Chapter 25 : Ikaw na naman?!

Start from the beginning
                                    

"Pota! Ang sakit non Dwyne!!" pagrereklamo niya. Nagpasawalang bahala na lang ako at inisip ko na wala akong nakikita o naririnig. Inakit na nila akong pumuntang gym para makapagpalit.

Bakit nakalimutan kong may practice kami ngayon!

"Oy Dwyne! Sandali ito naman iiwan niyo ako?" Jaztine

"Tumigil ka nga jan baka gusto mo ulit sikmuraan kita? " nanlaki naman ang mata niya sa sinabi ko.

"Eto naman hindi mabiro. Sige na dude suko na ako! " Nag peace sign naman ito bago lumapit kay Gino, napailing nalang ako sa kaabnuyan ng kaibigan kong ito.

Nagpaalam ako pagkatapos kong magpalit ng pang practice namin, pumunta muna akong canteen dahil hindi ako nag-almusal kanina dahil sa sobrang pagmamadali.

Tiningnan ko muna kung may slice na sila ng black forest cake at nakita kong iisa na lang pala ang nakadisplay don kaya bibilhin ko na, pipila na sana ako ng may humarang sa dadaanan ko.

"Ate kukunin ko na po ito, thank you. " sabi ng babaeng nakabraid, hindi ko kita ang mukha niya at nakatalikod siya sa akin. Nagbayad na siya at inabot na sakanya yung last slice ng black forest.

"Excuse me miss, hindi ka ba marunong pumila, kita mo namang pipila ako bigla kang sisingit saka ako dapat ang bibili ---- " hindi na ako nakatapos sa pagsasalita ng lumingon ito sa akin at nakita ko na naman ang pamilyar niyang mukha.

What the! Bakit nandito itong babaeng ito?

"IKAW NA NAMAN?!?!" Sabay naming sabi na dalawa. Siya yung babaeng niligtas ko noong gabing nagpunta ako black market 'yong babaeng hindi marunong mag-ingat at pumupunta sa ganong lugar na wala manlang kasama tsk..

Pagkakataon nga naman, kung hindi ka man swerte minamalas ka.

"Anong sinasabe mo na sa 'yo to aber? Kita mo ba binayaran ko na at hawak ko oh" ipinakita pa niya sa akin. Nang-aasar ba tong babaeng to.

"Kung hindi ka kasi sumingit sa pila edi sana akin yan" sabi ko.. tumaas naman ang kilay nito.

"Well, ambagal mo kasi eh kaya naunahan ka" sabi niya na nakapagpatahimik sa akin. Napatingin ako sa side ko kung saan ang entrance at magkasamang pumasok si Shawn at Zyrelle.

Nakaramdam ako ng selos, kaya napaiwas ako ng tingin sa kausap ko.

"Oo nga masyado akong mabagal kaya mabilis akong maagawan tsk" umalis na ako at hindi ko na siya tinapunan ng tingin. Edi sa kaniya na, nawalan na ako ng gana kumain.

Kristen POV

Hi Guys my name is Kristen Liu certified makulit na medyo sosyalin. Bago lang ako dito sa Harrison University and thank God dahil may mga kakilala na ako at nagkaroon pa ako ng instant friend na si Zyrelle. She's so mabait pala unlike other girls na puro paganda lang ang alam and she has another bestfriend named Lianna.

Ilang oras na kaming naguusap ni Zyrelle about her lovelife. Nakakakilig lang kasi yung mga kwento niya sa akin. I don't know why i adore her that much.

Nagpaalam muna ako sandali kay Zyrelle na pupunta akong comfort room, tinanong pa niya ako kung gusto niya akong samahan pero i refuse dahil nakakahiya naman at kaya ko naman magisa. Napadaan ako sa canteen dahil nakaramdam ako ng gutom, tinext ko siya na pumunta nalang sa canteen para dito naman kami magkwentuhan at ililibre ko siya ng food.

Nakita ko ung nag-iisang blackforest kaya yung ang binili ko mabilis akong pumuntang counter pero bigla nalang may nagsalita sa likod ko pagkatapos ko magbayad at hindi ko inexpect na dito kami magkikita.

  si Mr. Sungit guy. Siya yung lalaking tumulong sa akin noong may nambastos sa akin pero sobrang sungit naman niya at mukhang iritado kung makatingin.

Kapwa kami nagulat ng magkatinginan kami, tinaasan ko siya ng kilay at sinabihan ko na ambagal niya kaya ko siya naunahan pero nagbago yung expresyon niya at naging cold. Napatingin lang siya sa entrance eh nagbago agad yung mood niya.  

"Oo nga masyado akong mabagal kaya mabilis akong maagawan tsk" sabi niya pagkatapos ay umalis na agad. May mali ba akong sinabi kaya siya nagalit na naman sa akin? ilang minuto akong nakatayo sa pwesto ko at iniisip ko kung may masama ba akong nasabi dahil kita ko kasi sa mata niya kanina na na- hurt siya eh.

Nakaramdam ako na may humawak sa balikat ko. Si Zyrelle lang pala at nasa di kalayuan ay naroon yung boyfriend niya.

"Bakit nakatayo ka diyan? Madami namang vacant seats ah?" sabi niya, nabalik naman ako sa wisyo ko.

"Ah sige tara don tayo" sabi ko at naupo na kami.

Nang makarecover na ako sa nangyari ay napakwento na ako kay Zyrelle.

"Gosh! I didnt expect na dito rin pala nag-aaral si Mr. Sungit.. agad kong sabi

"Talaga? Nagkita kayo, anong bang itsura niya, gwapo ba?" natatawa pa nitong tanong habang kumakain.  Hindi ako magsisinungaling na gwapo talaga siya pero ang sungit niya eh ganun rin kaya siya sa ibang babae?

"Yeah, maybe" natatawa kong saad. "pero sayang ang sungit nga lang.."

"Mabait naman siguro 'yon kasi tinulungan ka nga diba? Hayaan mo ganan din yung Shawnget ko sa akin noong una.." medyo kinikilig nitong sinabioo nga naman baka badtrip lang siguro pero hindi ko maitatanggi na ang lakas ng dating niya sa akin, lakas maka superman eh.

"Siguro nga.." pinaghatian namin ung black forest na binili ko.

"Sisssss!!!!!!" sigaw nung nasa likod ko, maybe ito na yung tinutukoy niyang si Lianna.

"Oh! Lianna Sis! Imissyou!" nagyakapan sila nung babaeng mestisa at matangkad.

"Sis Lianna si Kristen nga pala yung sinasabi ko sayo na new friend ko na magiging friend mo narin haha, transferii siya " pagpapakilala sakin ni Zyrelle kay Lianna.

"Oh hi i'm Lianna Bless Ferrer, nice meeting you. " mukha din mabait tulad ni Zyrelle at sosyalin din like me paniguradong magkakasundo kami nito.. 

"Hello, I'm Kristen Liu, nice meeting you too" masigla kong bati at nagshake hands kami then nagbeso siguro ito na ang simula ng aming pagkakaibigan.

----------------------

The Campus NERD to Campus QUEEN (TCNCQ) ♥Where stories live. Discover now