Chapter 14

6.9K 92 1
                                    


Chapter 14// Hanggang saan?



"Hi Fayre Zytka Moore." Ngumisi siya sa akin habang tinititigan ang hawak niyang papel. I assume it was my resume. "So, you are a Filipino huh, same here." Kumindat siya sa akin.




"Excuse me sir. B-but I have works to do." Nagbow ako sa kanya at humakbang paalis.




"Stop!" Mauturidad nitong sabi. "I can fire you if I want, you know. . . "  Lumingon ako sa kanyang pwesto kanina at nakita kung palapit na siya sa akin.





Nanatili akong nakatayo at hinihintay ang kanyang sasabihin at susunod na gagawin.






Hinawakan niya ang baba ko at bumulong sa aking tenga. "Do you want to be my woman?"



Wow! Kung hindi ko lang talaga alam na ito ang big boss malamang sinapak ko na ang patotoy ng lalaking ito. So, totoo nga talagang playboy ang anak ng dating big boss namin. Bali-balita kasing mahilig itong maglaro sa mga babae. Magaling magpaasa kaya siguro maraming umiiyak na babae sa kanya. Sa mahigit dalawang taon ko rito sa New York at nagtatrabaho sa branch ng isa sa kompanya nila marami na akong narinig na tsismis sa kanya pero ni minsan ay hindi ko pa siya nakitang bumisita rito. Bihira lang daw kasi itong magawi sa branch namin. Sa katanuyan, ngayon lang ito nagawi rito.





Tinulak ko siya. I will never be his woman. Ayokong umiyak ng dahil lang sa lalaki. I'm not that kind of woman. I hope so . . . " I-I'm so sorry sir but I need to go." Hinging paumanhin ko.





"Uh? Did you just rejected me?" Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Playing hard to get e?" 





Ang tanga mo naman kasi Fayre. Ang tanga tanga mo. Bakit kasi sa dinami-rami ng pwede mong pagbigyan ng katawan mo sa walang hiyang lalaki pang ito?




"No sir. I mean..."




"'Wag ka ng mahiya sa akin. I know you like me too."





"Hindi po ako tanga, sir. Alam ko po kung anong klaseng lalaki ka. Hindi ka po seryoso sa mga bagay bagay. Gusto mo pong laging naglalaro sa apoy. You want fun. But sorry sir I'm not like that. I don't want to play in the fire. Hanap nalang po kayo sir ng iba. 'Wag na po ako ang pag-aksayahan niyo po ng oras niyo." Inis na wika ko.





"Really? But I think you can't resist me." Kinabig naman niya ako kaya napayakap ako sa kanya. "I'll make you mine no matter what." Aniya.


Her Untold StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon