The One You Failed To Keep

38 1 0
                                        

Ang hirap no? Yung piliting makalimutan ang taong mahal na mahal mo. ikaw naman kasi sumobra confident sa sarili. Ganyan ka ba talaga? o ganyan ka kasi alam mong mahal ka nya? Ang tagal mong hinintay ang taong tapat sayo tapos noong andyan na, di mo naman pinahalgahan.

Hay buhay. ang badtrip no? Naalala mo pa ba? nung minsan ka nyang saluhin dahil lumong lumo ka na. Nang minsang talikuran mo sya pero hindi ka pa rin nya iniwan. Nang minsang iniwasan at pinagsalitaan mo sya ng masakit pero hindi pa rin nya nagawang magalit. Nang minsang sinabi nya sayo na mahal ka pa rin nya pero itinaboy mo lang sya. Ano bang klaseng utak meron ka? ngayon, nagsawa na sya. napagod na at unti-unti naring nawalan ng pagmamahal sayo.

Isang araw bigla na lang nyang nasabi sa sarili nya na "AYAW NA NYA" at napagod na din syang intindihin ka. Natawa ka na lang. "eh ano? ako naman nambalewala eh. masaya ako kahit wala sya. I DON'T CARE" Wow. astig. ang daling sabihin no? ngayon pinapakita mo sa kanyang hindi mo sya mahal? ANG TAAS NG PRIDE MO!

Pero bakit parang bumaliktad ang mundo? Sa mga oras na to hinahanap hanap mo sya. Bakit bago matulog sya pa rin ang iniisip mo? Bakit mga ngiti pa rin nya ang nakalarawan sa utak mo? Bakit hanggang ngayon di mo sya makalimutan? Bakit namimiss mo sya? Yung mga paglalambing nya tuwing galit ka. Yung wala syang ibang ginawang gawin kundi patunayan at ipadama nya kung gano ka nya kamahal hanggang sa hindi mo na magawang magalit pa. Yung pag aalala nya sayo minuminuto. yung mga "iloveyou". Kala ko ba di mo na sya mahal? o baka naman hindi mo lang maamin sa sarili mo ang labis na panghihinyang?

Minsan kasi iba ang sinasabi ng utak sa totoong laman ng puso mo. Eh pano yan ngayon wala na sya. Kasama nya na yung taong itatrato sya ng tama, bibigyan ng oras at pahahalagahan.. Mga bagay na deserve nya pero di mo nagawang ibigay. Ngayon hindi na sya nasasaktan. Ngayon ibibigay na nya sa iba ang atensyon, at pag mamahal na minsan nyang napadama sayo.

Masakit no? Lalo na't kahit gusto mo syang kausapin at makasama, di mo magawa. Ngayon sinong niloko mo? sya ba? Malamang ngayon masaya na sya habang ikaw patuloy na niloloko at kinukumbinsi ang sarili mo na masaya ka rin.. masaya ka para sa kanya.

Minsan lang dumating yung taong laging nandyan para sayo. Yung taong matatkbuhan mo pag tinalikuran ka na ng mga taong mas pinahalgahan mo. Yung taong lagi lang sasabihin "I understand." Yung taong kahit napakadami mo ng pagkukulang, hindi ka pa rin sinumbatan. Yung taong tahimik lang sa isang tabi at naghihintay sayo kung kelan mo gustong kausapin sya. Yung taong kahit napakadami mo ng kasalanan sa kanya, hindi pa rin sumagi sa isip nyang gumanti at saktan ka. Minsan lang dumating ang taong magmamahal sayo ng totoo. minsan lang... kaso pinakawalan mo pa.

Ngayon naiwan ka ng mag isa, malamang nag-iisip, "Sayang. Maibabalik pa kaya ang minsan?"





———


ORIGINAL VERSION:

Isang liham para sa taong, minsan kong pinag-tiisan kasi akala ko sya  na. Isang taong minsan sumasasagi pa din sa isip ko, na ngayong wala na ko pinanghinayangan mo ba yung possibility na magkaron ng "Tayo"? yung possibility na sinayang mo..

Isang liham na sasarilin ko na lang. Mga salitang kailanman hindi ko na ipaaabot sa kanya.. dahil tapos na ko. Ubos na ubos na ko.

•••


Ikaw! Oo ikaw,

Mahirap ba? Yung piliting makalimutan ang taong mahal na mahal mo? O masaya ka kasi hindi mo naman talaga ko minahal? Ikaw naman kasi sumobra confident sa sarili. Ganyan ka ba talaga? o ganyan ka kasi alam mong mahal kita? Ang tagal mong hinintay ang taong tapat sayo tapos noong andyan na, pinahalagahan no ba?

Hay buhay. Ang badtrip no? Naalala mo pa ba? Nung minsan kitang saluhin dahil lumong lumo ka na. Yung mga salitaan mong "You fixed me." at nga pagkakataong minsang talikuran mo ko pero hindi pa rin kita iniwan, naalala mo pa ba? Pati nang minsang iniwasan at pinagsalitaan mo ko ng masakit pero hindi ko pa rin nagawang magalit. Nang minsang sinabi ko sayo na mahal parin kita pero itinaboy mo lang ako at sinabi mo sa akin "I don't think I deserve your love.". Ano bang klaseng utak meron ka? Ngayon, sawa na ko, napagod na at unti-unti naring nawalan ng pagmamahal sayo.

Isang araw bigla ko na lang nasabi sa sarili ko na "AYOKO NA!" at napagod na din akong intindihin ka. Malamang natawa ka na lang. "eh ano? ako naman nambalewala eh. masaya ako kahit wala ka. I DON'T CARE" Wow. Astig. ang daling sabihin no? Ngayon pinapakita mong masaya ka? Ang taas mo. Pride. Dyan ka mayaman.

Pero kelan kaya darating yung pagkakataong bumaliktad ang mundo? Tiwala ako sa pagmamahal ko. Alam kong hahanap hanapin mo rin ako. Bago ka matulog ako pa rin ang huling iisipin mo. Mga ngiti ko pa rin ang nakalarawan sa utak mo, mga ngiting hindi na para sayo. Kelan kaya darating yung araw na mapagtatanto mong hanggang ngayon di mo pa rin ako makalimutan. Mamimiss mo ko. Yung mga paglalambing ko tuwing galit ka. Yung wala akong ibang ginawang gawin kundi patunayan at ipadama kung gano kita kamahal hanggang sa hindi mo na magawang magalit pa. Yung pag aalala ko sayo minuminuto. Yung mga "I love you". Isang umaga mapapadalawang isip ka, kukwestyonin ang lahat ng desisyon mo lalo na yung puntong hindi ako ang pinili mo. Hindi mo na ba talaga ko mahal o baka naman hindi mo lang maamin sa sarili mo ang labis na panghihinyang?

Minsan iba ang sinasabi ng utak sa totoong laman ng puso mo. Eh pano yan ngayon wala na ko. Kasama ko na yung taong itatrato ako ng tama, bibigyan ng oras at pahahalagahan.. Sobrang liliit na bagay na hinihiling ko pero di mo nagawang ibigay.

Kulang kulang tatlong taon na ang lumipas. Ngayon hindi na ko nasasaktan. Ngayon ibinibigay ko na sa iba ang atensyon, at pag mamahal na minsan kong napadama sayo tsaka mo sasabihin sakin na "Mar, mahal pa din kita at sobrang shit ko." Masakit no? Lalo na't kahit gusto mo kong kausapin at makasama, di mo magawa. Ngayon sinong niloko mo? Ako ba? Malamang ngayon masaya na ko habang ikaw patuloy na niloloko at kinukumbinsi ang sarili mo na masaya ka rin; masaya ka para sakin.

Minsan lang dumating yung taong laging nandyan para sayo. Yung taong matatakbuhan mo pag tinalikuran ka na ng mga taong mas pinahalgahan mo. Yung taong lagi lang sasabihin "I understand." sa bawat desisyon mong hindi sya ang inuuna mo. Yung taong kahit napakadami mo ng pagkukulang, hindi ka pa rin sinumbatan. Yung taong tahimik lang sa isang tabi at naghihintay sayo kung kelan mo gustong kausapin sya. Yung taong kahit napakadami mo ng kasalanan sa kanya, hindi pa rin sumagi sa isip nyang gumanti at saktan ka. Minsan lang dumating ang taong magmamahal sayo ng totoo. minsan lang... kaso pinakawalan mo pa.

Sayang. Maibabalik pa kaya ang minsan?


Sincerely,

The one you failed to keep who got away to save herself <//3





✒ACGC

ScripturientWhere stories live. Discover now