"I'm sorry" nangingiyak na sabi nito at yumuko lang. Nilapitan ko sya at hinawakan ang dalawang kamay nya... Jeez! she's trembling. I can't even imagine na ginagago si Maddy ng lalaking muntik ng gumahasa sa kanya.

"Galit ka ba?" sabi ulit nito, pero hindi ako sumagot at niyakap lang sya.

"I'm sorry, ginulo ko yung party mo."

"Shh.. stop crying." pinunasan ko yung mga luha ni Maddy at hinawakan ang kanyang mukha. "Yes I am mad, pero hindi sa'yo. Sa sarili ko."

"I wasn't there to save you. I should be the one saving you not other guy!"

"Charles I'm sorry. Kasalanan ko naman eh. Kung sinunod ko lang sana ang sinabi mo eh hindi sana ito nangyari."

"Bakit ba kasi ganyan ang suot mo?!

*MADDY'S POV

( F L A S H    B A C K)

Unang nagpunta sa akin si Charles sa villa kaya na iwan akong mag-isa sa room namin. Plano ko nong una na mag suot talaga ng sexy na damit para resbackan ito pero na isip ko na; bakit pa ako gaganti eh napatawa naman nya ako sa ginawa nya kanina sa spa.

Naka jeans at tshrit lang ako non. Pinuntahan ko muna si Megan sa room nya para sabay na kaming magpunta ng villa. Kasi nga diba sya lang ang bisita ko.

"Maddy bakit ganyan ang suot mo?"  sabi ni Megan.

"Eh ito yung gusto ni Charles eh." sagot ko naman. Nasa loob ako ng room ni Megan habang sya naman nagpapaganda pa sa sarili nya at hindi pa nakabihis.

"What?" gulat na tanong ni Megan

"Oo, siguro ayaw nya lang na mabastos ako. Di kasi ako sanay sa mga party na ganyan eh." sabi ko ulit at umupo sa bed nya.

"HAHAHA ano ka ba? bakit ka naman nila babastosin? alam naman ata ng mga tao na fiancee ka ni Charles. For sure no one would dare to touch you." tumayo si Megan na naka-upo sa harap ng salamin at tumabi sa akin. May point din naman sya, pero mas mabuti ng ma ingat.

"Alam mo Maddy, baka pinag tri-tripan ka lang non. Kung ganyan ang suot mo, magmumukha kang nakakatawa. Hello! party yun tapos ganyan ang suot mo, eh di para kang alalay ni Charles. Halika aayosan kita." sabi ni Megan at pina-upo ako sa harap ng salamin.

"Megan, wag na!"

"Diba we're friends?" sabi nito at tinanggal nya ang yellow ribbon na nakatali sa buhok ko at sinimulan na ang mga ritual.

Na isip ko din na baka pinagtri-tripan lang ako ni Charles posible kasi yun. Pero ang alam ko hinding hindi nya ako ipapahiya. Ayaw ko naman na mag mukhang alalay ni Charles kaya pumayag nalang ako sa gusto ni Megan.

Her Yellow Notebook (Complete)Where stories live. Discover now