Chapter 45 - Catch You (October 02, 2018)

Start from the beginning
                                    

"Eh para kasing aning, ayaw pumasok sa kwarto. Kala mo naman kakainin siya ni Mia. Eh natutulog lang naman pala."

Only then did Miala realize na wala naman palang sinabi si Andres sa mga ito. They just concluded it that way dahil sa inaasta ni Andres.

"Ano ba kasing ginawa niyo sa loob?" Tukso ni Caroline. "Miyaw, anong ginawa mo dito?"

"W-wala akong ginagawa diyan!" Pero nararamdaman niyang unti-unti pa ang pagpula ng mukha niya. Ang init! Sobrang init!

"Nakow! Isang nauutal, isang namumula!"

"Tama na nga tama na nga! Kumain na lang kasi!" Halos ibato na ni Andres sa kanilang lahat ang kanin.

Habang nasa ganitong estado, tinitignan lang ito ni Miala na halatang guilty sa kung ano mang nangyari sa loob. Wala man ngang nangyaring "milagro" sa extent ng iniisip ng McDodo, they still kissed. Very passionately.

Naging tahimik naman matapos ang pagsuway ni Andres. Kumalma na rin ang puso ni Mia habang kumakain ng tocino. Pinagmamasdan niya na lang ang mga lalaking nasa harap niya habang nilalantakan ang ulan sa sobrang daming kanin. Lalong-lalo na si Sandro na parang doble yata ang kinakain sa lahat. Eh naisip ni Mia na pagdating niya nga kanina eh kumakain na ito. Napangiti na lang siya habang pinagmamasdang kumakain ang mga growing boys na ito.

Pagtapos nilang kumain, nagligpit lang si Andres at nagpaalam na sa lahat.

"Hatid ko lang si Mia."

Nakipag high-five ang lahat ng mga ka-banda ni Andres kay Miala bago sila tuluyang lumabas ni Andres sa makulay na apartment. Tahimik silang tumatawid nang hinawakan ni Andres ang balikat niya para alalayan nang hindi na napigilan ni Mia na magsalita.

"So, ako pa talaga 'yung nag take advantage dito?" Natatawang sabi niya. Hindi naman talaga siya offended. She just wants to break the ice. Hindi niya alam na pagkatapos ng lahat, dito pa ito naging awkward.

"I didn't say anything, I promise. I'm sorry."

"But it's written all over your face. Bakit ka ba tumakbo palabas? Tama yata sila eh. Natatakot ka yata sa'kin eh."

"Hindi ako natatakot sa'yo okay?" Andres lightly pushed her at the safe side.

"Eh bakit ka ganyan? Confess-confess ka. Confident ka pa all these days, tapos biglang awkward na natin?"

"Sa'kin ako natatakot eh."

"Sa'yo?"

"Alam mo ba sabi ng mga ka-banda ko, imposible daw na gentleman ako..."

"Hindi nga ba?"

Miala muses on the thought. Noong una naman talaga hindi niya aakalaing gentleman ito. Napaka-angas. Napaka-pilosopo. Not until she knew more about him and his softness. Mia knew he is soft. And with his little gestures katulad ng pagalalay sa kanya sa iba't-ibang paraan. He isn't literally carrying her bags for her like the conventional definition of a gentleman. At hindi man siya pinagbubuksan ng pinto nito ng kotse dahil literal na wala namang pinto ang motor nito, but she knew he is a gentleman.

"'Di ba ang sabi, a gentleman is just a patient wolf."

"So kakainin mo ko pala ako ng buong-buo ah."

"Mia!"

"Ikaw nagsasabi diyan ng kung ano-ano eh."

"Hindi 'to kung ano-ano, Miyaw. I've never felt anything like this before. At kung dati akala ko hindi 'yun totoo, baka hindi ako makapagpigil. Mali pala na sinama kita dito. Sorry Mia ah. Sinasabi ko lang 'yung totoo." He confessed.

I Heart Kuya (Completed, 2019)Where stories live. Discover now