Chapter Seven

9.8K 267 5
                                    

"SINONG first kiss mo, Shen?" tanong ni Israel kay Shen.

Nakahilig ang ulo nito sa balikat niya. "Ikaw," tipid nitong sagot.

Sinipat niya ang mukha nito. "Sigurado ka? Kailan kita hinalikan?" maang niya. Wala siyang maalala na hinalikan niya ito.

Umangat ito ng mukha at tumitig sa kanya. "Noong nasa Spain tayo, noong nalasing ka at inihatid kita sa suite mo," anito.

"Ang alam ko niyakap lang kita, e."

"Huwag kang ano."

Napapangiti siya. "Hindi ko talaga maalala. Puwede ba nating i-rewind?" sarkastikong saad niya.

Bigla na lamang nitong kinurot ang tagliran niya. Dahil wala siyang damit ay bumaon ang kuku nito sa balat niya. Waring may kumagat na langgam. Ginagap niya ang kamay nitong nangungurot.

"Bumalik na tayo sa bahay n'yo. Hindi ka manlang nagdala ng damit baka magkasakit ka niyan," anito.

"Okay lang, alam ko namang may mag-aalaga sa akin," aniya.

"Naku, baka masipa pa kita." Tumayo na ito.

Tumayo na rin siya. Inalalayan na niya itong makasampa sa likod ni Isaac.

Alas-siyete na nang makarating sila sa mansiyon. Nakahain na rin ang hapunan nila. Hinatid niya si Shen hanggang sa kuwarto nito. Akmang papasok pa lamang siya sa kuwarto niya nang sinabat siya ni Manang Roseng.

"Sir Rael. Tumawag ho pala si Congressman at pinapapunta ho kayo sa Maynila ngayon," wika ng ale.

Natigilan siya. Hinarap niya ang Ale. "Bakit daw ho?" aniya.

"Hindi ko po alam. Kailangan bago raw mag-alas-nuwebe ay naroroon ka na sa hotel."

Mariing nagtagis ang bagang niya. "Sige po." Pagkuwa'y tumuloy na siya sa kuwarto niya.

Sinubukan niyang tawagan ang Daddy niya pero hindi ito sumasagot maging sa mensahe niya. Nasira ang magandang araw niya. Pagkakataon na niya iyon upang masolo si Shen at mabigyan niya ito ng panahon upang maipadama sa dalaga na seryoso siya rito. Nagbihis na lamang siya.

Nagkasalubong sila ni Shen sa pasilyo papuntang kusina. Lagi itong handa. May dala itong pantulog na pajama at maluwag na t-shirt na puti. Titig na titig ito sa kanya. Bihis na bihis kasi siya.

"M-may lakad ka?" malumanay na tanong nito.

"Pinapapunta ako ni Dad sa hotel. Babalik din ako kaagad," aniya.

"Kung ganun sasabay na lang ako sa 'yo," anito.

"No. Babalik ako kaagad. Bukas ka na umuwi."

"Pero—"

"Please...."

Hindi na ito umimik. Pagkuwa'y kinintalan niya ng halik ang noó nito saka umalis.

Pagdating ng Maynila ay agad tumungo sa Hotel si Israel. Wala siyang ideya kung bakit siya pinapapunta ng Daddy niya sa ganoong alanganing oras. Iginiya siya ng waiter sa dining area kung saan naghihintay ang Daddy niya.

Nagimbal siya nang makita si Chesca na kasama nito at si Mr. Ocampo—isa sa Investors nila. Maghahapunan pala siya kasama ang mga ito.

"Israel, mabuti at dumating ka sa tamang oras," bungad sa kanya ni Antonio.

"Good Evening!" bati niya sa mga ito at inakupa ang silya sa tabi ni Chesca.

"Pinatawag kita dahil napag-usapan namin ni Mr. Ocampo ang tungkol sa kalahati ng lupain mo na bibilhin niya. Ang lupang iyon ay patatayuan niya ng foulty," wika ni Antonio.

Bartenders Series 9: Vodka (Complete)Where stories live. Discover now