chapter 2

5.2K 105 1
                                    

Lampas alas-otso na ng gabi ng sapitin niya ang kanyang kotse na nasa parking lot, 7:45 kasi ang tapos ng huli niyang klase, pagkatapos ay dumaan siya sa faculty para mag-out, pero saglit pa siyang napahunta sa ilan pa ring mga Propesor na nandoon, kaya naman ngayon ay kumakalam na ang sikmura niya, naalala niyang hindi na nga pala siya nakapag meryenda kanina, dahil diretso ang kanyang klase. May mga ilang studyante pa ang nakasalubong at bumati sa kanya, pagsakay niya ng kanyang kotse ay agad niya iyong ini-start, at sa pagtingin niya sa side mirror ay nakita niya si Alex, nakatayo ito sa may bandang puwitan ng kanyang sasakyan, binusinahan niya ito, saka niya binaba ang bintana sa gawi niya.

"Ferrer, ano ang ginagawa mo dyan?"

"Hinihintay ko po ang sundo ko."

"Kanina ka pa dyan?" Di niya mapigilan na mag alala dito.

"Opo."

Nagtatalo ang isip niya kung aalukin niya ba itong sumabay sa kanya, o iiwan na lang niya ito dito sa lugar na bahagya lang naaabot ng liwanag ng ilaw. Sa huli ay nakapag desisyon din siya.

"Gusto mo bang sumabay na lang sa akin? Mukha kasing sobrang late na ng sundo mo." Alok niya dito.

"Wag na po, Miss. Baka po on the way na yung sundo ko."

"Saan ka ba nakatira?"

"Sa Forbes po."

"Aba'y malayo-layo din pala."

"E, medyo po."

"Ay naku, kung ganoon ay sumakay ka na at ako ng maghahatid sayo, uugatin ka lang sa paghihintay dyan, halika na." Aniya, saka dinukwang niya ang passenger side para i-unlock at buksan.

Kahit tila nag-aalangan ay sumakay din naman ito, yun lang at tuluyan na niyang pinaandar ang kanyang kotse.

"Sino ba dapat ang sundo mo?" Tanong niya dito, para basagin ang katahimikan sa pagitan nila.

"Ang kuya Matthew ko po, kasama po kasi ni Dad yung driver ko."

"Di ba ang father mo ay si Senator Menandro Ferrer?"

"Opo."

Buong byahe ay nagkwentuhan sila, kaya naman hindi nila napansin na papasok na sila ng gate ng Forbes Park, pinara sila ng mga guard, kaya ibinaba niya ang bintana sa side niya.

"Saan po kayo, Ma'am?" Magalang na tanong ng guard sa kanya.

Kinuha naman ni Alex ang pansin ng mga ito.

"Ay kayo po pala yan, Ma'am Alex, magandang gabi po." Anito ng makilala ang dalaga.

Noon lang iniangat ng mga ito ang barrier.

"Sige po, pasok na kayo, Ma'am." Sumaludo pa ang mga guard sa kanila.

"Saan ba ang sa inyo?" Tanong niya dito.

"Paki kaliwa nyo po dyan, Miss." Turo nito. "Tapos doon po sa puting bahay na may puting gate, iyon po ang amin."

Malayo pa lang ay tanaw na agad niya ang bahay na tinutukoy nito, oo nga at lahat ng bahay sa exclusive na subdivision na iyon ay puro malalaki at magaganda, pero ang bahay ng mga Ferrer ay higit na malaki at maganda, tunay na makatawag pansin.

Inimbita siya ni Alex na mag dinner, hindi na siya nakatanggi dahil mapilit ang dalaga, iyon daw kasi ang bale bayad nito sa paghatid niya dito.

Nang siya ay makauwi sa kanyang apartment, ay napakagaan ng pakiramdam niya, para siyang nasa cloud 9. She has a wonderful evening.
Nang nakahiga na siya, ay si Alex muli ang kanyang na iisip, ang pilya, ngunit may kamuwangan nitong mukha,

Miss Mel (Completed)Where stories live. Discover now