Chapter 10

8.3K 108 1
                                    

Chapter 10 // Bhrison


"Cyan." Panimula ko habang nakaupo kami sa sala at nanonood. Tumingin siya sa akin habang sumusubo ng pop corn na binili niya kanina bago pumunta rito sa bahay. "Kailangan ko atang magpakalayo-layo ulit."



"Ha? Pinagsasabi mo?" Kunot noong tanong niya.



"Cyan... Hindi ko na alam ang gagawin ko eh."



"Hindi mo alam? Tumambling ka dali. I-video ko para upload ko sa youtube." Sabi nito na nakangisi.



"Cyan naman eh. Seryoso ako."



"Seryoso rin kasi ako. I'm dead serious."



"'Wag mo akong pinagloloko. Uupakan kita. Pramis."



"Try mo. Magkakalimutan na tayo." Umirap naman siya. Mga ilang minutong hindi ako umimik ay lumingon siya sakin. "Anak ng! Fayre 'wag mong sabihing nagtatampo ka?"



"Kasi naman ikaw. Seryoso ako." Ito pa ang kinaiinisan ko. Alam niyang ang bilis kong mapikon.



"Ghad! Okay sorry na. I'm sorry. Anong problema? Naku, ang dami mo talagang drama sa buhay. Para na akong kasama sa isang teleserye. Ikaw bida ako naman ang bestfriend." Tumawa ulit siya. Sinamaan ko naman siya ng tingin. "Okay. Seryoso na. Anong bumabagabag sa isipan ng kaibigan ko?" Sabi niya na nagpipigil ng tawa. Hay. Kailan kaya magseseryoso ang isang 'to?



"Wait five minutes." Tinaas niya ang isang kamay niya. "Oh siya, pwede na. Ano ulit 'yon?" Base sa boses niya alam kong handa na siyang makinig sa sasabihin ko. I know that she's trying to lighten the mood.



"I think I need to run again and forget everything. Nahihirapan na ako. Paulit ulit nalang akong binabalikan ng nakaraan. I think masisiraan na ako ng bait. Ayoko na." Mangiyak ngiyak kong sabi. "Akala ko okay na ako. Akala ko hindi na ako maaapektuhan ng nakaraan ko. Akala ko kaya ko ng kalimutan at tanggapin lahat pero hindi pala. Noong nakita ko siya bumalik lahat. Lahat ng sakit na naranasan ko. Lahat lahat. At alam mo ba kung anong kinakatakot ko sa lahat... ang maulit ulit ang nakaraan. Cyan, I don't know what to do. I don't know what to think. Hirap na hirap na ako."



Lumapit siya sa akin at niyakap ako. "Kaya ba umalis ka sa kompanya? Dahil ang lalaking nang-iwan sa'yo ay walang iba kundi si Mr. Zandrex Liam?" Tumango ako. Patuloy parin ako sa pag-iyak. "I'm here Fayre. I'm always here to help you no matter what. Alam kong mahirap pero magpakatatag ka. Malalagpasan mo ulit lahat ng ito."

Her Untold StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon