito eh. Two years lang. Junior na rin naman ako ngayon." -timang na talaga ako. Hahaha. Bababa na nga lang ako. Kanina pa yun naghihintay si kuya. Baka naiinip na. Kahiya naman, first day of school tapos late pa'ko. -.-

Baba hagdan.

Baba hagdan..

Baba hagdan......

After 123456789 millenia, nakarating na rin sa kotse. Ang bigat naman kasi nung bagahe ko. Hindi naman sa marami akong dinalang mga kung anu-ano.

"Kuya, sorry. Natagalan." -sabi ko sa kanya. Ngumiti lang siya tapos nagsalita.

"Okay lang yun. Matagal-tagal pa rin before ka makabalik dito. Mami-miss mo talaga 'tong bahay." -sabi ni kuya. Kahit kelan talaga, ambait. Kelan kaya 'to magagalit? Haha. :)

"Oo nga kuya eh. Haha. Pero, as long as andun ka, di rin ako maho-home sick." -sabi ko sa kanya ng maka-upo na ako sa kotse.

"'to talagang kapatid kong 'to. Kahit kelan, napaka-'kuya's girl'. Hahaha." -tawa siya ng tawa tapos ginulo yung bagong putol kong buhok. Hindi pa nga ako sanay masyado eh. Ang ikli naman kasi. Ang taas din naman kasi nung buhok na pinutol sa'ken nung nag-decide akong mag-transfer sa all boys school. :)

"Kuya naman, di ka pa nasanay sa'ken." -sabi ko sa kanya.

Minsan lang namin nakakasama ang parents namin. Busy kasi sila sa business. Kasi naman ang daming mga ka-business partners na halos lahat yata hindi taga-dito sa Pinas. Kaya si kuya lang lagi kong naaasahan. Hindi na ako magtataka kung bakit napapayag ang parents ko na pumasok ako sa isang all boys school. Malamang nung time na sinasabi ni Kuya ang tungkol dun, busy'ng-busy sila. tsk. Hindi sa nagtatampo ako sa kanila kasi alam ko namang para sa amin yung ginagawa nila, pero, sana naman bigyan din nila kami ng konting pansin at oras tulad ng binibigay nila sa business nila. tsk. Kung di lang sa pagmamahal ng kuya ko, malamang patapon na 'tong buhay ko. tss.

All Boys School's PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon