Pinunasan ko ang pisngi ko. Hindi ko alam pero nilalamon ako ng pagsisisi na hindi ako umuwi last week.
Napalingon ako sa tabi nang may humaplos sa braso ko, si Allan. "Tinotoo niya yung joke niya sa GC."
Napapikit ako, pilit na tumango. "Sana pala... umuwi na lang ako, Al."
Umiling siya. Parang gustung sabihing huwag kong sisihin ang sarili. "Tumawag din sa'kin si Jypse noong Martes," kwento n'ya. "Hindi ko nasagot kasi nasa check-up ako ni Papa. Sabi ko sa sarili ko tatawag ako kinabukasan pero nakalimutan ko rin. Ang lapit-lapit na namin... pero hindi namin siya napuntahan."
"Nauubos pala yung bukas," mapait na biro ko.
Humigpit ang hawak ni Allan sa balikat ko saka nag-angat ng tingin sa kabaong. "Sabi ni Ate Mawi... sa barkada natin, si Owen lang ang dumalaw. Halos araw-araw daw 'pag kaya niya. Naglalaro daw sila ni Jypse madalas, kapag siya ang nagbabantay sa hapon."
Mas lalong nanubig yung mata ko. "Kaya pala yung sa GC..."
Tumango siya. "He was begging us to come kasi ayaw ipasabi ni Jypse na may taning na yung buhay niya. Sabi ni Ate Mawi, ayaw daw niya na mabuo tayo dahil lang may sakit siya."
Mas lalong bumigat yung dibdib ko.
"Na-mute ko pa 'yung GC noong araw na 'yon," napangiti akong umiiyak. "Pero tinawagan ko siya... sabi niya okay lang."
Hinaplos ko ang kabaon niya. Hindi mawala ang pait na gumapang sa dibdib ko habang binabalikan yung mga sana ko.
We were all busy elsewhere while she was running out of time.
"Maupo ka muna, Esme," alok ni Allan nang bumigat na ang pag-iyak ko.
Inalalayan niya ako hanggang sa may gilid. Doon ko nakita si Rob, maga pa rin ang mata. Ang nabasa ko sa GC, bumaba siya ng barko para makahabol hanggang sa last night ni Jypse. Nag-angat siya ng tingin sa akin saka sandali akong niyakap.
Kumuha lang si Allan ng bote ng mineral water at inabot sa amin saka naupo na rin sa tabi ko. Kasabay niya si Madi na nasa tabi naman ngayon ni Rob.
Ang huling beses na nagkita kami ay iyong graduation ko. Doon nagkalamat ang lahat; pagkatapos nun, parang nagkabitak-bitak ang mesa sa pagitan namin.
The algorithm kept me updated though. Paminsan-minsan, nakikita ko sa IG stories ang labas nina Allan at Rob; minsan naman si Jypse at Madi. May mga araw na silang tatlo pero wala si Rob at si Owen. Isang buwan matapos ang grad, may story si Rob kasama si Owen—tapos sa kuwento ni Madi, nag-away din sila. Nag-resign si Owen sa firm nina Madi, at mula noon, wala na kaming balita. Nakakagulat na siya lang pala ang nakakaalam na may breast cancer si Jypse.
Tahimik kaming nakaupo na magkakatabi sa mahabang kahoy na upuan pero wala ni isa ang nagsasalita. I don't know but is this what it means to lose the bridge of the group? We're still here, but the space between us is wider than ever.
May tumayo na matandang lalaki sa gilid namin. Doon ko napansin si Sir Pantaleon. Si Sir Diether Pantaleon ang coach namin sa chess. Medyo pumuti na ang buhok niya, medyo kumuba na rin ang likod, pero hindi nagbago ang paraan niya ng pagngiti.
Nang mapansin niya kami, agad siyang lumapit. "Aba," bati niya saka tumigil sa harap namin. "Ganiyang-ganiyan kayo noong tryout ng chess. Magkakatabi na walang imikan."
"Kumusta po, Sir!" bati ko.
"Magandang gabi din, Sir Leon!" may halong sarkasmo sa boses ni Rob.
Naupo siya sa tabi ni Allan at katulad namin, natulala rin sa kabaon ni Jypse. Ilang sandali siyang natahimik bago siya muling nagsalita.
YOU ARE READING
Elegy of the Spark that Died
Short StoryA story about six old friends brought back together by the death of one, and the unfinished game that forces them to face the people they once were.
Chapter One
Start from the beginning
