TW: grief, loss
CHAPTER ONE
"Baka sa lamay ko na lang talaga tayo magkita-kita."
Iyon ang biro ni Jypse sa GC namin, last week when Owen asked if we all could come on his birthday. Hindi ako sure kung kailan ulit naging maingay ang GC namin pero naalala ko na puro laughing emojis lang ang reply namin sa chat na yon ni Jypse.
Hindi ko alam na seseryosohin niya ang mga salitang iyon.
"Anak, kaya mo?" tanong ni Papa, nakahawak pa sa braso ko bago ako tuluyang humakbang pababa.
Tumango lang ako. "Kaya, Pa."
Paglingon ko sa simbahan, nakaawang ang pinto, at mula sa labas tanaw ko ang puting kabaong na may nakapatong na mga lilies.
My chest tightened at the sight. This was supposed to be a joke.
Humigpit ang hawak ko sa sling bag ko nang magpaalam kay Papa. Pinakiramdaman ko ang paligid habang dahan-dahang naglakad palapit sa loob ng simbahan.
Natatanaw ko ang ilang kaklase at kamag-anak ni Jypse, pati ang ilang mukha na matagal ko nang hindi nakita.
"Esme."
Si Madi ang unang taong nakapansin sa akin. May hawak siyang baso ng kape, nakatayo sa may labas ng pintuan. Nakapusod ang buhok, maayos ang kwelyo, at kita sa mga mata niya ang pagod na mukhang mula sa puyat.
Dahan-dahan siyang humakbang palapit pero tila tinitimbang din ang distansya na iniwan ng mga taon sa pagitan namin.
"Kumusta? Kailan ka pa nakauwi?"
"Kanina lang," sagot ko. "Dumiretso na ko rito."
Tumango siya. "Ako kahapon pa. Tinutulungan ko si Tita sa pagaalok sa mga bisita ng kape." Itinaas niya ang baso ng kape saka bahagyang ngumiti.
Sandali kaming nagkuwentuhan sa bungad tungkol sa buhay nang isa't-isa. Nang may dumating na van sakay ang mga pinsan at pamangkin ni Jypse, nagdagsaan na rin ang mga tao sa may bukana ng simbahan kaya nagpaalam na akong papasok na.
"Nandun sila sa loob, kanina ka pa hinihintay," ani Madi, sabay bahagyang tinuro ang hanay ng mga upuan sa kaliwa, malapit sa aisle na puno ng lilies. "Pasok ka na... hintayin ko lang si Owen. Parating na raw siya."
Humugot ako nang malalim na hininga nang marinig ang pangalan niya. Two years has been a long time to burry all the feelings I have for that name. Pero kahit pa sigurado akong nakamove on na ako, hindi pa rin mawala ang kaba na dala ng posibilidad na magkita kami ngayong gabi.
Dahan-dahan akong pumasok sa aisle ng simbahan. Napako ang tingin ko sa kabaong nasa gitna at napalilibutan ng lilies. Doon nakahimlay si Jypse. Ilang hakbang lang nang marating ko ang tapat noon ay bumigay na ang luha ko.
Losing a friend is a different kind of heart break. But knowing I didn't give them enough time to be with me when they needed me the most is another. I kept on delaying my arrival in the Philippines kasi akala ko may next week pa.
Napalunok ako at pinilit patatagin ang sarili para makalapit sa labi niya. Dumikit ako sa gilid ng kabaong at tiningnan ang mukha niya. Ang payat niya pero mukhang mapayapa lang na nakapikit.
Last time we talked, she assured me it's fine to reschedule our meeting since she wanted me to animate her book. "Okay lang, Esme. I feel like malapit na tayong magkita-kita."
Naalala ko pa ang tawanan namin at ang sagot kong "Ayan ka na naman sa drama mo." I thought it was just her being sentimental. I was tired. I was busy. I was dealing with my own mess. Iyon ang rason ko sa sarili pero it's all nothing but an excuse now.
STAI LEGGENDO
Elegy of the Spark that Died
Storie breviA story about six old friends brought back together by the death of one, and the unfinished game that forces them to face the people they once were.
