final chapter

4.3K 91 79
                                    

ONE MONTH LATER

Papunta siya sa puntod ni Mel at habang palapit siya ay nakikilala niya ang lalaking nakatayo sa tapat ng puntod nito. Ibinaba niya ang bulaklak na dala niya saka sinindihan ang mga kandila na kanyang dala din. Alam niyang nakamasid si Lito sa bawat kilos niya ngunit hindi naman ito umiimik. Saglit siyang umusal ng panalangin para kay Mel.

"Mahal na mahal ka niya talaga, Alex!"

Napalingon siya dito. Sa puntod ito nakatingin habang kinakausap siya.

"Kahit ang huli niyang hininga ay sayo pa din niya ibinigay!"

Tahimik lang siyang nakikinig dito.

"Naiinggit ako sayo dahil ikaw ang minahal niya-"

"Lito mahal ka din naman ni Mel!" Putol niya sa sinasabi nito.

"Pero kaiba iyon sa pagmamahal niyang inukol sayo!" Nakangiti ito pero halata ang lungkot sa mukha nito.

"I'm sorry!" Hindi niya alam kung bakit niya nasabi iyon basta nararamdaman lang niya na kailangan niyang humingi ng paumanhin dito.

"Hindi ka dapat magsorry!" Sa wakas ay humarap na ito sa kanya. "Wala kang kasalanan na ikaw ang minahal ni Melissa!" Bahagya itong ngumiti sa kanya.

Ngumiti rin siya. Muli naman itong humarap sa puntod.

"Maaari ba akong magtanong sa iyo, Alex?" Maya-maya ay sabi nito.

Tumango lang siya.

"Totoo ang pinakita mong pagmamahal sa kanya di ba?"

Siya naman ang humarap sa puntod ni Mel ilang saglit pa siyang tumitig doon bago siya muling tumingin kay Lito saka siya sumagot ng-

"Oo!"

Na nagpalaki ng ngiti sa labi nito.

"Salamat!" Yun lang at iniwanan na siya nito.

Nang mag-isa na lang siya sa harap ng puntod ni Mel ay kinausap niya ito.

"Know what, Mel! Ngayon ko lang napatunayan na hindi lahat ng love stories ay may mga happy endings… Ours is a sad story but still you taught me alot of things!… Sacrifice is very important once you fall inlove to a not-so-right person!" Ngumiti siya. "I love you, Miss Mel and I will surely miss you!"

Yun lang at tumalikod na siya upang iwan na ang puntod nito at ng tumingin siya sa kinakaparadahan ng kotse niya ay natanaw niya si Vito na matiyagang naghihintay lamang sa kanya.

               
               =END=

Miss Mel (Completed)Where stories live. Discover now