Wattpad Original
Mayroong 13 pang mga libreng parte

Chapter 1

6.2M 71.9K 44K
                                    

Mikazuki's PoV

Hindi maiiwasan magkaroon ng problema at masasakit na pangyayari sa buhay ng tao. Nasa sa 'yo na lang siguro kung paano mo tatanggapin ang katotohanan at kung paano mo sosolusyunan ang mga problema mo sa buhay.

Ipinatong ko ang bouquet ng bulaklak na dala ko sa gitna ng puntod ng mga tunay kong magulang. Baby pa lang daw ako nang mabaon sa utang ang mga magulang ko kaya ibinenta nila ako kina Mommy Angelique at Daddy Louie. Nakakainis isipin 'no? Kasi 'yong mga magulang na dapat sila 'yong kakalinga at mag-aalaga sa 'yo, ibebenta ka lang. Kaya naman lumaki akong galit na galit dahil sa ginawa nila.

Hanggang sa nabalitaan na lang namin na namatay sila sa car accident. Nasa junior high school pa lang ako noong mga panahong 'yon. Iyak ako nang iyak at inis na inis sa sarili ko dahil hindi man lang ako nagkaroon ng chance na kausapin at tanungin sila kung bakit nila ako ibinenta o kung may balak pa ba silang kuhanin ako.

Nang mamatay sila, 'tsaka ko naisipang imbestigahan at alamin ang nangyari. Hanggang ngayon, hindi ko alam kung ano ang totoo. Pero isa lang ang napatunayan ko, hindi ako ibinenta ng mga magulang ko. Hindi ko alam kung paano lumabas na gano'n ang nangyari.

Nahihirapan akong kumalap ng impormasyon dahil halos lahat ng may alam tungkol sa nangyaring 'yon ay pumanaw na.

At dahil wala na rin sila... hindi kong ipinagpatuloy ang ginagawa ko. Naisip ko nga, siguro kung noon ko pa 'yon ginawa, baka sakaling nalaman ko ang totoo. Baka sakaling nagkasama kami kahit saglit.

Kaso... wala eh. Huli na ang lahat. Kahit kailan, hindi kong sila makakausap. Sising-sisi ako sa mga nangyari.

Tumayo ako at pinunasan ang mga luha ko sa pisngi.

"Akala ko ba aalis na? Bakit dumaan ka pa rito?" Lumingon ako sa kanan kung saan nadinig ko ang boses ng lalaking nagsalita. Actually, kanina ko pa ramdam na may tao sa paligid ko pero hindi ko pinapansin dahil alam kong si Bullet lang naman.

"Oo nga, dumaan lang ako para magpaalam," sagot ko.

"Tss. Mga walang kwentang magulang," he whispered kaya natawa ako.

Kahit sa mga magulang ko, galit siya. Dahil sa mga sinasabi nina Mommy at Daddy.

"Ayan ka na naman, Mr. Roswell," pang-aasar ko. Pikon na pikon kasi siya tuwing tatawagin ko siyang Roswell. But I think mas bagay naman talaga sa kanya ang apelyidong iyon.

"Shut up," he said.

"Okay fine, Mr. Roswell," pang-aasar ko habang nakangiti.

"Kapag hindi ka tumigil, iiwan kita. Bahala kang maglakad hanggang airport."

Tumawa na lang ako at tumakbo papunta sa kotse niya bago pa niya ako iwan. May saltik kasi 'to. Lalo na kapag napipikon. Talagang mang-iiwan siya.

(High School Days)

"Roswell, hintayin mo ako ah. Sabay tayong umuwi. Ang lakas ng ulan eh. Dadaan lang ako saglit sa library."

Naglalakad kaming dalawa ni Bullet sa hallway ng campus. Dismissal na pero kailangan ko pang dumaan ng library dahil dito sa assignment namin. Ugh! Nakaka-stress maging estudyante.

"You know how much I hate that fcking name," sagot niya. Lumingon ako sa kanya at ngumiti.

"Pangalan mo 'yon eh. Ganda nga eh. Bullet Ros―"

"Shut up!" Nagtama ang mga mata namin nang lumingon siya sa 'kin.

"Roswell..."

"Tss. Umuwi kang mag-isa."

My Husband is a Mafia Boss (Season 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon