Chapter 14: Mall - Part 1 ♥

12.6K 359 5
                                    

Zyrelle POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Zyrelle POV

         Biyernes na at bukas na 'yung party na sinasabi ni Dwyne. Kinakabahan na naman ako feel ko kasi may something sa party na 'yon na mahirap iexplain. Wag naman sana 'yung iniisip ko.

Wala kaming pasok ngayon may teachers assembly kaya cut ang klase namin so ibig sabihin sa umaga lang kami may klase tapos mamaya daw alas-otso ipapadala nung helper ni Lianna yung susuotin ko para bukas. Nasabi ko naman sakanya na inimbita ako ni Dwyne at siya na mismo ang nagpresinta kung ano ang susuotin ko.

Wala akong magawa ngayon dahil wala naman akong kasama dito sa nirentahan kong apartment, as in loner ako ngayon alam ko naman pati na busy si Lianna kasama yung boyfriend niyang si Aaron kasi nasabi niya sa akin na babawi daw siya don. Bakit parang may mali sa boyfriend non, hindi ko lang masyadong feel yung presence niya. Sorry to say this pero parang hindi sila bagay ni Lianna, expected ko lang na mala Dwyne manlang yung boyfriend niya, Oh well tutal mahigit tatlong buwan na naman sila at mukha namang mahal nila ang isa't isa edi support nalang ako.  

Si Dwyne naman ayokong gambalain syempre baka maging pabigat pa ako este baka makaabala pa ako sa kaniya nakakahiya naman saka magkikita rin naman kami bukas.

Nagbasa nalang ako ng mga libro ko yung mga sinulat ni William Shakespeare ang mga paborito kong basahin yung 'The Phoenix and the Turtle' ang binabasa ko ngayon. Habang nagbabasa ako hindi ko naramdaman na nakatulog na pala ako...


Dwyne POV

          Tinatawagan ko si Zyrelle pero walang sumasagot aayain ko sana siya mag-mall tutal wala namang klase ngayon. Tulog ata siya kasi nakailang missed calls na ako ay wala parin nasagot baka naka silent din ang phone niya well hindi ko alam, kaya napagpasyahan ko na tumambay nalang muna sa tambayan namin. 

Pagpunta ko dun nandun agad ang mga ka-tropa ko except kay Leader na tulog na tulog. Parang ngayon ko nalang ulit nakita itong brad namin na dito natutulog ah. Nakakapanibago lang hindi naman kasi siya antukin na tao.

"Anyare kay Shawn? " Tanong ko sakanila. Naabutan kong naglalaro ng jackstone sina Gerard at Nico kaya sila ang tinanong ko. Mukhang wala 'yong iba eh.

"Ayan pagod na pagod hahahaha... " Gerard. 

"Bakit? " Ako. Umupo ako sa sofa katabi ng billiard table, kumuha muna ako ng isang coke in can bago umupo.

"Kasi sinama siya ng erpats niya sa isang ewan ko basta malay ko ba diyan di naman nagsasabi sa atin eh basta tapos ayan sabi niya kanina wag siyang iistorbohin at pagod daw siya. " Gerard, saad niya habang busy sa pag coconcentrate sa laro nilang jackstone. 

" Ahh Kaya pala... Tara labas nalang tayo." pag aaya ko sakanila.

"Pvtangina! Talo ako sh!t" Gerard "Tarantado ka talaga Dwyne pang gulo ka eh pero tara libre mo ba?!" tumayo na siya at inayos yung mga kanina pa nila nilalaro.

The Campus NERD to Campus QUEEN (TCNCQ) ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon