chapter1

11.4K 141 16
                                    

Tugtog ng 'Mama Mia' ang gumising sa kanya, iyon ang ring tone niya kapag ang kanyang Mama na si Herminia Montes ang natawag sa kanya.

"Hello po, Mama." Paos ang tinig na bati niya.

"Hello, Melissa?" Malakas naman ang boses na tugon nito sa kanya.

"Po?"

"Wala ka bang balak dalawin ako dito sa atin?" Pasigaw pa rin ang tinig nito.

"Meron na-"

"Meron naman pala, eh bakit mahigit isang buwan ka ng hindi nauwi dito?"

"Masyado po kasing maraming activity sa School… Pasensya na po, Mama."

"Pasensya! Pasensya! Ang sabihin mo'y iniiwasan mo laang ang isyu ng pag-aasawa!"

Tama naman ito dahil sa totoo lang sa idad niyang 27 ay wala pa sa isipan niya ang pag-aasawa. Ang kaso pag napapauwi siya sa Batangas ay nauungkat palagi na siya ay napag-iwanan na ng kanyang mga pinsan dahil ultimo iyong pinaka-bunso sa kanilang magpi-pinsan na trese anyos na bago palang dinadatnan ay may asawa at anak na rin. Kaya naman para siya makaiwas sa mga kaanak niyang 'Big Deal' ang pag-aasawa ay hindi na lang muna siya nauwi sa kanila kahit pa nga ang kapalit nuon ay ang hindi nila pagkikita ng kanyang ina.

"Ano? Hindi ka na nakaimik diyan?" Untag ng kanyang Mama sa pananahimik niya.

"Mama, pasensya na po naalala ko lang po kasi na may gagawin pa ho pala ako." Pag-iwas niya. "Hayaan nyo po next week susubukan ko pong makauwi… Sige po. I love you, Mama." Yun lang at pinutol na niya ang tawag ng Ina.

Pagkabalik niya ng kanyang cellphone sa side table ay tuluyan na siyang bumangon. Hinagilap niya ang brush saka pinasadahan niya ang kanyang buhok at habang tinititigan niya ang kanyang sariling repleksyon sa salamin ay sumagi ulit sa isip niya ang mga pag-uudyok sa kanya ng mga partido ng Mama niya na mag-asawa na. Kahit nga ang Mama niya ay ipinagtutulakan na rin siya sa pag-aasawa kahit pa nga hindi ito naging successful sa larangang iyon. 10 years old pa lang siya ay alam na niyang nambabae ang Papa niya hindi nga lang iyon pinapansin ng Mama niya pero sabi nga ang lahat ay may hangganan at dumating ang hangganan ng pasensya ng Mama nya. Noong siya ay 4th year high school na ay tuluyan ng naghiwalay ang mga ito. Bale ang Mama na lang niya ang natira sa kanya, nag-iisa kasi siyang anak pero kahit pa nga sobrang lapit niya sa ina ay hindi niya magawang sabihin dito ang dahilan ng pag-iwas niya sa usapin ng pag-aasawa.

Nahihiya siya,

Natatakot!

Pagkatapos niyang mag brush ng buhok ay nagtungo na siya sa banyo para maligo. Linggo ngayon, sisimba siya- magbabakasakaling mapagaling ang 'sakit' niya ng dasal. Matapos nga siyang maligo, mag-ayos at magbihis ay tuluyan na siyang umalis ng bahay para sumimba at ng matapos ang misa ay nag-almusal siya sa restaurant na kanyang nadaanan at bago siya tuluyang umuwi ay dumaan muna siya sa supermarket para mag-grocery. Pag-uwi ay inayos niya ang kanyang mga pinamili saka siya naglinis ng bahay. Inayos na rin niya ang kanyang mga gamit para sa pagpasok bukas sa paaralan. Siya ay Propesora ng Literature at History sa Saint Therese University. Pagkatapos ng lahat siya ay nagpahinga na para ihanda ang kanyang sarili sa panibagong kabanata niya bukas.

====================
Habang pinaparada niya ang kanyang second hand na mitsubishi lancer ay naagaw ang pansin niya ng isang pigura ng babae na tunay namang makatawag pansin dahil sa revealing nitong suot pero hindi na niya iyon gasinong pinansin pa dahil mali-late na siya. Dumaan lang siya saglit sa faculty para mag-in saka tumuloy na siya sa kanyang unang klase. Pagpasok niya sa kanyang classroom- tulad ng dati ay inilibot niya ang kanyang tingin upang makita niya kung may kulang o absent ba sa mga studyante niya. Wala namang kulang ngunit may labis- ang babaeng nakita niya sa parking lot kanina ay nakaupo dito sa klase niya.

Miss Mel (Completed)Where stories live. Discover now