chapter 11

3.3K 73 4
                                    

"Alex? Ikaw nga ba yan?" Mahina at may kabagalan nitong tanong.

Kimi naman siyang ngumiti saka tumango at kahit pigilin niya ay muli na namang sumungaw ang mga luha niya.

"Maaari bang lumapit ka sa akin?"

Lumapit siya sa kama nito, inabot nito ang pisngi niya kaya bahagya siyang yumuko saka hinaplos nito iyon, malamig na ang kamay nito.

"Totoo nga! Nandito ka na, Alex!" Halata ang galak sa mahina nitong tinig. "Hindi na ako nananaginip lamang!"

Hindi na niya napigilan ang kanyang sarili, isinubsob niya ang kanyang mukha sa dibdib nito at kahit ito ay nakahiga ay hindi nakahadlang iyon para yakapin niya ito.

"Yes, Mel! I'm here and it's for real!" Sumisigok na pagkumpirma niya.

Lumapat ang kamay nito sa likod niya tanda ng pagtugon nito sa yakap niya.

"Salamat at tinupad na ng Diyos ang matagal ko ng hiling!"

"Oo at hinding-hindi na kita iiwan!" Bumitiw siya mula sa pagkakayakap dito. "Kaya magpagaling ka na, ha para makapamasyal na ulit tayo!" Pilit niyang pinasigla ang kanyang boses.

"Masaya na akong aalis ngayon dahil nandito ka na!"

Muling tumulo ang mga luha niya dahil sa sinabi nito pero pinilit niyang ngumiti.

"You're crazy! Kung kailan naman nandito na ako saka mo ako lalayasan! No, Mel! I will not allow you to leave me!"

Hindi na ito nagkumento sa sinabi niya basta kinuha lang nito ang kamay niya at dinala iyon sa labi nito at ilang sandali pa ay muli na itong pumikit habang hawak pa rin ang kamay niya.

Simula nga ng dumating siya ng Pilipinas ay hindi na siya umalis kahit saglit sa tabi ni Mel. Sa tuwina ay inaalagaan niya ito at binabantayan. At dahil siguro sa sobrang effort niya kaya nagpakita ito ng bahagyang sigla para naman mapasaya siya.

Ngayong araw na ito ay ilalabas na nila si Mel sa ospital dahil sabi ng Doctor nito ay maaari na itong sa bahay na muna magpahinga. Nagpabili pa siya kay Vito ng two dozens of yellow roses na paborito ni Mel kaya naman sabay pa sila ni Lito na nagbigay dito ng bulaklak. Ramdam niya na nakikipagkumpitensya ito sa kanya para makuha ang atensyon ni Mel pero hindi na lamang niya ito pinapatulan dahil alam naman niya na nagmamahal din lamang ito kaya ito ganoon.

"Ang dami naman ng mga bulaklak na ito!" Natatawang sabi ni Mel habang hindi magkaintindihan sa pagpapatong sa kandungan nito. Nakaupo kasi ito sa wheel chair. "Hindi na sana kayo nag-abala!" Tumingala ito sa kanilang dalawa ni Lito.

"Hindi ka kailanman naging abala sa akin, Melissa!" Ani Lito na nakapwesto na sa likod ng wheel chair ni Mel.

"Lito is right, Mel! Hindi pag-aabala ang mga ginagawa namin for you!" Segunda niya.

Sinamaan siya ng tingin ni Lito, nahalata naman iyon ni Mrs. Montes kaya nagyaya na itong umalis na. Pinagtulungan nina Lito at Vito na isakay si Mel sa kotse at pagkatapos ay mabilis na umikot si Lito sa kabilang pinto sa likod upang makatabi nito si Mel kaya naman sa harapan na lang siya naupo. Pinagbukas at inalalayan pa siya ni Vito bago ito lumigid sa driver seat.

"All settled?" Tanong nito saka nilingon ang tatlo sa likod.

Tumango lang si Lito at yun ang naging cue ni Vito para iistart ang kotse.

Mula ng bumalik siya ay hindi nila napapag-usapan ni Mel ang nakaraan nila at kahit ang pag-iwan niya dito ng biglaan at walang pasabi ay hindi din nito inuungkat. Tila ba kuntento at masaya na sila na muli ay magkasama na sila. Katulad ngayon nasa burol sila na hindi kalayuan sa bahay nina Mel. Nakaupo lamang sila sa damuhan habang nakatingin sa mga kambing na nanginginain.

"Alex?" Tawag sa kanya ni Mel matapos ang mahabang katahimikan.

"Hmm?"

"Masaya ka ba?"

Nakangiti siyang lumingon dito.

"Ofcourse, I'm happy!" Aniya saka siya humilig sa balikat nito.

Katahimikan ulit pero maya-maya ay tinawag siyang muli nito.

"O?"

"Pag wala na ako wag kang malulungkot, ha!"

Hinarap niya ito, nakatanaw pa rin ito sa mga kambing ngunit halata na lumalagos ang tingin nito sa mga iyon.

"What are you talking about?"

"I want you to stay happy kahit na wala na ako sa tabi-"

"Stop saying that!" Putol niya sa sinasabi nito. "Hindi ka mawawala! I will not allow that to happen!" Hindi na niya napigilan ang pagpatak ng kanyang mga luha.

Nilingon siya nito at pinahid ang mga luha niya sa mata at pisngi.

"Let's face it! Hindi na ako magtatagal-"

"No!" Muli niyang putol sa sinasabi nito saka siya tumayo. "Hindi ka mawawala, Mel! Hindi ako papayag na iwanan mo ako!" Sigaw niya dito saka iniwanan na niya ito doon.

=====================
"Don't you think you're being unfair?"

Nakakunot-noo niyang nilingon si Vito.

"Because you don't want to set Miss Mel free!" Paliwanag nito.

Pero lalo lamang kumot ang noo niya.

"You left her before! So, why don't you allow her to leave you now?"

"That's a different case, Vito! I left her to make things right for her at binalikan ko siya! But if I allow her to go she will never come back again!" Pagpapaintindi niya dito.

"You did that before for her sake and you know that if you do it again it's for her sake also! Let her go, Miss Alex you will giving her a favor!"

Dalawang araw matapos ang pag-iwan niya kay Mel sa burol ay muli itong isinugod sa ospital and this time ay talagang 'lagay' na ito ayon sa Doctor. Ngunit sa kung anong kadahilanan ay ayaw pa nitong higitin ang hininga.

Umiiyak na pumasok siya sa emergency room. Tama nga ang sabi ng Doctor halos patay na nga si Mel. Nilapitan niya ito at hinawakan sa kamay at kahit hirap siyang magsalita ay kinausap niya ito.

"Mel, ikaw ang pinaka special na babae na naging parte ng buhay ko!" Saglit siyang tumigil para alisin ang bara sa kanyang lalamunan. "At alam ko na ganoon din ako sayo… kaya nga hindi mo ako maiwan, eh!" Pinahid niya ang luha na patuloy na umaagos sa kanyang mga mata. "Pero Mel pumapayag na akong umalis ka!" Paputol-putol niyang sabi.

At ewan kung bakit pero pagkatapos niyang sabihin iyon ay naging straight line na ang guhit na lumalabas sa monitor at ang kamay nitong hawak niya ay humugalpos na mula sa pagkakahawak niya.

"MEL!!!!" Malakas na palahaw niya.

Miss Mel (Completed)Where stories live. Discover now