Chapter One

18.8K 330 5
                                    

ISANG linggong nakadestino si Shenkaru sa Hotel bago siya bumalik ulit sa pagiging body guard ni Congressman Montel. Kung tutuusin mas kampante siya sa Hotel paris sa madalas na nakabuntot sa Ginoó. Kung anu-ano kasi ang ini-uutos nito sa kanya na labas naman sa trabaho niya.

Tatlong buwan na rin ang nakakalipas magbuhat nang utusan siya nitong sundan ang anak nitong binata sa Spain. Magmula nang bumalik siya ng Pilipinas ay hindi na niya muling nakita si Israel—bagay na ayaw na sana niyang mangyari. Nabalitaan niya na nasa Alaska na raw naglalagi ang lalaki.

"Ms. Takiru, sumama daw po kayo kay Congressman sa rest house nila sa Tagaytay," sabi ng katulong kay Shen habang nasa garahe siya.

"Sige po, Manang, Arlyn," aniya.

Sinabihan na rin siya ni G. Montel tungkol doon kaya may dala siyang ilang damit. Malaking karangalan para sa kanya na isa siya sa pinagkakatiwalaan ng Congressman. Malaki ang sinasahod niya kahit minsan na siyang nalagay sa gipit ng kamatayan.

Iyon ang unang pagkakataon na makakapunta siya sa Rest House ng mga Montel. Ang sabi ng kasama niyang si Robert, malawak raw ang lupain ng mga Montel at may mga alaga raw itong hayop katulad na lamang nga mga kabayo, manok at kung ano-ano pa. Malamig na raw sa Tagaytay kaya nagdala rin siya ng Jacket.

Pagsapit ng alas-kuwatro ng hapon ay nakarating na sila sa lupain ng mga Montel at napanganga siya sa lawak ng lupain na may samo't-saring panamin. Mula sa malaking tarangkahan ay may ilang minuto pang tinakbo ang sinasakyan nilang kotse bago nila narating ang bonggalong bahay na may tatlong palapag.

Silang dalawa lamang ni Robert ang body guard na kasama. Kasama rin ang Abogado ng Congressman at ang Secretary nitong si Abner. Overnight lamang sila roon. Ayon kay Abner, may aayusin lang ang Congressman sa lupain ng mga ito na minsa'y binabatikos ng Gobyerno.

Mga caretaker lamang at dalawang kasam-bahay ang naroroon sa mansiyon. May ilang stay in din na mga tagapangalaga ng mga hayop. Nang makapasok na si G. Montel sa kuwarto nito ay nagkaroon na rin siya ng pagkakataon na mag-ikot sa malawak na lupain.

Napadpad siya sa kulungan ng mga kabayo. Bibihira sa buhay niya na nakakakita siya ng mga kabayo na iba't-ibang kulay. Ayon sa taga alaga na si Mang Andoy, nagmula pa raw sa Alaska ang mga kabayo.

"Mahilig po pala sa kabayo si Congressman, Manong Andoy," aniya sa ginoó, habang pinagmamasdan niya itong nagbibigay ng dayami sa mga kabayo.

"Ang totoo niyan, hindi naman si Congressman ang mahilig sa kabayo. Ang anak niyang bunso," ani Andoy.

Kumunot ang noó niya. Hindi niya kilala kung sino ang anak na bunso ni G. Montel. Nasa Alaska kasi lahat ng anak ng Congressman at bibihira umuuwi ng bansa.

"Sino pong anak ni Congressman?" pagkuwa'y tanong niya.

"Si Sir Rael," anang ginoó.

"S-Si Israel?!" manghang saad niya.

Tumigil sa pagkilos ang Ginoó at tumitig sa kanya. Bumuka ang bibig nito ngunit walang salitang nanulas bagkus ay naibaling nito ang tingin sa gawing likuran niya.

May narinig siyang yabag ng animo'y paa ng kabayo. Awtomatikoy pumihit siya sa likuran niya. Napamulagat siya nang makita ang matangkad na lalaki na hila-hila ang puting kabayo. Cowboy ang dating nito. Nakasuot ng maong pants at buta na hanggang tuhod, naka-jacket ito ng maong na tila sinadyang putol ang manggas. Wala itong damit panloob kaya naman hantad ang matipunong dibdib nito. Nakasuot din ito ng cowboy hat na kulay itim.

Hindi niya namamalayan na nakaawang na pala ang bibig niya, hindi kumukurap ang mga mata niya. Ang tibok ng puso niya ay waring naghahabol ng buhay. Nahimasmasan siya nang dumaan sa tabi niya si Mang Andoy at kinuha nito ang kabayo sa kararating na lalaki. Awtomatiko'y tumalikod siya.

Bartenders Series 9: Vodka (Complete)Where stories live. Discover now