Chapter 1

12.1K 397 7
                                    


House of Lancaster
Mer City, Brun
Mage Era 501
Harvest Moon

Matapos ang mahabang panahong lumipas pagkatapos ng First War, maraming nagbago sa Brun.  Naging maunlad ang lugar at may mga bagong teknolohiya na rin na nalikha.  Ngunit may maraming lugar at mga nakasanayan na ng mga tao ang hindi nagbago at pinanatili ng mga mamayan ng Brun.

            Nasa study room si Brandon nang nakakatandang kapatid na si Duke Brennon Lancaster at kausap ito.

            "Pwede bang huminahon ka? Sigurado akong kaya ni Lyla.  Bata at malakas ang asawa mo kaya walang rason para mag-alala ka." Pagbibigay lakas loob ni Brandon sa kapatid dahil kanina pa ito hindi mapakali.  Kasalukuyan kasing nanganganak ang asawang nitong si Lyla.

            "Alam ko naman 'yon, pero hindi ko pa rin maiwasang mag-alala. Just wait 'till you're in my shoes. Ewan ko lang baka mas masahol ka pa sa akin." Ganti ni Brennon.

            Tinawanan lang ni Brandon ang sinabi ng kapatid.  "Pangatlong anak n'yo na to, pero kung makaasta ka parang unang anak n'yo ito. Sa tingin ko'y may ibang dahilan kaya ka nagkaganyan."

            "Nothing serious. It's just that Lyla and I, have a strong feeling that we will have a girl this time because she was having more difficulty with this pregnancy than the previous ones."  Sagot ni Brennon sabay tingin sa dalawang anak na lalaking tahimik na naglalaro sa isang sulok. "Excited na rin ang mga anak kong lalaki na magkaroon ng kapatid na babae."

            "Mabuti kung ganun---," hindi natapos ni Brandon ang sabihin sana dahil may narinig silang malakas na sigaw.  It sounded too close to the master's chamber where Lyla is currently giving birth.

            Binabayo sa lakas ng tibok ang dibdib ni Brandon ng marinig ang sigaw.  Nagkatinginan silang magkakapatid.  Kitang-kita ni Brandon na namutla ang kapatid.  Wala itong inaksayang sandali, agad na tumakbo palabas ng silid.  Naiwan si Brandon kasama ang dalawang pamangkin.  Brandon muttered some prayers to all the elements that his sister-in-law is alright. Ikamamatay ito ng kapatid kung may mangyaring masama sa asawa nitong si Lyla.  Pagkatapos ihabilin ang dalawang bata sa katulong ay sumunod si Brandon sa kapatid.

            Pagpasok palang ni Brandon sa silid ay alam na niyang may problema. Yakap ng nakakatandang kapatid na si Brennon ang hipag na si Lyla na umiiyak. Hindi kaagad siya nakasunod sa kapatid dahil binalikan niya pa ang dalawang pamangkin na nagsimula ng umiyak ng biglang tumakbo paalis ang ama ng mga ito. 

            "How are you feeling love?  What happened?" narinig ni Brandon na tanong ng kapatid, wiping the tears on Lyla's cheecks na walang tigil sa pagdaloy.

            "Babae ang anak natin Bren, narinig mo ba ako? May Bryanna na sana tayo..." Puno ng sakit at hinagpis ang boses ni Lyla ng magsalita.

            Sana? Brandon thought.

            "Pero bakit ganun...bakit ganun? Hindi man lang ako binigyan ng pagkakataong marinig kahit ang iyak niya, kahit mahawakan ko man lang sana ang mainit niyang katawan, ni hindi ko alam kung anong kulay ang mga mata niya, pati iyon ipinagkait sa akin. Ang tagal ko siyang hinintay at pinangarap." Right there and then alam na ni Brandon ang masakit na katutuhanan base sa mga sinasabi ng hipag.  "Bakit-"

            "Shussh, it's alright, you did your best. Talaga lang hindi siya para sa atin." Putol ni Brennon sa sasabihin pa ng asawa.

            Nakasarado ang mga bintana at kurtina pero may dalawang globe light sa magkabilang gilid ng higaan kaya maliwanag pa rin ang loob.  Naroon ang HealerMage na si Sola na tahimik na nakatayo sa isang sulok ng silid na marahil kagaya niya ay hindi alam ang gagawin.  May karga ito na nakabalot sa puting lampin.  She is probably waiting for the instructions as what to do next. Si Sola ang pinakamagaling na HealerMage ng Water Temple sa buong Brun. Sa batang edad na dalampu't tatlo ay isa na itong High Mage. Ang High mage ang pinakamahirap at pinakamataas na antas ng isang mage. Kailangan ito ng maraming taong pag aaral, sipag at kapangyarihan.  And to be able to received and use that title you must be the most powerful in all the kingdoms. To achieve such title at an early age means she is no ordinary mage.

Elemental Mage Book I (Brynna)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon