How to improve Characters?

566 23 1
                                    

Para sa mga baguhang manunulat, inaakala nating madali lang ang pag-gawa ng mga characters ng story na gagawin natin pero hindi pala. Mahirap gumawa ng mga characters na magpo-portray sa story mo. Remember, sila ang pinaka-mahalagang sangkap sa pagbuo mo ng story dahil sila ang gaganap so kailangang ma-visualized ng mga readers ang kanilang personality

Ang bawat characters na ginawa mo sa iyog story ay may iba't-ibang personalidad at pag-iisip. It's up to you kung bibigyan mo sila ng kaniya-kaniyang POV. Pero ang mahalaga dapat hindi mahirapan ang mga readers mo na makilala sila. Kapag nalito sila kung sino ang tinutukoy sa bawat character na kinu-kwento sa story, ibig sabihin lang ay kulang ka sa detalye o karagdagang impormasyon para mas ma-convice mo pa ang mga readers. Dapat everytime na may ipapasok kang characters, kilalang-kilala ng mga readers mo kung sino 'yun!


Mga dapat isaang-alang sa pag-buo ng isang karakter:


1. HAVE A CLEAR PICTURES OF YOUR CHARACTERS. ECH ONE OF THEM. Hindi lang dapat bida ang kailangan mong kabisaduhin na pagkatao. Dapat kahit mga sidekick o mga supporting lang sa story mo. For as long as may ginagampanan sila sa story na binubuo mo, dpat bigyan mo sila ng importansya. Dapat isipin mo kung paano ba siya gumalaw? Paano ba siya mag-isip? Naaayon ba ang pinapakita mong galaw niya sa kanyang pag-iisip? Dapat mag-match ang dalawang bagay na 'yan. O kung hindi man, bakit magka-iba? Nagpapanggap ba siya? kailangan mo parin ipakita ang dahilan kung bakit may ganun siyang personalidad. Hindi dapat basta makapagsulat lang. KAILANGAN KILALANG-KILALA MO SIYA INSIDE AND OUT BILANG AUTHOR NG ISANG STORYNOVEL.


2. EVERY CHARACTERS HAVE THEIR OWN PERSONALITIES. THEY MUST BE UNIQUE. Kailangan bawat character na nasa loob ng isang story ay magkakaiba katulad sa totoong buhay. Hindi sila magkakapareho ng pinanggalingan at hindi din sila magkamag-anak para kumilos ng magka-parehas. Kahit nga magkapatid ay may pagkakaiba ehh. Siguro maaaring maging parehas sila sa iilang bagay at sa kung papaano sila kumilos, pero hindi sa lahat ng bagay laging pareho. Kailangan mapakita mo parin ang pagkakaiba nang dalawa kahit may pagkaka-pareho sila. Gets mo ba?


Kaya dapat talagang alam mo ang pasikot-sikot sa katauhan ng mga characters na nilagay mo sa story mo. Inside and out. Bawat hibla ng buhok nila alam mo dapat. Haha. Kasi ikaw ang author kaya dapat mas master mo ang personalities nila. Kung naeenjoy ang bawat galaw nila, for sure mas mag-eenjoy ang mga readers mo. Kaya nga kung minsan, kahit simple lang ang plot ng stories mo, pumapatok parin dahil sa character. Nadadala ng character ang bawat kaganapan sa story kaya gumaganda. Iwasan mong kumopya ng personalidad. Hangga't maaari, iwasan mong gumamit ng mga common personalities. Halimbawa, isang gangster na badboy, nerd na mahilig sa books at may makapal na salamin, cassanova na sobrang gwapo at mahilig maglaro ng mga babae, at marami pang iba. Mas okay na pinaglalaruan mo ang mga personalities na naiisip mo tapos ilalapat mo sa character. Mas may thrill basahin para sa mga readers kasi hindi common. Yung mapapaisip sila kung paano ire-react ng isang karakter ang isang pangyayari sa story.


3. BE CONSISTENT FOR YOUR CHARACTERS. Wag paiba-iba ng characters. Kung iyon na ang napag-isipan mong gawin, dapat hanggang huli paninidigan mo 'yun. Kasi the more na iniiba mo ang kaniyang pagkatao, the more na hindi na nagiging kapani-paniwala ang isang story. Nakakawala nang gana basahin. Kaya dapat stable lang. Lalo na kung supporting characters lang naman. Pero kung 'yung bida, dapat may pagbabagong nagaganap para mas naka-catch up ang mga readers pero syempre, stage by stage lang. hindi 'yung biglaan.


4. CHANGE FOR THE BETTER. Ito 'yung stage na dapat nagbabago ang personalities ng bida. O siguro kahit 'yung kontrabida na din. Mas maganda kasing stage by stage, may pagbabagong nagaganap para ganahan silang basahin ang bawat kabanata. At dito na din pumapasok yung moral lesson ng story. O diba? Kahit walang kapararakan sa una, may mapupulot parin silang aral sa huli. Sikapin nga lang na wag maging O ng pagbabago ng character, dapat tama lang at dapat mas naging okay at nagkaroon ng improvements. Hindi 'yung lumala o kaya naging boring. As much as possible, dapat hindi makaapekto ang pagbabago ng personality ng isang character sa iyong ginagawang story.


5. DON'T RELY YOUR CHARACTER ON YOURSELF. Hindi ikaw 'yung bida sa story kaya wag mong i-depende 'yung personality mo sa character nang istoryang ginagawa mo. Be creative. Have an experiment. Mas okay yung ganun para mas maging productive ang istoryang ginawa mo. Kung gusto mong ikaw ang bida sa story mo, e di sana gumawa ka na lang ng diary para masabi mo 'yung hinanakit mo o kung anumang pinagdadaanan mo.  Nawawala ang excitement kapag puro ugali mo lang ang ipapakita mo sa story. Baka tamarin lang ang mga readers mo at magiging obvious lang ito para sa kanila.


LASTLY, MAGBIGAY NG MAKATOTOHANANG PANGALAN SA STORY. IWASANG MAGING JEJE ANG NAME O KAYA HINDI NAMAN MUKHANG PANGALAN. MAS PLAIN, MAS SIMPLE, MAS MADALING MATANDAAN, MAS OKAY! \m/

Read and WriteWhere stories live. Discover now