"Marami ba kayong ginawa?" napatango na lamang ako para matapos na. Pinilit kong pumikit dahil ayaw talaga akong tantanan ng Green Flag na iyon.

"Sharla...gising na nandito na tayo sa bahay" kiniusot ko na lamang sandali ang mata ko at tsaka lumabas sa kotse namin. Nagtuloy kaagad ako sa aking kwarto, at tsaka nagmaadaling binuksan ang Laptop ko.

"Hi Ate..." rinig ko pang bati saakin ni Shin ng pumasok s=ito sa kwarto ko, hindi ko na siya pinansin at tinuon ko na lamang ang atensyon ko sa Laptop na nagbubukas na ngayon sa harap ko.

Tumabi ito sa tabi ko habang sinesearch ko na ang Green Flag na sinasabi noong mga estudyante roon. Ngunit puro walang ka-kwenta-kwenta ang lumalabas doon.

Kahit saang site ko hanapin wala talaga, what's with this Green Flag? Ano yung mga Rules na sinasabi rito? Inis kong sinarado ang Laptop at padabog na humiga sa kama.

"May problema ba Ate?" anang saakin ni Shin. Tumabi pa ito habang may dalang libro at notebook.

"Wala Shin. Medyo pagod lang si Ate..." sagot ko.

Tango ang nakita ko sakanya, at sabay nag-focus na siya roon sa libro at notebook na dala niya. Mukhang gagawa siya ng assignment niya.

Jel Arthur POV

"Raiden..." tawag ko ng pansin niya. Lumingon ito at tinanggal ang headphone na nakasabit sa tenga niya.

"What?" mahinahong sambit ko.

"About that food, yung food ni transferee. Bakit mo kinain, sa pagkakakilala namin sayo hindi ka naman basta basta kumakain ng kung ano-ano." Sabi ko. Napatingin rin ako kila Jasper at natuon narin ang atensyon nila sa amin.

"It reminds me of someone" tipid na sagot niya at ibinalik ang headphone niya at nagfocus na ulit sa gitara na hawak niya.

Lumapit naman kaagad saakin ang dalawa si Jasper at Rio.

"Sino kaya? Si Nadine?" tanong ni Rio. Napakibit balikat na lamang ako at tsaka itinuon ang sarili sa drum na nasa harap ko.

Ilang minuto ang nagdaan ng muling magsalita sa Jasper...

"Balita ko may panibago na naman raw Victim ang Dark Society..." mabilis akong lumapit sakanya at makikiusisa.

"Sino raw? May lead ka?" tanong ko.

"Hindi pa nila sinasabi kung sino...."

"Well natatandaan niyo ba yung dating Victim nun, almost 1 year ata siyang nag-suffer because of that Green Flag at 2 months ago nag-suicide daw ang babaeng iyon." Sambit ni Jasper na nagpakuha ng atensyon namin lahat including Raiden.

"Talaga? Kaya ba wala ng umaaligid kay Raiden this past-" hindi ko na natapos ang dapat kong sabihin ng bigla akong sikuhin ni Rio.

O sorry!

Green Flag ito yung Rules na ginawa namin noon when we are part of that Dark Society, way back Grade 8 pa yata kami. Well the truth is si Raiden ang gumawa noon kasama si Ardee the newest leader now of the Dark Society. May nangyare lang that's why hindi na kami naging part ng Gangster community na iyon.

"That transferee, may nakikita ba kayong interesting sakanya?" kaagad natuon ang atensyon ko kay Rio dahil sa pagiiba niya ng usapan.

Mabilis na nag-taas ng kamay si Jasper. "Hmmm, saakin nakaka-catch ang personality niya." Sagot nito.

"For me, she's cute mas lalo na yung dimple niya." Inibahan kaagad namin ng tingin si Rio. Simula ng pumasok sa klase namin si Sharla I mean that transferee palagi na niyang sinasabi na cute ito. Hindi parin yata maka-getover sa naka-One-Night Stand niyang cute na may dimple. Yuck!

Mabilis silang tumingin saakin at hinintay ang sasabihin ko. Ngumisi muna ako at tsaka nag-isip. "Hmmm, I like the way she treat me, its catching!"

Mabilis ako nakatanggap ng batok sa dalawang ito.

"Ayan kana naman sa mga ganyan mo, for sure next in the list mo na naman si Ms. Transferee."

Napangisi na lamang ako sa sinabi nila. Sunod namin tiningnan si Raiden na ngayon ay may kinakalikot na sa kanyang cellphone.

"How about you Raiden?" tanong ni Rio.

"What?" walang emosyong tanong niya.

"May nakikita ka bang interesting sa transferee natin?" halos kaming tatlo ay nakaabang sa isasagot niya.

"I like her lunch, and she's like Nadine..." cold na sambit niya. Sabay sabay kaming napalunok roon, she's like Nadine. Kung katulad niya si Nadine-mukhang may nakikita na akong hindi ka-aya-aya.

"Hi Guys!" mabilis kaming napatingin sa pintuan dahil doon.

Nakasandal ito sa pader habang inaanalisa ang emosyon na ipinapakita ni Raiden. Isiniko ko kaagad si Rio dahil doon.

"Yung Crush mo, nandito." Pang-aasar ko. Sinamaan niya lamang ako ng tingin at tsaka itinuon ang atensyon kay Cheska na ngayon ay papalapit na sa kinaruruonan namin.

"Kamusta ang studies niyo?" tanong niya saamin.

"Ok naman Cheska. Ikaw? Kamusta ang Gawain ng isang Student President?" sambit naman ni Jasper.

"Nakakapagod, mas lalo na kung meron palaging nag-va-violate ng rules." Aniya habang nakatingin kay Rio. Nakita ko ang pag-blush ni Rio habang nagkakamot sa batok. If I know gusto lang talaga nito masilayan si Cheska kaya lagi siyang nag-va-violate ng rules.

"Narinig ko kanina si Nadine? Anong meron?" clueless na tanong niya saamin.

"Wala iyon, pinaguusapan lang namin yung bagong transferee sa class namin." Sagot ko naman sakanya. Napatingin ang atensyon niya kay Raiden na pinapanuod nap ala ang ginagawa naming.

"Ikaw Raiden, huwag mo sabihing may nagugustuhan kana after Nadine left!" pangaasar pa nito.

"Stop it Cheska..."

Napahalakhak si Cheska sa tinuran ni Raiden.... "Omy! Huwag mo sabihin na hinihintay mo parin yung babaeng yun... Tsk Tsk..."

Napanganga kami sa biglaang pagtayo ni Raiden at padabog na ibinagsak ang guitar na hawak niya at tsaka lumabas na.

Si Cheska lang talaga ang nakakagawa nito kay Raiden.

"Oww mukhang nainis ko siya! Asar talo talaga yung pinsan kong iyon. Hahaha! Sige uuna na ako, lalambingin ko lang. bye guys!" ani nito at iniwan na kaming nakatulala roon.

"Grabe ang cool niya!" wala sa wisyong sambit ni Rio. Tinap ko na lamang ang balikat ni Rio dahil mukhang naiinlove na naman ang isang ito.

VOTE, COMMENT

Finding YouWhere stories live. Discover now