ASKB Chapter 20

24.1K 479 50
                                        

CHAPTER 20

[CAROL KITI KITI ]

KELVIN’S POV

Kanina habang nasa kumbento kami hindi ko mapigilang maguilty. Para kasing nakakahalata na si bea sa pakikitungo ko kay eli. Ako rin naman naiilang na, hindi naman ako ganun kagago eh. Pero yaan na pangatawan ko na. Si eli? Tulad parin sya ng dati, hindi parin marunung maghimay ng manok. Nagtataka ba kayo? Tsst, oo matagal ko ng kilala si eli. Neneng na neneng palang yun eh kilala ko na. Ewan ko ba dun sa babaeng yun akala ko nung nagkita kami sa kasal ni jigs makikilala nya ko. Ang kaso dedma eh, sa gwapo ko ba namang ito! Hindi ko malamn kung ano nakita nya dun sa seth na yon. Dihamak naman na mas lamang ako.

Sya nga pala dun sa kasal ni jigs? Dun din yung unang pagkakataon na isinagawa ko yung plano ko. Napilitan lang ako ha! Kasi nagkaroon ako ng sabit eh, at yung taong yun lang ang makakatulong sakin kaya eto ako ngayon, parang tangang nauuto nya. Nung una naman wala akong balak ituloy ang kaso medyo naangasan ako kay seth eh. Pero wag kayong mag alala, sumasabay lang ako sa panahon. Wala akong balak magseryoso sa mga bagay na to. Iinisin ko lang naman sya ng konti.

Pagkahatid ko kina bea at eli sa condo nila dumiretso na ko sa lugar kung san kami magkikita ngayon. Puta, kala mo naman kung sino makapagpapunta bigla bigla eh. Pasalamat talaga sya, nako kung hindi matagal ko ng sinapok yun! Pagkadating ko sa club nakita ko agad sya. Nakatalikod kaya naman tinawag ko na.

“bro!”

=================

Kinabukasan…

ELI’S POV

 

Mula nung tumawag sya kagabi, hindi na ako masyadong nakatulog. Sobrang pangungulila ang nararanasan ko ngayon, buo na sana ang loob ko na pupuntahan ko sya sa cebu eh. Ang kaso sa states pala talaga ang totoong pupuntahan nya. Hindi ako galit sa kanya, alam ko naman kasing hindi sya tulad ng iba na nagsisisnungaling. Medyo natouch pa nga ako kasi sabi nya kahit andaming kamalasan ang nangyari sa kanya, hindi parin nya ako pinaglihiman. Siguro hindi rin sya mapakali na hindi ko alam kung anong nangyayari sa kanya.

Kaya eto umaga na, muka parin akong panda. Inayos ko nalang ang sarili ko, naligo tyaka nagpasyang ayusin ang buong unit ko. Naglinis lang ako ng naglinis. Hindi ko na nagawang kumain pa. Wala akong gana eh. Hanngang sa narinig ko nalang na tumutunog yung phone ko. Dali dali ko tong tiningnan at tyaka sinagot agad.

“poy!” Bungad ko. Kyah! Tumawag si poy.

“skype, now!” Seryoso nyang tono

“ha? Online ka? Ay teka lang, teka lang!” Nataranta namana ko bigla. Ibinababa ko na yung phone at agad i-nopen yung laptop ko. Isinetup ko agad yung skype ko. Ilang sandali pa nakita ko na yung muka nya. Huhu napapaluha nanaman ako. Sobrang miss na miss ko to. Ano pa nga bang aasahan kong itsura nya edi =____=. Pero wala naman sakin  yun eh, sanay na ko dun, tyka yun nga yung mas lalong nagpapagwapo sa kanya eh. Hindi ako nagsasalita, gamit ang hintuturo ko hinuhugis ko sa screen yung muka nya.

Ang Suplado Kong Boyfriend .℘ᶴᶬ.Where stories live. Discover now