What is Point of View?

565 24 7
                                    

WHAT IS POINT OF VIEW?


Pag sinabing point of view, ito 'yung mga pananaw ng isang tao tungkol sa mga bagay na nalalaman niya, nakikita niya, o kaya naririnig niya. Ito ang kanyang feedback or response dahil sa kanyang five senses. This is usually what we saw or read on the story na may nakalagay na POV na kadalasang makikita at the top of every chapter bago ituloy ang kwento. Pwede din siya sa gitna pero nangyayari lang 'yun kapag maraming characters ang gustong ipasok at bigyan ng views.


There are different types of views. It can be First POV, Someone's POV or Third POV. Let's now determine the difference between the three POVs.


1. FIRST PERSON POV

Sila 'yung mga main character sa kwento. Either antagonist o protagonist. Pag sinabing prota, edi siya 'yung bida. Kapag anta naman, siya 'yung kontrabida. Sila 'yung naka-POV kasi sa kanila umiikot ang kwento lalong-lalo na sa bida. Dito nakapalood 'yung mga saloobin niya, 'yung hinanakit niya sa mga taong nakapaligid sa kanya at 'yung lihim niyang nararamdaman para sa minamahal niya. Sila lang ang may K na magbigay ng emosyon kasi sila nga 'yung bida ng istorya. 'Wag kang masyadong magbigay ng POV ng mga anta kasi nakakawalang thrill. Mas maganda yung readers mo ang mag-iisip ng mga pangyayari. At kung bibigyan mo din ng POV ang ibang characters mo sa story, make sure na pahapyaw lang at dapat 'yung bida padin ang center of attraction.


2. SECOND PERSON POV

Ito ang madalas ginagamit ng mga kontrabida o 'yung mga antagonist nga na tinatawag. Bakit someone's POV? Kasi hindi mo dapat ilalagay ang pangalan nila. Bakit hindi? Para hindi agad malaman ng readers kung sino ang may pakana ng bawat insidenteng hindi maganda. Para magkaroon ng excitement ang mga readers kung anong mangyayari sa bida. 'Wag mo din ilalagay lahat ng detalye sa kung paano niya ito gagawin. Magbigay ka lang ng mga clue kung bakit nagagalit 'yung POV sa bida. Halimbawa "Matitikman mo ang ganti ng isang api."  Dun pa lang sa salita alam mo na agad na maghihiganti si someone's POV, at kung bakit siya maghihiganti, pero hindi mo na kailangan ilahad lahat. Diskarte lang 'yan. Usually ginagamit lang ang POV na 'to bilang patikim.


3. THIRD PERSON'S POV:

Ito talaga ang ginagamit sa isang novel. Para nga naman formal ang pagkakasulat. Ang third POV ay hindi mo na kailangan pang sabihin o lagyan ng THIRD POV bago ka magsimulang mag-kwento.. Matik na 'yun! Ibig sabihin alam nang third pov ang ginagawa mo sa story. Mas okay 'tong gamitin kasi mas malinaw na nabibigay ang details sa bawat characters na nakapalood sa story. Okay din naman ang ibang klase ng POV kung gusto mo talagang bigyan ng emosyon ang mga characters sa story mo. Sa novel kasi, ang paggamit ng Third POV ay more narrative. Mostly sila ang nagna-narrate kung anong ginagawa ng mga characters, mapa-protagonist o antagonist pa 'yan. At dito din mas nade-describe dapat ng maayos ang setting ng story. Mas okay gamitin ito kapag madaming characters sa story. Pangit kasi kapag palipat-lipat ng POV. Nakakalito. Kaya minsan napapansin ninyo, nauulit din 'yung pangyayari. Halimbawa si Boy at Girl nasa isang place, si girl muna ang bibigyan ng POV tapos sunod si boy, same event lang pero nauulit dahil magkaiba sila ng pananaw.


Kung itatanong mo kung anong POV ang magandang gamitin, okay naman lahat ng iyan. Dumidepende na lang ang sagot kung okay nga ba at akma sa istoryang ginagawa mo. Basta ang maging target mo dapat ay magbigay aliw sa mga readers at hindi guluhin ang isip nila dahil sa mga POV na 'yan! Okay? SMILE :)

Read and WriteWhere stories live. Discover now