Good Vibes

14 0 0
                                        

Okay, may naisip na rin naman akong plano.
Magpa part time job. Oo, tama to, makakaipon na ako ng pera may experience pa!
Nice, ang talino ko talaga, ahahahahah!!

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
......

Ngayon ang problema naman, kung saan ako mag hahanap ng trabaho. -.-""

Kahit ano lang talaga na trabaho okay lang sakin. Basta may sweldo. Pero syempre dapat safe. Hindi yung illegal na trabaho. Mabait ako noh.

Alis muna kaya ako, para makapag isip pa ako ng mabuti.

Shower time baby!! Wohoo!!

(After 30 mins.)

"Oh, so fresh! Yesss. I love this feeling.
Smell my kili-kili, oh, ang bango! So very mabango~~" kanta ko habang palabas ng banyo.

"Uy, ba't wala na akong panty dito?" Tanong ko sa sarili ko. Ukay kasi ako ng ukay dito sa aparador ko pero wala akong mahanap na panty.

"Yaya!!!!! Ba't wala na akong panty?!! Sigaw ko.

"Hoy, wag ka nga sumisigaw ng panty diyan Camille! Rinig sa labas eh. Paano kung marinig yun ng mga kapit bahay natin? Sabihin pa nila na hindi kita binibigyan ng pera pang bili ng panty. Nakakahiya ka talaga kang bata ka." Sigaw ng papa ko.

"Ehehe, sorry pa!" Luh, ganon na ba kalakas yung sigaw ko? Narinig kaya ng mga kapit bahay ko? Ay ewan.

Bumukas yung pinto ng kwarto ko.

"Eto na mga panty mo Camille oh" sabi ng yaya ko habang inaabot yung isang basket ng mga damit ko.

Ay, oo nga pala, sabado ngayon. Schedule ng laundry day namin. Every Saturday kasi,  lahat ng damit namin, kahit yung mga hindi pa nasusuot, nilalabhan.
Weird ba? Yan kasi yung nakasanayan namin dito sa bahay eh. Rule yan ng mama ko noon, that's why naging tradisyon na namin.
7 years na rin kasing wala na si mama. 7 years na ang nakalipas nung namatay siya. Ay, sakto, bibisitahan ko nalang rin mamaya si mama.

"Salamat yaya! Mwah!"

"Ewan ko talaga sayo Camille." Natatawang sabi ng yaya ko habang palabas siya ng kwarto ko.

Okay, back to business.
Nasuot ko na panty at bra ko. Yehey!!
Nagsuot na rin ako ng damit.
Black jogger pants, gray baseball jersey at gray na nike airs. Ganito talaga yung usual ko na panamit. Hindi ako mahilig sa medjo girly na damit eh. Sabi nga ng classmates ko mas lalake pa ako sa lalake 😅. Pero okay lang, at least I feel comfortable in what I wear.

Hindi sa nagmamayabang, pero, maganda talaga yung hubog katawan ko. Dala na rin siguro sa almost 10 years ng pagiging tennis player. That's why kahit anong suotin ko, bumabagay talaga sakin. Pros of being an athlete nga naman ✌️. Kaso lang medjo maitim talaga ako, hindi naman yung sobrang itim, like parang golden brown? Ahahah parang fried chicken lang XD

Sinuot ko na rin yung mga earrings ko. I have a total of 7 earrings. Apat sa left ear at tatlo sa right. Huli kong sinuot yung necklace na bigay sakin ng mama. Silver siya, tapos may maliit na pendant na cross. Simple lang naman yung kwintas, pero napakahalaga para sakin to. Ito kasi yung pinak huling regalo sakin ni mama.

Tumingin ako sa full length mirror ko. Nang nakuntento na ako sa sarili ko, nag lagay nalang rin ako ng konting powder sa mukha ko, at lip balm. (Kahit papano babae rin naman pala ako hahahaha)

Pag labas ko ng kwarto ko, nakasabay ko pababa si papa.

"Oh, san' punta mo 'nak?" Tanong ni papa.

"Mamamasyal lang po sana pa" sagot ko.

"Osige, mag-ingat ka ha?"

"Yes pa :)" sabi ko tapos hinalikan ko na pisnge ni papa. Close talaga kami ni papa eh. Kahit masungit yan, alam kong love niya ako.

"Ay, oo nga pala anak, may pera ka ba? Baka mamaya pasyal ka ng pasyal, wala ka na palang pera." Pahabol na tanong ni papa

"Meron pa naman ho akong pera." Sagot ko.

"Okay. Pero para sigurado, eto oh. Para at least kung may emergency, prepared ka." Sabi ni papa habang inaabot sakin ang dalawang 1000 peso bills at apat na 500 peso bill.

"Pa, sobra sobra naman yata tong bigay mo." Gulat ko na sabi.

"Kung hindi mo naman masyado magasto yang perang bigay ko, pede mo na rin ipang dagdag sa baon mo para sa concert yan."

"Oooohhhh!!!! Pa!!!! Salamat!!!! Ooooohh!!!!
Yesssss!!! Thank you talaga pa!!! Mwah mwhah mwah!!" Sobrang gulat ko talaga, akala ko hindi ako tutulungan ng papa. T.T huhuhuhu ang saya ko talaga, mababawasan na yung problema mo.

"Pa, I love you talaga, huhuhuhu alam mo yun diba? Huhuhuhu" sabi ko kay papa habang nakayakap ako sakanya.

"Ahahaha, oo anak, alam ko yun. Kaya nga kita tinulungan eh, kasi mahal kita. Alam ko kung gaano kahalaga sayo tong concert na to eh. Pero 'nak, pasensya na at konti lang yan nabigay ko. Alam mo naman na tumitipid pa tayo ngayon. Wrong timing kasi pag retire ko."

"Naku pa, sobra sobra na nga bigay mo sakin eh. Wag kang mag alala pa, kaya nga ako aalis ngayon para makapag hanap ng part time job."

"Sige 'nak, ingat ka ha? Wag masyadong magpa gabi. Text mo ako pag pauwi ka na."

"Oo, pa. Mag iingat ako. I'll text you later. Bye, labyu <3"

Okay!!! Good vibes talaga ako ngayon! :D

-----------
A/N
Hi again guys!!

Please be patient with me guys 😅 okay?
Promise gaganda rin ang story. I'm building up momentum 😎.

Again, very much appreciated if you leave comments. It could help me improve my story.
Kung may mga Typos, grammatical errors, etc. please inform me right away, para maayos ko kaagad.

Mahar ko kayo mga bebelabs!! ❤️❤️❤️
•camillebuensalido

I'm Your Number One FanWhere stories live. Discover now