Chapter 11

7.2K 301 8
                                    

"O, Tarieth, bakit ikaw ang nandito nasaan si Brynna?" nagtatakang tanong ni Elvira nang makitang si Tarieth ang nagbabantay sa shop imbes na si Brynna.

Nasa ikatlong araw ng paglalakbay pabalik ng Brun ng magkamalay si Tarieth. Agad namang nagkasundo ang dalawang bata na siyang ikinatuwa ni Elvira. Sana sa pamamagitan ng pagiging magkaibigan ay parehong makalimutan ng dalawa ang karanasan sa La Fun. Ang hindi nito alam ay matagal ng magkaibigan ang dalawa, hind inga lang sila nagkikita sa personal.

"Nasa workroom po ninyo Miss Elvira." sagot ni Tarieth.

Kumatok muna si Elvira sa pintuan bago pumasok sa workroom, kahit pag-aari niya ang work room nagbigay respeto pa rin siya sa batang nasa loob. Nag-alala na si Elvira kay Brynna. Halo doon na ibinuhos nito ang lahat ng atensiyon at oras. Hindi na ito lumalabas ng shop, tanging si Tarieth lang ang kinakausap nito. Ni ayaw humarap sa ibang tao. Alam ni Elvira na parang natrauma ang bata, hindi nito alam kung ano ang gawin para makatulong kay Brynna kaya hinayaan na lamang ito ni Elvira na manatili sa workroom. Naging napakalaki ng tulong ng dawalang bata kay Elvira. Habang si Tarieth ang nagbantay sa shop, si Brynna naman ang katulong ni Elvira sa paggawa ng gamot.

Malaking tulong si Brynna sa kanya dahil hindi kaila sa mga bata ang dumadaming sakit ngayon sa Brun.

"Brynna?" tawag ni Elvira. Nang wala itong marinig na sagot ay bigla itong kinabahan. Pagpasok ay mabilis na hinahanap si Brynna. Natagpuan nitong natutulog sa sahig si Brynna, nakaunan sa sariling kamay. Hindi mapagdisisyunan ni Elvira kung gigisingin ang bata o hahayaan na lang ngunit hindi din maganda na matulog sa malamig na sahig. Muling lumabas si Elvira para humingi ng tulong kay Tarieth na para ito na ang gumising kay Brynna. Iniisip kasi nitong mapapahiya si Brynna.

Naabutan ni Elvira na may taong inaasikaso si Tarieth. Nagulat pa ito nang makilala ang kausap ni Tarieth. Bumilis ang tibok ng puso ni Elvira.

Yumukod muna si Miss Elvira sa dalawa bago nagsalita. "Magandang araw Duke Brennon, Duchess Lyla. Kumusta po kayo? May ipaglilingkod po ba ako sa inyo?"

"Mabuti naman Elvira, napagpasyahan lang namin na maglakad-lakad. Naalala ko na malapit dito ang shop mo kaya dumaan kami." Ani ni Brennon.

Parang gustong mabilaukan ni Elvira. Naman! Isang napaka-importanteng tao sa Brun napadaan daw? Teka! Iba na talaga to eh! Diyos ko!

"May bago ka palang kasama. Tarieth tama ba ako?" tanong ni Brennon sa batang kaharap.

"Opo." Nahihiyang sagot ni Tarieth. Noon pa ay napansing ni Elvira na isang tanong, isang sagot ito.

"Pagpasyensiyahan mo na kamahalan, ganito talaga ang batang ito. Ang totoo, dalawa ang katulong ko sa shop." Nakangiting sabi ni Elvira. Elements! Ngayon ako nagtataka kung bakit may benta pa kami kung ganito klase ang serbisyo ng batang ito! Parang di yata marunong makikipag-usap! "Naku! Muntik ko ng makalimutan! Kailangan ko pala ng katulong mo Tara na gisingin ang batang iyon." Tukoy nito kay Brynna.

"Bakit anong nangyari? At pakiusap ilang beses ko ng sinasabi sa iyong tawagin mo akong Lyla." Bago pa nakasagot si Elvira naunahan na ito ni Tarieth.

"Nakatulog na naman ba si Brynna sa workroom Miss Elvira?" natatawang tanong ni Tarieth, parang nalimutan ang hiya.

"Oo, kaya kailangan ko na naman ang tulong mo para gisingin siya." Sabi ni Elvira saka muling binalingan sina Brandon at Lyla. "Si Brynna kasi ang tumutulong sa akin na gumawa ng gamot, sa sobrang pagod kaya nakatulog." Paliwanag nito sa mag-asawa.

"Bakit kailangan pang gisingin, tutulungan na kita Elvira na buhatin ang bata at dalhin sa silid ng sa ganun ay makapagpahinga ito. Dito ka nalang hija para may maiwang magbantay dito." Sabi nito kay Tarieth na hindi alam ang gagawin sa bilis ng mga pangyayari, halatang hindi ito sanay makiharap sa tao. "Tara na, saan ba itong work room mo?" sabi ni Brennon at nauna na itong pumasok sa loob kasunod ang asawang si Lyla. Labis mang nagtaka ay walang magawa si Elvira kundi sumunod din sa dalawa.

Elemental Mage Book I (Brynna)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon