'I'm fine. Hindi lang ako nakapagpahinga nang maayos.'

Maybe I'm just really tired. Pagod na ako sa kakaisip sa mga problema ko. Pagod na ako sa tungkulin ko. I just want to have a rest without thinking anything.


***

"You're a failure."

"You do not belong here."


Nagising ako bigla dahil sa panaginip ko. Pero nagulat ako nung nakita kong wala ako sa kwarto namin. Napabangon agad ako pero napahawak ako sa ulo ko dahil umikot ang paningin ko.


"Huwag mong biglain ang katawan mo."


Instinct took over me when I heard a voice and I reached for my cards. Pero napigilan niya ang braso ko at saka ko lang narealize na si Hideo pala ang kasama ko ngayon. Napatingin agad ako sa paligid at mukhang nasa Medical department ako ngayon. But why am I here?


"Anong nangyari?" tanong ko habang nakatingin sa buong kwarto.

"You fainted."

"Ano?"


Inalala ko kaagad ang huling nangyari at ang natatandaan ko ay nasa loob kaming lahat ng room. After that, wala na akong maalala. Doon ba ako nawalan ng malay?


"Ilang oras na akong nandito?"

"Nine hours."

"What?! Teka, anong oras na?"

"1 AM."


After all those sleepless nights, ito na yata ang pinakamahabang tulog na naranasan ko. Kahit papaano ay narelax nang kaunti ang isip ko and I don't feel lightheaded anymore.

Sobrang tahimik naman ng room dahil bukod sa kaming dalawa lang ang nandito ay hindi na rin kami nagsasalita. I suddenly felt the awkwardness between us, lalo pa't nagkasagutan kami last week. Tumingin na lang ako sa kabilang side habang nakaupo siya sa couch sa may right side ko.


"Why are you still here?" tanong ko habang nakatingin pa rin sa left side ko. Naramdaman ko naman ang pag-upo niya sa gilid ng kama kaya napatingin agad ako dahil wala man lang akong narinig na kahit anong ingay nung tumayo at naglakad siya.

"Binabantayan kita." He said that so casually but something inside me felt different. This past few months, he's been saying weird and confusing things. But I shouldn't lower my guard. After all, he's an enemy.

"Pwede ka nang umalis. Gising naman na ako kaya hindi mo na ako kailangang bantayan—" Napatigil ako sa pagsasalita dahil bigla siyang lumapit sa akin. And with those intense green eyes looking at me, I suddenly can't move.

"No. I'm not here just because of that."

"W-what do you mean?"


Long silence. He's just staring at me and I didn't back down. Hindi ko kaagad napansin na kanina pa pigil ang paghinga ko dahil sa sobrang lapit niya. His presence, and this distance between us is suffocating me. Bigla naman niya akong hinatak palapit sa kanya...and the next thing I knew, he's already hugging me. I want to push him away but my body can't respond. My body is frozen.


"I know what and who you are," he whispered.


Ilang segundo pa ang lumipas bago magsink-in sa utak ko ang sinabi niya. Lalo akong hindi nakagalaw sa pwesto ko at ramdam na ramdam ko ang malakas na pagtibok ng puso ko.

He knew...

Pinilit kong kalmahin ang sarili ko kahit parang nagmamalfunction na ang utak ko. Gusto kong kumawala sa kanya pero sobrang higpit ng pagkakayakap niya sa akin.


"How? Since when?" bulong ko rin habang iniisip kung ano ang dapat kong gawin.

"I have a suspicion since the beginning but I only confirmed it last month."


Last month. The same time when Kyo discovered my identity.

Then I realized what's going on between them. Those secret meetings...are they talking about me? Kaya ba parang lagi siyang nakabantay sa akin ay siya ang naging mata ni Sir Kyo? Damn. I'm so stupid! Bakit hindi ko kaagad napansin 'yun?


"Are you going to kill me?" I asked without any hesitation. Sa sitwasyon namin ngayon, hindi malabong mamatay nga ako sa mga kamay niya. I do not have my weapons and he's stronger than me.

"What do you think?" Naramdaman ko ang unti-unti niyang pagbitaw sa akin at kahit papaano ay nakatulong 'yun sa paghinga ko. But after that, parang may bumalik sa loob ko na nawala nang matagal sa akin.

"You won't have any chance other than now," seryoso kong sabi. Not as a member of Atama family or a spy, but as a Shinigami. As the archenemy of a Senshin.

"But you can't escape from here," sabi naman niya. Then I realized na nandito ako sa room kung saan hindi nakakapasok ang kahit anong brain waves at mahirap ring gamitin ang sixth sense. Does that mean hindi rin pwede rito ang pagbubukas ng Black Dimension?


I was about to try opening the Black Dimension but before I can even do it, he gripped my wrist and pinned me down to the bed.


"Don't you dare try to escape—"

"Then kill me," I said in a challenging tone. "That's the only way to keep me from escaping." I boldly said that to him kahit na alam kong pwede talaga akong mamatay sa ginagawa ko. But I don't have any other choice. I don't want to look pathetic by pleading with him.


Bigla naman akong kinilabutan nung naramdaman ko ang pressure sa kanya at nakita ko ang lalong pagseseryoso ng expression niya. Bigla na lang niyang sinuntok ang pader sa may ulunan ko at tumingin siya sa akin nang masama.


"Sa tingin mo ba hindi ko naisip 'yun? I should kill you, heck I should tell them about you, but I can't." Biglang nagbago ang mukha niya into a softer expression but I can't tell if he's hurt or in pain. "Tell me, what did you do to me?"


And then I realized...that's the same question I wanted to ask to them...to him.


***

Seventh Sense (Erityian Tribes, #2) | Published under Pop FictionWhere stories live. Discover now