"Paksyet! Ang gwapo mo talaga, Azure! Katana Roswell nagte-text ng 'Can we meet'? Lupet men!" sabi ko sa sarili habang hinihintay ang reply ni—

Nah. Forget it.

Muntik ko pang maibato ang cellphone sa inis nang mabasa ko ang reply ni Katana babes.

"AMBER!!!"

***

Cody's PoV

Tumakbo kaagad ako papasok ng coffee shop nang matanaw ko na si Katana na nakaupo sa loob at mukhang inip nang naghihintay.

"Yo! Pasensya na. Kahit ang mga magagandang lalaki, nahuhuli rin paminsan-minsan," sabi ko sabay kindat kay Katana.

"Psh. Just shut your mouth and sit down. I still have loads of stuff to do," utos niya. Takte! Ang bagsik talaga nito. Kaya nakaka-inlove eh.

"Ano bang atin?" tanong ko pagkaupo ko.

"I have a favor to ask," sagot niya kaagad.

"Kahit ano, baby, basta huwag lang katawan ko. Mahal 'to. Pero nadadaan naman ako sa pilit," sagot ko sabay ngisi sa kanya.

"Tss. Insane! I have a close friend and... there is a threat on her life."

Her? Eh 'di ibig sabihin, chiks ang kaibigan ni Katana Baby.

"I can't be with her all the time so I want you to secure her safety when I'm not around."

Ngumiti ako ay Katana at sumaludo.

"Areglado, baby! May iba ka pa bang hihinging pabor?" tanong ko sabay himas sa matipuno kong katawan.

"Tss. Here's her info. If you have questions, you can call me." Tumayo na si Katana at nagsimulang maglakad paalis. Kinuha ko na ang folder para i-check ang information no'ng tinutukoy niyang babae. Kabubukas ko pa lang ng folder nang magsalita siyang muli.

"By the way, thanks." Paksyet! Ang cute talaga ni Katana.

Ibinalik ko na ulit ang tingin ko sa folder.

"Mikazuki Yagami."

Wooo ayos! Chiks din ang isang 'to.

Isinara ko na ang folder na hawak ko nang matapos kong basahin lahat ng impormasyon tungkol kay Mikazuki Yagami.

***

Mikazuki's PoV

Tiningnan ko ang hawak kong maliit na papel na may nakasulat na address. Binase ko ang location no'ng assassin na may alias na Venom sa IP address na ipinangreply niya kahapon sa e-mail para madali ko siyang ma-trace.

Sunod ay tiningnan ko ang condominium building na nasa tapat halos ng kotse ko.

"Mukhang ito na nga 'yong building."

Pero ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit may mga kotse ng mga pulis at NBI? At maraming taong nag-umpukan.

Ipinark ko ang kotse ko 'di kalayuan at itinago ang dala kong baril sa gun pocket na inilagay ko sa kaliwang binti ko malapit sa paa. Naglakad ako palapit sa may kumpol ng tao para tingnan kung ano ang pinagkakaguluhan nila.

"Nakakakilabot naman ang mga naiisipan ng mga kabataan ngayon. Ano kayang pumasok sa isip ng binatang 'yan at nagpatiwakal."

Tiningnan ko ang isa sa mga matatandang usisera dahil sa sinabi niya.

Nagpakamatay?

"Hinaan mo nga ang boses mo. Ang sabi no'ng detective kanina ay mayroong foul play," sagot n'ong isa pang usisera.

My Husband is a Mafia Boss (Season 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon