Wattpad Original
Mayroong 8 pang mga libreng parte

Chapter 6

1.5M 34.6K 23K
                                    

Third Person's POV

Walang kaalam-alam si Mikazuki na sinundan siya ni Bullet hanggang park. Nakatago sa bandang likuran ni Mikazuki si Bullet at walang planong magpakita sa kanya.

"Ate, ate," tawag ng isang batang lalake kay Mikazuki. Bitbit nito ang mga pagkain at inuming binili at pinabibigay ni Bullet.

"May nagpapabigay po nito." Tiningnan siya nang masama ni Mikazuki dahil wala ito sa mood makipag-usap sa kahit na kanino. At mas lalong ayaw nitong tumatanggap ng bigay ng kung sino-sino.

"Sino naman?" iritang tanong niya at saka inilibot ang tingin sa paligid para alamin kung sino ang nagbigay.

"Sabi po niya, sabihin ko raw po sa inyong kumain na po kayo." Mas lalong kumunot ang noo niya dahil wala naman siyang makitang kung sino man sa paligid.

"Sa'yo na 'yan. O kaya ibalik mo ro'n sa nagbigay sa 'yo," asar na sabi niya at saka tumayo sa swing at naglakad palayo. Bullet tailed her quietly hanggang makarating sila sa isang hotel.

"Good evening, Ma'am! Welcome to Kitkatel! How may I assist you?" tanong ng front desk clerk kay Mikazuki.

"Good evening. I'd like to stay in your hotel. But can I call my secretary first?" tanong niya sa front desk clerk na kausap niya habang nakatingin sa desk phone. Bahagyang kumunot ang noo ng front desk clerk dahil sa tinanong ni Mikazuki at napaisip dahil labag sa policy ng hotel ang gusto niyang mangyari.

Mikazuki's POV

Tinaasan ko ng kilay ang front desk clerk na kausap ko dahil ang tagal niya bago sumagot. "Excuse me, Miss? Matagal ka pa bang mag-iisip?" iritang tanong ko.

"I'm so sorry po, Ma'am, pero hindi po kasi pwede ang gusto niyong mangyari. Labag po sa policy ng hotel ang gusto niyong mangyari."

Ugh! Tumango na lang ako sa front desk clerk at saka naglakad palayo sa kanya. Wala namang mangyayari kahit ipagpilitan ko ang gusto ko.

Lumabas ako sa hotel at naupo sa hagdan para magpahinga saglit. Kung lalakarin ko mula rito hanggang bahay nina Tita Aemie, siguro aabutin ako ng dalawang oras sa paglalakad. Kung lalakarin ko naman mula rito hanggang Roswell Corporation, siguro isang oras akong maglalakad. At kung lalakarin ko mula rito hanggang bahay, nasa isang oras din siguro ang layo.

"Psh! Nakakainis kasi si Bullet eh!" Tapos tingnan mo pa ang ugali, wala man lang ba siya talagang pagpapahalaga sa mga magulang niya? Bakit ba ang cold-hearted nya?!

Nangalumbaba ako at pinagmasdan ang mga taong naglalakad. Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatingin sa mga taong nagmamadaling umuwi, mga taong nakikipaglandian sa gitna ng kalye, mga estudyanteng kasama ang barkada at mukhang maglalakwatsa pa, at iba't ibang uri pa ng taong dumadaan sa harap ko.

"Ms. Yagami?" I shifted my look when I heard a familiar voice of a female.

"Emily?! Damn! You're such a blessing. Bakit ka nandito?" Halos mapatalon ako sa tuwa nang makita ko ang secretary ko.

"May biglaan po kasing trabaho kaya nagmadali po akong pumunta rito. May kailangan po kasi akong interviewhin na tao. Kayo po, Ma'am, bakit po kayo nandito?" tanong niya sa 'kin.

"Mahabang kuwento, but may ATM ka ba d'yan saka phone? Pakitawagan naman ang accountant ko. Kailangan ko ng cash para makapag-check in dito sa hotel," I said.

***

"Sure po ba kayong okay na kayo rito?" tanong ni Emily.

"Yes, yes. Thank you," I answered pagkakuha ko sa kanya ng mga pinabili kong cellphone at damit. Pinakuha ko rin sa kanya ang isang attache case na nasa bahay. Naglalaman ito ng isang kalibre 45 na baril.

My Husband is a Mafia Boss (Season 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon