What comes on your mind? - Rhadzon Mendoza

636 38 3
                                    

Dedicated to: @matabangutak


***


Rhadzon Mendoza or also known as MATABANG UTAK was discovered on his blog on Tumblr. He put a lot of advice and quotations about love on his blog. He is the writer of "Pag-ibig Thingy" 1 and 2 and also "#NakaraanZoned". He shared a lot of "Hugot" during the workshop.


Natigil siya sa pagba-blog kasi inaakala niyang walang nagbabasa nang mga ginagawa niya. Para saan pa nga ba daw ang mga pinaglalagay niya kung wala din naman siyang mga followers na nagbabasa. Siguro isang taon din bago siya bumalik sa pagba-blog. Hindi siya sumuko hanggang isang araw nagulat na lag siya kasi may notifications na siya. One of the famous Tumblr blogger re-blog his post. Hanggang sa dumami na 'yung notes or likes. Tapos ang dami na din niyang followers. Hindi niya aakalain na kukuhanin siy ng Viva Psicom to make a book. That's why he created his first book na "Pag-ibig Thingy" which more on advice, Pero sabi niya kung writer na siya, dapat matutuhan niya din ang magsulat at gumawa ng novel. So there, after his first book, nagkaroon na siya ng second book which is the "#NakaraanZoned". Finally may book 2 na din ang "Pag-ibig Thingy".


***


What comes on your Mind?


Dapat kapag nagsusulat ka. MAKE SURE NA MERON KANG PINAGHUHUGUTAN!


Ilista ang lahat ng pangyayari sa hugot mo. Masaya man o hindi. Ilista mo rin ang mga bagay na maaaring makaramdam ng pagbabago ng emosyon o kakaibang emosyon. Halimbawa masaya ka tapos biglang nainis. Ilista mo ang bawat detalye upang mapalawak mo pa ito. Kapag nailista mo na, simulan mo na ang pagku-kwento gamit ang pag-sulat.


List the turning points of the character. Ilista ang mga posibilidad na makapagpabago ng ugali niya. Halimbawa si Totoy, isang mapag-mahal na anak pero dahil niloko ng tatay niya ang nanay niya, naging basagulero siya. 'Yung mga bagay na makakapag-sabi kung bakit siya nagbago. At siyempre isulat mo rin kung kelan siya matututo. Kailangan makita din ng readers kung kelan siya magbabago. Kung may na-encounter ba siyang trouble? O may nakilala ba siya para maging dahilan ng pagiging matino niya ulet. It's up to you. Just be creative.


WAG KANG MAHIYANG ISULAT ANG NARARAMDAMAN MO! Feel free to write. Magsulat ka lang ng magsulat ng saloobin mo. Maganda man o hindi. Tama man o mali. Panget man o hindi. Sulat lang ng sulat.


And lastly, USE YOUR FIVE SENSES. Gamitin mo ang mata, tenga, bibig, ilong at pakiramdam. Para mabigyan mo rin ng magandang role ang characters mo sa istorya.



HOW TO CONNECT YOUR CHAPTERS?


Mahalaga ang "Cliffhanger" sa isang chapter. Ito 'yung part na kung saan bibitinin mo ang readers mo sa part ng story mo.


Gumawa ka ng STORY STRUCTURES sa bawat chapter. Isulat mo 'yung flow ng story mo sa chapter na gagawin mo.


Have a significant moment in each chapter. Dapat bawat chapter MAHALAGA. Walang nasasayang. Bigyan mo sila ng mga moments na siguradong tatatak sa isipin nila sa chapter na 'yun.



Paano ka papatay ng Character? Dapat makatotohanan!


DON'T TRIVIALIZE. 'Wag kang gawa-gawa basta ng kwento. Halimbawa kakapsok pa lang ng character mo tapos bukas nasagaan na siya. Bigyan ng halaga ang bawat characters.


FOCUS ON THE RELATIONSHIP. Dapat ang lahat ng mga characters na ipinapasok mo sa story mo ay konektado lagi sa BIDA. Si BIDA ang magiging major part ng story at hindi ang ibang character.


AVOID EASY-OUT. 'Wag mo rin gawin ang bagay na kung gano mo sila kadaling tinanggal sa istorya ay ganun mo rin sila kabilis ipapasok. 'Yung halimbawang patay na, pero hindi pala. Panaginip lang pala lahat! O kaya matagal siyang nawala sa eksena tapos biglang darating. Babagayan mo lagi sa flow ng story. WAG GANUN! Walang joke sa totoong buhay. Isipin mo lagi na Reality ang story mo. Unless kung fantasy ang genre mo.



What will be the ending of the story?


It can be happy, sad, open, complete, tie-back, twist or Epilogue.


Kapag happy, masaya. Kapag sad, malungkot. Kapag open, hahayaan mo lang ang readers mo na mag-guess kung ano ba ang naging ending talaga. Kapag complete, syempre kumpleto ang buong detalye. Kapag tie-back, depende 'yan sa story mo. Kung ano 'yung unang eksena, dapat 'yun din ang maging wakas. Kapag twist, 'yung iisipin ng mga readers mo na ganito ang mangyayari, pero hindi pala! Lastly kapag epilogue, dito mo ipapakita kung ano 'yung mga nangyari sa mga characters ng story mo.


'YUN NA!

Read and WriteWhere stories live. Discover now