21: ACQUAINTANCE PARTY

Start from the beginning
                                    

"It's perfect."

He fake coughed then turned to me. "Syempre, ako ang pumili eh." pagyayabang niya as though he made it. "Kukunin mo ba?"

"Of course." Tumango ako at kinuha yun. "Not because you picked it, I just like... black."

"Kukunin ko to, pakibalot na lang. Sa malinis na box." sabi ko sa babaeng kanina pa nakangiti.

"Yes ma'am. Right away." Agad niya namang binalot at pagkatapos ng ilang minuto ay inabot na niya sa akin.

"Thank you." Kinuha ko iyon. Bumaling ako sa manager na nasa tabi ng cashier at masayang nakatingin sa akin. "Tsaka, pakisabi kay mom na sa susunod ko na babayaran to. Or better yet, hindi ko na lang babayaran to."

"Sure, Ma'am Jazzella." Umalis na ako doon at iniwan silang na nag-uusap.

Hinanap ko si Jeff na kanina pa pala nawawala. At dahil matangkad ang lalaking yun, agad ko siyang nakita at nilapitan. Pero hindi pa man ako nakalapit ay nakita kong seryoso siyang nakatingin sa unahan niya. Tapos nagtaka ako nang bigla siyang namula. Anyare sa kanya?

Napatingin ako dun sa kung ano man ang tinignan niya at hindi ko alam kung ano ang magiging reaction ko.

Matatawa ba ako o mababastos.

Nandoon kasi siya sa underwear section at nakaharap sa isang maniquin na suot lamang ang brassiere at panty. Hindi lang ordinaryong panty, T-back ito at kulay pink pa.

Bakit naman siya namumula habang nakatingin doon. Wag niyong sabihing... inosente pa siya at first time makakita ng undergarments? O kaya may pinagnanasaha—

Lumapit kaagad ako sa kanya at binatukan siya. Napahawak naman siya sa ulo niya at sinamaan ako ng tingin kahit namumula pa rin. Masyado siyang transparent.

"Ano bang problema mo?" singhal niya sa akin at pinandilatan ako.

"Ikaw! Anong problema mo? Pati maniquin binobosohan mo. Sinong ini-imagine mo?" Mas lalo naman siyang namula dahil sa tanong ko. Will you look at that, he is thinking of someone!

"A-anong tingin mo sakin? Manyak? Bobo ka ba?" Gentleman ha.

"Ewan ko sayo. Tara na nga." wika ko.. Bago ko siya tinalikuran, tinignan siya na parang nandidiri. "Manyakis." Nauna na akong lumabas at sumunod naman siya.

Sinabayan niya akong maglakad. At halos lahat ng tao napatingin sa amin. Head-turner talaga.

"Bagay sila." bulong ng isang estudyante nang makasalubong namin siya.

Anong tingin nila sa amin? Magjowa? Maghunos-dili nga sila.

"Uy Jazz since kilala mo naman yung crush ko, share ka rin. Sino crush mo?" tanong niya out of the blue.

"Ano tayo? Kindergarten? Wala akong crush." inirapan ko siya dahil wala namang kwenta ang tanong niya. Uso pa pala ngayon ang crush-crush na yan?

Akala ko kuha number, text-text, konting landi, kayo na.

"M'kay." he surrendered pero humirit pa. "Pero alam mo, bagay kayo ni Mico."

Tinignan ko siya ng masama. Umiwas naman siya ng tingin.

Gago.

**

Piglet calling...

"Puta, distorbo." bungad ko sa tawag ni Mayka. Busy ako sa pag-aayos. Bakit siya tumatawag?

"I love you din. San ka na?" tanong niya. I can actually hear sarcasm.

Tinignan ko ang wall clock sa dulo ng kwarto ko at quarter to 7 pa lang. Mamaya pang 7:00pm ang start ng party. Inaayos ko pa nga tong makeup ko. Specifically ang lippie, baka lumagpas. That'll be embarrassing.

The Top Teen ModelsWhere stories live. Discover now