Things for a BIG HELP - Jewel Atienza

594 33 3
                                    

Dedicated to: pinkyjhewelii


***


Jewel Atienza or also known as Pinky was a member of Wattpad three years ago. She has a lot of stories that have been published like Mr. Popular meets Miss Nobody (book 1, 2 and 3), Marry You (book 1, 2 and 3), Secretly Loving You, Devil Beside Me and many more under LIB Creatives and Pastrybugs. She is good in writing genfic and romance stories. Pinky believes that you have to work hard in silence and let success make the noise.


THINGS THAT WILL HELP YOU TO BE A GOOD WRITER


Music. Mas nakakatulong ang music kung minsan kasi pwede kang maka-relate sa kantang pinapatugtog mo. Kesa naman yung marami kang naririnig na iba't-ibang ingay from somewhere. Mas nakaka-distact yung bunganga ng nanay mo, pukpok ng martilyo ng tatay mo, bunganga ng kapatid mo at yung mga laruan ni bunso. Isama mo pa yung mga kahol ng aso, hiyaw ng pusa, huni ng ibon at kalampag ng kapitbahay ninyo sa bubong ninyo. Basta its up to you kung san ka komportable. Pero the best na may music, yung tipong todo yung volume para sagad-sagad at aga-agad mabibingi. Haha. Joke! Mag-headset ka para walang istorbo.


Chocolates. Hindi ito requirements. Minsan kailangan mo ng mga sweets na na-ngangata para hindi ka ma-bored. Syempre minsan hindi maiiwasan antukin ka sa ginagawa mong story o kaya naman maumay ka na at wala ka nang maisip na ilalagay. Kumbaga this is your break. Maiba naman! Tapos since sweet chocolates siya, babalik yung energy mo. As in nakaka-energy siya, promise! Try mo. Kung sa iba kape ang pampagising nila, mas okay din ang chocolates. Baka mapurga ka sa kaka-kape at nerbyusin ka bigla. Pero hina-hinay din sa kaka-chocolates para sa mga diabetic diyan. Tandaan, this is not a requirements when writing a story, energy boosters lang.


Paper and Ballpen. Hindi naman sa lahat ng pagkakataon kasama natin si desktop o kaya si laptop. Kaya kung gumagana ang utak mo at ang imahinasyon mo at wala kang kaharap na computer, try mo din magsulat paminsan-minsan. Since writer ka, yan talaga ang mas kailangan mo. List down notes. Kahit anong maisip mong maganda, o pangit o kahit anong karanasan o nakita mo, basta isulat mo lang. Tapos i-blend mo na lang sa story na ginagawa mo kapag kaharap mo na ulit si laptop. Isulat mo muna lahat ng ideas na nakukuha mo, then pag may chance na, tsaka mo na siya itype gamit ang iyong mahiwagang laptop o desktop.


Cellphone. Mahalaga ang cellphone sa pang-araw-araw na buhay. Pero alam mo bang npaka-useful niya din sa pagsusulat? Ito ang alternative things na ginagamit natin instead of using pen and paper. Sobrang hi-tech na nga kasi ngayon kaya kahit pa sa pagsusulat ay napaka-useful niya. Halimbawa nasa bus ka or jeep, tapos wala ka namang dalang pen and paper, pwede mong alternative ang cellphone. You can type your ideas sa memo, notes, workpad o kung anumang apps basta ma-i-save mo, yun ang mahalaga. Useful din ang cellphone kasi instead of typing on your laptop, pwede ka rin mag-type kahit pa nakahiga. Odba? Katamaran! Haha. Basta it is also useful for us!


Movies. Nakakatulong ang panonood ng movies para mas makapagsulat tayo ng stories. Kung minsan kasi, habang nanonood ka, naiinspire ka kung paano nangyari yung mga twist sa eksena kaya mai-inspire ka din magsulat ng sayo in lined with that movie. Or pwede ka din mag-create ng sarili mong style. Okay lang yung ma-inspire kaysa kumopya. Hindi mo naman kokopyahin yung movie, na-inspire ka lang kaya minsan iba-base mo yung gagawin mo dun. Wag na wag mong gagayahin yung mga scenes and lines ha? Plagiarism yun! Mahuhuli at makukulong ka pa ng wala sa oras! Make your own style. Be unique, parang toothpaste! Ma-inspire ka lang gumawa ng sarili mong kwento.


Books. Hindi ka magiging writer kung hindi ka reader. Oo totoo yung kasabihan na yun! Kailangan mong magbasa-basa. Hindi kasi magiging madali kung gusto mo lang mag-sulat. Magiging kulang ang ideya mo sa paggawa ng mas malikhaing istorya. Marami kang mapupulot na aral sa pag-babasa. Maaari kang matuto ng mga bagay na pwede mong i-apply when you start making your own story. Pwedeng techniques, o kaya bagong scenario, o kaya naman bagong twist and genre. Basta madami! So being a writer, imposibleng hindi ka magbabasa-basa ng story or books na gawa din ng iba. Kailangan may inspirasyon ka bago ka mag-sulat, and it will happen when you read books. Kaya dapat maging reader kayo ng bonggang-bongga!


Research. Everytime na may gagawin tayong story, dapat lagi mo ng karamay si google. Tama yun! To enhance our vocabularies. Pwede rin naman si dictionay, o kaya si almanac, o encyclopedia, basta kung saan ka kumportable, walang problema. O kaya naman may gusto kang idagdag na place para sa bago mong scenario, syempre ire-research mo muna lalo na kung di mo pa naman talaga napupuntahan yung lugar na yun. Pwede kang mag-imagine pero dapat makatotohanan parin. I mean, baka mamaya may masabi kang place pero hindi naman pla ganun ang description ng place na yun, so it would be such a waste of time para sa mga readers mo. Isang malaking imbento! Imbento na nga yung stories mo, pati ba naman makatotohanang lugar, iniimbento mo. Ang pagre-research ay nakakabuti kasi mas nadadagdagan ang kaalaman natin. Wag lang copy-paste!


Suggestions. Ito yung mas makakapag-motivate satin to do the right thing. Dapat matuto kang mag-tanong kung okay ba o hindi, tama ba o hindi, maganda ba o hindi yung ginagawa mong story. Okay lang tumanggap ng suggestions mula sa iba. Hindi naman ikaw ang pinaka-matalino sa mundo para maging selfish na tipong alam mo na lahat. Guys, wag sasama ang loob mo dahil may napuna sila sayo na hindi maganda. Hello! Dapat nga thankful ka pa kasi concerned sila sayo at sa ginagawa mo. Gusto ka nilang mapabuti. Kaysa naman yung sasabihin nilang okay, kahit ang totoo hindi naman pla. Alin ang mas panget pakinggan dun? Kaplastikan yung ganun! O kaya sipsip sayo. Sinasabing maganda kahit hindi naman talaga. Listen to your TRUSTED FRIENDS. Wag din basta basta maniniwala kung kani-kanino lang.


Food. Ito talaga requirements. Hindi yung chocolates. Haha. Wag na wag kayong magsusulat ng gutom! Common sense, anong maisusulat mo kapag gutom ka? Wala. Learn to stop and have a break. Kumain ka. Sarapan mo ng bongga para busog na busog at swak na pag-sumabak ulit sa giyera ng pagsusulat. Kasi kapag gutom ka, may tendency na madaliin mo din ang istoryang ginagawa mo para matapos na, tsakka ka kakain. Wag po ganun! Kain muna bago sulat. Learn to be healthy padin kahit subsob ka na sa pagsusulat.


Time. Kailangan po natin ng oras. Kung hindi ka marunong mag-manage ng oras mo, paano ka makakapagsulat ng maayos niyan? Do all your works first bago ka magsulat, kasi baka mamaya maapektuhan yung mga bagay na dapat mong unahin. Example is yung schoolings like assignments and projects, o di kaya naman sa work. Kasi ang pagsusulat, anytime naman yan pwede. Kapag naisipan mo at di ka busy, edi push! Manage it. Hindi porket writer tayo eh papabayaan mo na ang school or work mo. Importante din yun! Kung may mga ideas ka na at kating-kati ka na sa pagsusulat, edi i-draft mo na lang muna sa papel kung talagang busy ka pa at that moment. Kasi mahirap din mag-focus sa pagsusulat kung madami ka pa palang gagawin.


Emotion. Ang pagsusulat ay kailangan ng maraming emosyon. Lahat yata hanggat maaari. Kailangan flexible ka sa bagay na 'to so learn to handle your emotions. Kailangan mo yang mga 'yan sa pagbuo ng story mo para mas maging makatotohanan at attractive sa mga readers. Pano mo yan mapapannindigan kung hindi ka marunong tumawa, malungkot, maiyak, masaktan, matakot at kung anu-ano pang pwedeng emosyon. Syempre papasanin mo lahat ng emosyon na pwedeng mailabas ng bida ng istorya mo. Just go with the flow. 'Wag mong hayaang maging pilit ang pag-tawa o pag-iyak ng karakter sa story mo. Hindi yun magiging maganda. Let them feels!


Mag-sulat ka kapag mag-isa ka lang at payapa ang iyong mundo. Para mas madali kang makatakas sa totong mundo na kinabibilangan mo. Make sense!

Read and WriteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon