21: ACQUAINTANCE PARTY

Start from the beginning
                                    

Actually, Jeff keeps hanging out with me kasi gusto niyang ilakad ko siya kay Mayka as payment 'daw' doon sa kasalanan ko sa kanya.

FLASHBACK (Chapter 14)

Naglakad na ulit ako nang may biglang humila sa akin. Isang lalaki. Wait, Jeff Maravilla? Anong problema niya?

"Jeff? Anong kailangan mo?" tanong ko.

"You don't remember?" Ngumisi siya. "Hinalikan mo ako last week. And I need pay back."

Oh Sht.

I tried my best para makawala sa kanya pero no use, malakas siya. Kaya tinignan ko na lang siya ng masama. "Anong kailangan mo?" I gritted my teeth, annoyed.

Ngumisi lang siya ng nakakaloko. "Simple lang naman ang gusto ko." sagot niya. "And I'm pretty sure na magagawa mo yun."

"Ano nga yun? Ang tagal, may pa-thrill-thrill ka pa. Dali! Kailangan ko ng umalis." naiinis kong sabi. I'm not really comfortable with our position.

Ngumisi lang ang gago. "Tell Kate to meet me." Nakatingin ako diretso sa mata niya, ina-absorb ang lahat ng mga salitang lumabas sa bibig niya.

Nanlaki ang mga mata ko ng nilapit niya ang mukha niya kaya agad akong napaatras, dahilan para mauntog ang ulo ko sa pader.

Masakit pero sapat na para bumalik ako sa katinuan.

Huwag niyang sabihing may gusto siya kay Mayka? Ano yun? Destiny? Puta, ang laswa. Pero di nga. Does this mean na... they have mutual feelings for each other? Ito na ba yung pinapangarap ni Mayka? Na magkakagusto din ang deputang to sa kanya?

Pero paano na yan? May syota na ang hipon. Wala na bang silang pag-asa?

Gusto kong matupad ang mga pangarap niya ngayon, pero mas gusto kong gumising na siya sa mga pantasya niya. I hope titigil na siya sa pagkaka-martyr niya. Sinaktan siya ng lalaking to noon, she changed because of him. Pero bakit gusto niya pa rin to? Is his words not enough para magbago na ang paningin niya kay Jeff?

No. Enough is enough. Gustohin ko mang bigyan sila ng pangalawang pagkakataon, ayaw ko nang maulit ang nangyari noon. We changed because we were in pain, and we don't want to end up in pain again.

Kahit gago ang Jayzee na yun, at least hindi niya sinaktan si Mayka. I know na wala naman talaga siyang feelings kay Mayka, pero it's not like may gusto rin siya kay Jayzee. Sa ganung paraan, wala nang masasaktan.

"Are you out of your mind?" singhal ko. "May boyfriend na yung babae at kita mong masaya ang dalawa at nagmamahalan. Tapos aagawin mo siya kahit alam mong wala ka nang pag-asa? Hah! Never. NE. VER. Ulol."

Kinapos ako sa hininga nang matapos na akong magsalita. I can't stop it.

Hindi lahat ng sinabi ko ay totoo, pero ayos lang yun. Mabuti na ang umiwas kaysa itigil.

Nakita ko namang umirap siya. OMG, feeling niya naman. Maganda ka? Ganern? "OA mo po. Sinabi ko bang pakasalan niya ako? Ang sabi ko, MEET. Makipagkita diba?"

"Bakit ka naman makikipagkita sa kanya?" I ask, suspicious.

"Pakakasalan ko siya."

"Eh putangina mo pala eh—" Di ko natapos ang dapat kong isigaw kasi tinakpan niya ang bibig ko. Ew! Galing siya sa CR eh! Yak!

"Joke lang. May sisingilin lang naman ako sa kanya." May utang ba si Mayka sa kanya?

"Ano?"

The Top Teen ModelsWhere stories live. Discover now