Chapter Nine

10K 234 4
                                    

ILANG beses na nakikita ni Shen si Chesca sa hotel at madalas silang magkasagutan. Panay kasi ang pan-uuyam nito sa kanya. Hindi naman siya ang tipo na magpapaapi nalang. Hanggang dumating ang panahon na nagtanim na ito ng galit sa kanya.

Martes ng umaga. Dapat ay day off niya nang araw na iyon pero hindi siya pinayagan ni Mr. Montel at isinama nanaman siya nito sa Tagaytay. Aasikasuhin na nito ang lupang ibebenta. At tulad ng inaasahan niya, naroroon nanaman si Israel at isa ito sa nakikipag-usap sa buyer ng lupa.

Nagulat siya nang makita roon si Chesca. Napag-alaman niya na ama pala nito si Mr. Ocampo—ang bibili ng lupain ni Israel. Pagsapit ng tanghalian ay sabay-sabay na kumain ang mga Amo niya subalit siya ay palakad-lakad lamang sa sala at minsa'y lalabas.

Buhat roon sa sala ay natatanaw niya ang kusina at ang mga kumakain. Katabi ni Israel si Chesca at ang mga tatay ng mga ito ay magkaharap at abala sa pag-uusap. Napansin niya si Israel na tahimik at panay ang sipat sa gawi niya.

Sumisikip ang dibdib niya habang pinagmamasdan ang mga ito sabay isip na hindi siya nararapat na mabilang sa pamilya ni Israel. Minsan ay nahihinuha niya na tama si Chesca, tama si Jonas—na darating ang araw na magbabago si Israel. Pero hindi siya basta nagpapa-apekto sa mga hakahaka ng iba.

Pagkatapos kumain ng mga amo niya ay siya naman ang kumain kasama si Manang Roseng. Habang kumakain sila ng Ale ay bigla namang sumulpot si Chesca at naghagilap ng kung ano sa ref.

"Manang puwede bang magpagawa ng mango shake?" tanong nito sa Ale.

"Opo, mamaya po," ani Manang Roseng.

"Ngayon na po sana," ani Chesca.

Tumayo naman ang Ale. Inawat niya ito. "Manang tapusin mo muna ang pagkain mo," aiya.

"E kailangan na ni Ma'am Chesca," anang Ale.

"Hindi ba siya marunong? Uunahin mo pa ba siya kisa sa kumakalam mong sikmura? Hindi naman siya ang nagpapasahod sa'yo para utusan ka niya na wala sa oras," aniya.

Hindi umimik ang Ale. Umupo itong muli.

"Manang?" ani Chesca.

"Kakain ho muna ako, Ma'am," anang Ale.

Lumapit sa kanila si Chesca at nakapamaywang. "Ganyan ka ba kung magtrato sa bisita n'yo?" mataray nitong tanong.

Kanina pa siya naiinis sa babaeng ito. Tumayo siya. "Mawalang galang lang, Miss. Chesca. Hindi ba puwedeng patapusin mo munang kumain si Manang Roseng? Makapaghihintay naman ang mango shake mo e," mahinahong wika niya sa babae.

Binalingan naman siya nito. "Hindi ikaw ang kinakausap ko," mataray na sabi nito.

"Hindi naman kasi makatarungan ang pag-utos mo sa matanda. At isa pa, hindi naman ikaw ang amo ni Manang Roseng para apurahin mo siyang sundin ang utos mo. Oo bisita ka rito pero sana konting respeto naman sa tao. Ikaw kaya abalahin sa gitna nang nahihilo ka na sa gutom?"

Tumaas ang isang kilay ni Chesca. "Ang lakas naman ng loob mong sagutin ako ng ganyan. Nakasandal ka lang sa pader, e kung sino ka nang magtapang, e guwardiya ka lang naman!" Bahagya nang tumaas ang tinig nito.

Napatayo na si Manang Roseng. "Tama na po," anang ale.

"Hindi lang ako sanay na minamaliit at maging ang kapwa ko. Guwardiya lang ako pero ipinagmamalaki ko ang trabaho ko. Kahit papano, wala akong inaapakang tao. Hindi lumalaki ang ulo ko por que naging kasintahan ko ang anak ng boss ko. Hindi ko kasalanan kung mahalin ako ni Israel, tama naman ang landas na tinatahak niya," matapang niyang tugon.

"Ah ganun? Kawawa naman si Rael, napunta siya sa babaeng babagsak sa kanya."

"Mas kawawa siya kung sa'yo siya napunta. Kasi tatanda siyang may galit sa mundo."

Bartenders Series 9: Vodka (Complete)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ