Ready. Set. Write.

1.3K 70 12
                                    

"Ready. Set. Write."


Ito po 'yung pinaka-theme ng first workshop ever ng VIVA PSICOM PUBLISHING INC. kasama ang REPUBLIKA NG TM upang magkaroon ng pagkakataon ang mga baguhang manunulat na gusto pang humasa ang kanilang kakayahan at talento sa larangang ito.


"Ready. Set. Write."


Ginanap ang first CREATIVE WRITING WORKSHOP na ito sa Megatrade Conference Hall sa Megamall, ganap na ika-10 ng umaga hanggang ika-6 ng gabi. Kasama nang mga batikang manunulat ngayong henerasyon na sina:


Rhadson Mendoza,

Alyloony,

Carla Quiambao,

A.B. Castueras

Bekimon, at

Marcelo Santos III


Lahat po sila ay nagkaroon ng pagkakataon na ibigay ang kanilang nalalaman at epektibong pamamaraan upang magsulat. Nagkaroon din ng paligsahan sa pagsusulat na umabot sa 100 na kalahok na kailangan nilang ipasa sa darating na Hulyo. Ngunit ang palaro ay mayroong mga panuntunin na dapat sundin. Nagkaroon din ng libreng libro para sa mga kalahok at libreng miryenda. Nagbigay din sila ng souvenir at certificate sa mga bumuo ng programang iyon.


--


Kaya naman sa puntong ito, napag-isipan ko na ibahagi rin sa inyo ang nalaman ko mula sa kanila. Alam kong makakatulong ito sa pagpapalago ninyo sa inyong career bilang isang writer. Like you, ISA LANG DIN PO AKONG BAGUHAN SA LARANGANG ITO. SO? GOOD LUCK TO ALL OF US!






Read and WriteWhere stories live. Discover now