Chapter Eight

10.1K 259 10
                                    


KINABUKASAN ng gabi, mula sa Tagaytay ay sumama si Shen kay Israel hanggang sa bar ng mga ito. Hindi niya inaasahan na ipapakilala siya nito sa mga kaibigan nito. Ang Bartender na si Scotch ay nagiging kaibigan na niya dahil sa ito madalas ang nagsi-serve ng cocktail sa kanya.

Nagulat ang mga kaibigan ni Israel nang sabihin nitong nobya siya nito. Tila hindi pa maniwala ang mga ito at nagawa pang kantiyawan si Israel. Nagkaroon siya ng agam-agam nang sabihin ni Brandy na disposable raw ang mga babae kay Israel o mas kilalang si Vodka sa bar na iyon. Bagaman biro ang pagkakasabi ni Brandy pero dinamdam niya iyon.

Nang maka-upo na sila ni Israel sa bakanteng mesa ay saka pa lamang sila nakapag-usap ng sarilinan. Nag-order din ito ng pagkain.

"May order akong beef tacus, kumakain ka ba n'on?" tanong nito.

"Oo naman," aniya.

"Hindi ako nag-order ng kanin. Pizza at caramel cake lang ang order ko. Okay lang ba?" anito.

"Okay lang."

Mamaya pa'y may lumapit na lalaki na dala ang pagkain nila. Matangkad ito at guwapo. Nakasuot ito ng chef jacket. Natural ang ngiti nito na may kasamang panghuhusga.

"Hey, Vodka! New victim?" tanong nito kay Israel pagkalapag ng pagkain nila.

"Dude, walang ganyanan. Shen, siya pala si Tequila, Miguel ang tunay niyang pangalan. Siya ang Chef namin dito," ani Israel sabay pakilala sa kaibigan nito.

Mabilis namang nag-alok ng kanang kamay si Tequila. Dinaup naman niya ang palad nito. Pilyo ang ngiti nito.

"Injoy your meal," anito sabay iwan sa kanila.

Natakam siya bigla sa small size na Italian Pizza na namumutakti sa cheese. At ang caramel cake ay parang kulang pa iyon kay Israel sa liit niyon.

"Mahilig ka pala sa sweet?" aniya.

"Yap. Ikaw, anong hilig mong kainin?" pagkuwa'y tanong nito.

"Something salty. Mahilig ako sa prutas at gulay," aniya.

Una niyang pinapak ay ang tacus na namumutakti rin sa cheese. Si Rael naman ay unang nilantakan ang cake. Ramdam niya ang pormal na relasyon nila. Lalo niyang hinangaan si Israel sa pagiging natural nito.

Maya't-maya naman ang linga niya sa paligid habang kumakain. Ewan niya bakit siya kinakabahan. Pakiramdam niya'y may taong nakamasid sa kanila. Hindi siya mapakali sa kinaluklukan niya.

Nang tumingin siya sa gawi ng entrance ay namataan niya si Jonas na may kasamang dalawang lalaki. Bigla siyang nataranta. Uminom siya ng tubig.

"Ahm, magbabanyo lang ako," apila niya kay Israel.

"Sige," sabi naman nito.

Tumayo na siya at malalaki ang hakbang na tinungo ang palikuran. Hindi parin humuhupa ang kaba niya kahit nang makapasok na siya sa palikuran. Hindi siya makapag-isip ng maayos.

May limang minuto na siyang nasa loob ng palikuran pero wala parin siyang maisip na mainam niyang gawin. Mamaya'y tumunog ang cellphone niya para sa mensahe. Si Israel at tinatanong kung nasaan na daw siya. Hindi niya alam kung ano ang isasagot niya.

Lumabas na lamang siya. Ginulo niya ang buhok niya at bahagyang nakayuko habang naglalakad. Kumukubli siya sa mga taong nakakasabay niya. Sa labis na taranta ay hindi na niya nailagan ang dapat ilagan. Bumalya siya sa likod ng isang lalaki na tila nagulat at bigla siyang nilingon.

Nanlaki ang mga mata niya nang makita si Jonas na kausap ng naturang lalaki. Awtomatiko'y ngumiti ito nang makita siya.

"Shen, oy, anong ginagawa mo dito?" nagagalak na tanong nito sabay hawak sa balikat niya.

Bartenders Series 9: Vodka (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon