Chapter 7

7.3K 326 7
                                    

            "Brynna, mabuti at nandito ka na. May ipapakiusap sana ako sayo." Bungad ni Elvira nang makita si Brynna. Hindi pa man nakasagot si Brynna ay muli na namang nagsalita si Elvira. "Oh! Shoot! May nakalimutan ako. Hintayin mo ako. Babalikan kita." Sabay tampal sa noo. Pumasok ito sa workroom ng hindi hinintay na sumagot si Brynna.

Habang naghihintay sa labas ng pintuan sa workroom ni Miss Elvira, iginala ni Brynna ang paningin sa loob.

"Gusto mo bang pumasok at tumingin sa loob?" Alok ni Elvira ng mappansin ang kuryosidad sa mga mat ani Brynna.

"Maari po ba?" nag-aalangang tanong ni Brynna. Ayaw niyang makaabala.

"Oo naman, pasok ka!" nag aatubili si Brynna pero pumasok din ito.

"O, bakit natahimik ka dyan?" Untag ni Elvira dito.

"Wala naman po. Ang ganda po kasi ng mga gamit ninyo. Halatang mamahalin. Pwede po bang magtanong Miss Elvira?"

"Oo naman. Ano yon?"

"Para saan po ito?" sabay turo sa tinutukoy nito.

"Ah, laboratory glassware. Hindi ka siguro pamilyar sa mga ito. Bagong likha ito ng unibersidad."

"Anong unibersidad po iyon?" naguguluhang tanong ni Brynna.

"Hindi mo alam? Paanong hindi mo alam, gayong halos lahat nalang yata ng mga kabataan ngayon, pinangarap na doon mag-aral. Quorian University of Elemental Mages." paliwanag nito.

"Ah, kaya pala. Doon din po ba kayo nag-aaral noon?"

"Oo. Ikaw, gusto mo bang mag-aral?"

Tango lang ang isinagot ni Brynna, upang maiwasang magsinungaling. "Ano nga po pala ang sasabihin mo sana sa akin?" Untag ni Brynna.

"Naku, muntik ko ng makalimutan. Makiki-usap sana ako sayo Brynna na samahan ako."

"Po? Saan po?"

"Siguro nabalitaan mo na ang nangyari sa Mer Healing House. Marami kasi ang nagkasakit ngayon, kaya nagkulang ng supplies. Naki-usap ang mama ko na kung maaaring magtungo ako sa La Fun. Alam mo ba kung saan yon Brynna?"

"Opo, malapit lang po kasi ang La Fun sa Palan di po ba?" paalala ni Brynna dito.

"Oo nga pala! So, ayon nautasan ako ni mama na bumili ng supplies doon."

"Pwede po ba yon? Ang alam ko napakasilan ng mga taga La Fun sa pakikipag-kalakal sa ibang lugar."

"Wag mong alalahanin yon Brynn—teka ano nga ba ang pwede kong ipalayaw sayo?"

"Bree nalang po." kiming sagot nito.

"Bree...maganda bagay sayo. Well Bree, wag kang mag-alala dahil may kasunduan ang Brun at ang La fun. Kaya welcome tayo na magpunta doon. Ano, sasama ka ba sa akin? Kung ang inaalala mo ay ang shop. Wag kang mag alala may nakuha na ang mama na magbantay."

"Okey, sige po. Kayo ang bahala." Ani ni Brynna na halata ang excitement sa mukha.

Inabot ng isang linggo ang paglalakbay nina Brynna bago nakarating sa La Fun. Hindi nito inaasahan ang kaguluhang madatnan. Ang mga tao ay kanya-kanyang takbuhan, iisa lang ang direksyon na tinahak ng mga ito.

... Ang Lasang.

"Ano po ang nangyari bakit nagtakbuhan ang mga tao? Tanong ni Elvira sa nakasalubong na matandang lalaki.

"Tuskan! Mga sundalo ng Tuskan! Bilisan ninyo, umalis na kayo, tumakbo na kayo!" Humahangos na sabi ng matandang lalaki bago mabilis na tumakbo paalis.

"Miss Elvira, sumakay na po kayo para makaalis na tayo. Nanganganib po ang buhay ninyo dito." Pakiusap ni Mang Kaleb ang kanilang driver.

Elemental Mage Book I (Brynna)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon