Chapter 26 - Pointers

818 39 11
                                        

"Ayos, ah? Pulang-pula ang buhok," tukso ni Kady sa bagong dating na si Paisley, sabay turo pa talaga sa ulo nito. "Season pala ng mga rambutan ngayon?"

Kapapasok lang ni Paisley, she was absent kanina. Isang course lang daw papasukan nito at iyon ang isang major namin.

"Ha ha ha. Nakakatawa 'yon?" kunot-noong singhal ni Paisley, na halatang pigil na pigil ang inis.

Naupo siya sa tabi ko, marahas pa ang bagsak ng bag niya sa desk. Napatingin siya saglit sa ginagawa ko, medyo yumuko para sumilip sa papel. Nginitian ko na lang siya tapos balik ako sa pagkuha ng present value factor.

"Rambunat!" dagdag na pang-aasar ni Kady, na halatang nag-e-enjoy sa reaksyon ni Paisley na napipikon.

Palibhasa kasi hindi kaaya-ayang tingnan kapag si Kady iyong nagpakulay ng pula sa buhok niya. Nagmumukha siyang manok na panabong sa true lang.

"Isip bata!" singhal ulit ni Paisley, sabay irap.

Mas pinili ko na lamang na manahimik at hindi na makisawsaw sa gulo ng dalawang magpinsan. Minabuti ko nang tapusin ang aktibidad na ginagawa ko upang sa gayon ay wala na akong mas'yadong gagawin mamaya. Para na rin ako ay libre nang makapag-breakdown at overthink mamayang alas diez.

"Sipag mo ngayon, ah? Baka gusto mo na rin gawin iyong akin? Wala pa akong nasisimulan," sabi naman ni Yuno na nasa harap ko.

"Gurl, alam kong tapos ka na." I rolled my eyes at her.

Knowing her, uhaw na uhaw siya sa academic validation kaya alam ko nang tapos na niya itong gawin. Kahapon pa kasi ito nabigay sa amin at bukas pa ako nakatakdang pasahan nito.

"Everyone, hindi daw papasok ang prof." Maraming natuwa at naghiyawan sa naging anunsyo ng president namin.

"Totoo ba?" tanong ko agad sa mga katabi kong madaldal, just to be sure.

"Kakasabi lang, 'di ba? Ano ba naman 'tong taong 'to!" Kady retorted, her tone dripping with sarcasm.

"Sorry, ha? May trust issues lang." Baka nagbibiro lang tapos bigla akong maniwala. Ayaw ko naman na masaktan sa huli dahil lamang umasa ako.

I started shoving my things into my bag lazily. Papers, pens, calculator—lahat siniksik ko na kahit hindi maayos. Wala na akong pakialam basta maligpit ko lang kasi gutom na gutom na gutom na ako.

Ayan kasi! Hindi kumakain. Potanginang buhay ito. Papatayin ko na ata sarili ko sa lagay na ito.

I zipped up my bag, slung it over my shoulder, and stood up. Paisley was sulking kasi pumasok pa siya tapos wala naman pala ang professor namin. Absent pa more.

Yuno and Kady naman were talking kung saan sila kakain or tatambay. I didn't really feel like tagging along.

"Bye na, guys," I said, raising a hand in a little wave. "Enjoy kayo. Bawi ako sa susunod."

"Whaaat? Hindi ka sasama?!" eksaheradong bulalas ni Kady.

"Hindi, nagsasawa na ako sa pagmumukha mo." Agad akong sinamaan ng tingin ni Kady.

"Ingat ka," said Yuno while I waved my hand at them again as I headed for the door.

Pagdating ko sa main gate ng university, the sky was already shifting into warm shades of orange and pink. I slowed down as soon as I was close sa mga nagtitinda ng street foods.

I walked closer, already fishing out a few coins from my pocket, when someone suddenly called out,

"Alazne?"

I turned around, and my brows shot up. "Alexis!"

She was standing just a few steps away. A smile lit up her whole face.

Defeated (GXG)Where stories live. Discover now