21: ACQUAINTANCE PARTY

Start from the beginning
                                    

"'Yung puso niya." Nanlaki na naman ang mga mata ko.

"Umayos ka Jephers—"

"Joke lang! Ingay nito, isasaksak ko to sa bunganga mo eh." Sabi niya at itinuro ang fire extinguisher. "Basta! Sabihin mo na lang may sisingilin ako." Lumayo na sa akin.

"Hoy." tawag ko sa kanya.

"Oh?"

"Crush mo si Kate noh?" asar ko. Nakita kong nanlaki ang mga mata niya at tsaka namula. Ang chaka! Crush nga niya! Shet. M.U na silang dalawa ah?

"The fvck? So crush mo nga siya?" This is so absurd.

"Heh! Tumahimik ka nga. Sabunutin kita jan eh." Tangina. Bakla siguro to, panay ang pag-irap. Paano na si Mayka niyan?

Ang galing nga eh, ginawa akong tulay para magkatuluyan ang dalawa. And it's totally against my will.

Pero kahit ayaw na ayaw ko, kailangan ko pa ring gawin to. Kasalanan ko rin naman kung bakit to nangyari sa akin. It's a one-time favor. Pagkatapos nilang magkita, wala na silang makukuhang tulong sa akin.

I actually don't do things like these, I mean, doing someone a favor. I'm not a help-me-now-so-I'll-help-you-in-the-future kind of person. Pero gagawin ko to ngayon so that my conscience will be clear.

"Jazz ha? Wag mong kalimutan ang promise mo." he reminded me again... and again and again. Iyon ang sinasabi niya sa akin tuwing wala kaming pinag-usapan. As if he doesn't want our conversation to die.

"Oo nga, ang kulit. Lumayo ka nga. Dun ka oh, maghanap ka ng susuotin para bukas." ngumuso ako sa men's section tsaka siya iniwan.

"May isusuot na ako."

Whatever.

Naghanap ako ng pwedeng susuotin para sa acquaintance party bukas.

Pumunta ako sa dress section. Maraming magandang design dito na halos gusto kong iuwi pero alam ko namang hindi pwede. Hindi ko rin naman masusuot ang mga iyon.

Tsaka ang gusto ko kasing suotin bukas ay yung simple lang pero paniguradong babagay sa akin. Gusto ko kasing magstand-out kahit wala masyadong arte.

But to my disappointment, wala akong makita. Susuko na sana ako nang bigla akong tinawag ni Jeff mula sa malayo.

"Jazz!" Lumingon ako at napansin kong lumingon rin ang ilang saleslady sa kanya.
Marami na pala kaming Jazz sa mundo.

"Blemamo?" tanong ko nang makalapit siya sa akin. Malaki ang ngiti niya at halatang excited sa bago niyang nadiskobre. Parang batang nasa amusement park.

"May nakita ka na bang susuotin?" tanong niya.

Pinakita ko sa kanya ang kamay ko tsaka siya tinaasan ng kilay. "Obviously."

Tatalikuran ko na sana siya dahil wala naman siyang kwentang kausap nang bigla niyang hinigit ang pulso ko at hinatak.

Dinala niya ako sa pinakadulong bahagi ng shop.

"Hoy. Saan mo ako dadalhin? Rape to uy." kusang lumabas ang mga iyon sa bibig ko nang mapansin kong kami na lang ang tao dito. Baka may pinaplano ang isip-batang to.

Tumingin naman siya sa akin na mukhang nandidiri. "Ang chaka mo

Sabi ko nga. Pota. Edi napahiya tuloy ako.

Huminto kami sa isang sulok at doon ko napansin kung ano ang nasa harapan ko.

Black dress. Maganda ito at simple lang. Walang arte. Hindi ko alam kung si mom ba ang gumawa nito o iba, pero that person is a genius.

The Top Teen ModelsWhere stories live. Discover now