Chapter Two

12.7K 318 3
                                    




HINATID ni Shen si Israel hanggang sa kuwarto nito. Nagsasalita ito habang papalapit sila sa kama nito. Wala siyang maintindihan sa mga sinasabi nito. Nang maigiya na niya ito sa kama nito ay tinangka niyang iwan na ito ngunit natigilan siya nang hawakan nito ang kamay niya—mahigpit ang pagkakahawak nito.

Umupo ito. "Take off my clothes, please..." utos nito sa kanya.

Mariing kumunot ang noó niya. "Ano ako, bale?" aniya.

Bumungisngis ito. Lalo pang humigpit ang pagkakahawak nito sa kamay niya saka ito tumayo. Hinatak siya nito palapit rito dahilan upang mapayakap siya rito. Sumubsob ang mukha niya sa matigas na dibdib nito. Sumuksik sa ilong niya ang matapang na pabango nito na naghalo na sa matapang na alak na nainom nito.

Natigilan siya nang maramdaman ang kamay nito na tumutulay sa balakang niya. Nag-panic siya. Tinutulak niya ito ngunit malakas ito.

"Ano ba!" asik niya. Wala na siyang pakialam kahit anak pa ito ng Boss niya.

Nag-ipon siya ng lakas at itinulak ito sa dibdib. Nakawala siya ngunit hindi pa siya nakakahakbang ay nahagip nanaman nito ang brado niya. Hinatak siya nito palapit rito.

"Wala akong gagawin, just stay with me," sabi nito sa marahas na tinig.

"Manigas ka!" singhal niya. Nagpumiglas siya. Naisip niya na gamitan na ito ng martial arts—kung hindi ito titigil.

Hindi siya tumugil sa pagpumiglas ngunit hindi rin siya nito binibitawan. Mayamaya'y natigilan siya nang bigla na lamang nitong sakupin ng bibig ang kanyang mga labi. Kung papano'y bigla siyang nanlumo. Marubrob ang halik nito na waring nagnanais ng agarang tugon.

Nalalasahan niya ang pait ng alak na mula sa dila nito na tuluyang nanloob sa bibig niya. Mahusay itong humalik kahit lasing ito. Inaamin niya na nadadala siya, at gustong-gusto na niya itong tugunan ngunit namayani ang takot sa puso niya. Iyon ang unang halik sa labi na naranasan niya at nagmula pa sa lalaking hindi niya lubos na kilala.

Bago pa man siya magpumiglas ay kusa na itong lumubay sa kanya. Dumestansiya ito. "Hindi ka ba marunong humalik?" tanong nito.

Napalunok siya. Pakiwari niya'y nahimasmasan na ito. Wala na ang punto ng lasing sa pananalita nito. Kumikilos ito; naghuhubad ng damit.

Napalunok ulit siya nang masilayan ang kakisigan nito. Hindi naman kalakihana ng katawan nito pero maganda ang pagkakahubog ng mga kalamnan nito sa puson, sa dibdib at balikat. Inalis na rin nito ang sinturon nito.

"Bakit mo ako sinusundan?" tanong nanaman nito.

"Ahm, h-hindi kita sinusundan. Nagkataon lang na nakita kita sa Bar. Lasing ka na kasi," paliwanag niya.

Ngumisi ito. "Sinundan mo pa rin ako. Nag-aalala ka ba sa akin?"

"H-hindi, ah," mariing kaila niya.

"Ohs, huwag na tayong maglukuhan. Siguro pinagtatawanan mo ako dahil natagpuan mo ako sa karnabal," anito.

Naglaho na lamang ang pangamba niya. Pero ang mata niya ay nakamasid lang sa kilos nito habang unti-unti nitong tinatanggal sa pagkabotones ang pagtalon nito.

"Bakit ka nga ba napadpad roon?" pagkuwa'y tanong niya.

"Everytime kasi na nalalango sa alak ang utak ko ay naaalala ko ang kuya kong namatay," seryosong sabi nito.

Bartenders Series 9: Vodka (Complete)Where stories live. Discover now