Nagmamahal,
Maika

Halos mapaupo ako sa sahig sa mga nalaman ko. Ang x-axis pala ang may pakana ng lahat ng ito. Ano ba ang motibo nila kay Black sheep? Ano ba ang nagawa ni Black sheep sa kanila? Sino ba talaga sila?

Naiiyak na naman ako. Shemayss.

Nung natapos na akong mag-emo ay bumaba na ako at kumain ng almusal.

O______O

May klase nga pala ngayon!

Dali dali akong naligo at nagbihis. Pababa palang ako ng...

"Amo, pupunta na kana ba sa iyong paaralan?",tanong niya habang humahawak ng drill. Teka ano?

DRILL?!

"Obvious naman diba, atsaka para saan yang drill na hawak hawak mo?"

"Diba sabi ko po ay magwawalis ako ng bakuran atsaka ihahatid ko nalang po kayo sa paaralan ninyo.",sabi niya. Napa-facepalm naman ako. Bobo lang? Paano magiging gamit pang walis ang drill?

Kinuha naman niya ang bag ko at siya na daw ang magdadala. Hindi niya parin binibitawan ang drill niya. Hayyy.

Nag lakad kami papuntang school. Pagkadating namin doon ay inabot na niya sa akin ang bag ko. Nagpasalamat naman ako.

"Salamat, Vexy."

"Paparusahan niyo po ba ako?",biglaan niyang tanong. Hayy, abnoy na maid.

"Sige na, umuwi ka na Vexy. Mag-ingat ka ha. Salamat nga pala.",sabi ko at tumalikod na at dumiretso na ng classroom.

Ayun, klase lang. Kulitan, tawanan, kabaliwan, pero hindi naman ako interesado. Nami-miss ko parin  si Maika. Lumung-lumo ako buong araw. Wala akong gana. Tapos nung dumating na ang recess sa hapon...

Bigla akong hinila ni Black sheep at dinala sa amusement park. Teka, anong gagawin namin dito?

"Black sheep, anong ginagawa natin dito?", tanong ko sa kanya. Hinalikan naman niya ang noo ko. "To make you happy and also to say sorry. I love you.",sabi niya. Nag-blush naman ako.

Tae. NAG-BLUSH? AKO?

ERASE ERASE ERASE. DELETE DELETE DELETE.

Hindi ako nag-blush!

Napangiti lang siya at hinila ako papuntang roller coaster at sunod nun ang dami na naming sinakyan na rides. Enjoy na enjoy ako. Grabe, ang saya pala sa amusement park noh? First time ko kasi kaya, pagbigyan. Nung nagutom kami ay pumunta kami sa isang cafe doon sa amusement park. Um-order kami sa counter.

Na-bwisit nga ako sa cashier. Todo pa-cute kay Black sheep. HELLER?! GIRLFRIEND HERE!

Ayyy, teka. Kami na ba uli? Ano bang ibig sabihin nitong pagyaya niya sa akin dito? Correction, paghila sa akin dito?

Nung pagkatapos naming mag-order ay naghanap na kami ng bakanteng seats at naghintay sa order namin. Gusto ko siyang tanungin tungkol dito. Kung ano ang ibig sabihin nito? Teka, bakit ba ako nag-iisip ng ganyan.

Bata pa ako. Konek ba?

Bayad na ba ang utang ko sa kanya?! URGHHHH. BLACK SHEEP NAKAKA-INIS KA TALAGA. Habang naghihintay sa order ay hinahawakan lang ni Black sheep ang kamay ko at nakatitig lang sa akin. Naiilang nga ako eh.

"Huyyy, tama na. Baka matunaw ako!",sabi ko sa kanya. "Ikaw kasi! Ba‘t ba ang ganda ganda mo?!",sabi naman niya. Namula naman ako dun sa sinabi niya at  napatingin nalang sa gilid ko para di niya mapansin na namumula pala ang mukha ko.

TAE. TAE TAE TAE TAE TAE TAE TAE TAE TAE TAE TAE TAE TAE TAE TAE TAE TAE TAE TAE TAE TAE TAE TAE TAE TAE TAE TAE TAE TAE TAE TAE.

Urghhhh...Nike de Castro!! In-love ka na ba kay Black sheep at namumula ka diyan?! Urgghh!

"You‘re cute when your blushing. That‘s one of the reasons why I fell for you.",sabi niya. Aba, mas namula naman ako. Nak‘ng. Feeling ko aakyat na ang lahat ng dugo ko papunta sa ulo ko at ilang minuto lang sasabog na ako. Urgggh.

Black sheep! Bakit mo‘ko pinapa-blush?!

Napa-tawa naman siya ng mahina nung napansin niya ang reaksyon ko.  Urrrghhh, mahal mo na ba talaga siya Nike?!

"Nike...",tawag niya sa akin. Nilingon ko naman siya at nagulat nalang ako ng mabilis niyang halikan ang mga labi ko. Namilog naman ang mga mata ko,sakto dumating na yung order namin at nainis yung cashier kanina na ngayo‘y nagse-serve sa amin at padabog na inilagay ang tray sa table namin.

"Ayan na order niyo! Magsaya kayo!",naiinis niyang sabi at bumalik na ng counter. Natawa naman si Black sheep.

"Ang gwapo ko talaga.",sabi niya habang kumakain ng cake. "Wow ha, mahangin na ata dito?",sabi ko. Pinisil naman niya ang ilong ko. Napa-sigaw naman ako sa sakit. Bakit ba siya namimisil ng ilong?!

"Ang cute mo talaga~",sabi niya.

Inalis ko naman ang kamay niya. "Alam ko kaya yun! Arayyy, ang sakit ng ilong ko.",sabi ko habang hinahaplos ang ilong ko. "Kiss ko nga para mawala ang sakit.",sabi niya at umaksyon na hahalikan ako kaya nilayo ko agad ang mukha ko sa kanya. "Kadiri ka.",sabi ko.

"I love you.",reply niya. Dinilaan ko nalang siya pero deep inside kinikilig ako. Shemayyyss! Anak ng tokwa na nanganak ng tinapang kabayo na kumakain ng synthetic rice! Urgghhh! Nikko Partson aka Black sheep nakakainis ka na!

Nung natapos na kaming kumain ay hinila niya ako papuntang ferris wheel. Maryosep, gusto ko nang umuwi. Pagod na pagod na ako, maga-alas singko na ata.

Nung nagsimulang umandar ang ferris wheel ay hinawakan ni Black sheep ang kamay ko ng mahigpit at sumandal siya sa balikat ko.

"Nike, nung first time tayong nagkita...aaminin ko. Naiinis ako sayo. Feeling ko, gusto kitang pahirapan...gusto kitang inisin araw araw. Your sadness and anger was my joy but then isang araw, I don‘t know. Basta ko nalang na feel uli ang feeling na ‘to. Ang mainlove.",sabi niya habang naka-tingin sa labas habang umaakyat kami. Sakto, nung nakarating kami sa pinaka-tuktok ay huminto ang ferris wheel.

"Nike, I love you. I don‘t how, I don‘t know when or why but...I really love you. Nike, pwede bang...totohanin na natin ‘tong relasyon natin?",tanong niya habang nakatingin sa akin ang mga mata niyang punong-puno ng pagmamahal at expectation na sasagutin ko siya sa tanong niya.

"I promise you, I will never...hurt or let you go again. Please, say yes.",sabi niya at hinalikan ang kamay ko.

Gawd, ano ba? Yes? or no? Ano ba ang desisyon ko? Urrghhh...

Yes or No?

Hinawakan ko ang pisngi niya at sinabing...

--------------------------------

CLIFFHANGER...NA NAMAN!

XD

VOTE VOTE VOTE

COMMENT COMMENT COMMENT

ARIGATOU MUCH SA PAGBABASA...

UP NEXT!

IMAGWNIN SPECIALS (OVA 2)

-Ayrenxx

I Met A Gangster Whose Name Is NikkoWo Geschichten leben. Entdecke jetzt