“Bes…” hinawakan nya ako sa balikat. “Bakit ayaw mo siyang kausapin? Hindi ba mas okay yun? Hindi kayo mahihirapan… Kausapin mo siya. May dahilan naman yun malamang. Makinig ka lang.”


“Hindi ko ata siya kayang makita.”


“Bes… Wag mo muna pairalin yang utak mong kumokontra dyan sa puso mo. Alam kong gustong gusto mo malaman ang totoo.”


 

Ilang araw siguro ang nakalipas, pumapasok ako sa school pero iniiwasan kong makita si Daniel.


“KATHRYN! MISS KA NAMIN!” tapos bigla na lang akong sinugod nila Aria at Kayla, ang kukulit nito talaga, hindi na nagbago.


“Aack, di ako… makahinga.”


“Oops… sorry.” Sabay pa sila eh, parang kambal na ‘tong dalawang to.


“Malapit na tayong grumaduate! Isang taon na lang. Anong plano mo sa college Kath?” Tanong ni Aria sakin.


“Magpapakasal na ba kayo ni DJ?” Si Kayla naman, speaking of him. Hindi ko pa siya nakakausap. Pa’no na? Sabi ni Julia, kausapin ko raw. Parang hindi ko ata kaya. Pero palagi na lang kaming nag aaway ni Dj, ayoko na. Napapagod na ako sa mga away na ‘to. Nagsasawa na ako. Pero ipaglalaban ko, mahal ko siya eh. Pero siya ba? Kaya nya pa bang ipaglaban ‘to?

“Hoy Kath!”


“Ha?”


“Tinatanong ko kung magpapakasal na ba kayo ni Daniel?”


“Ha? Wala pa… Hindi ko alam.”


“Hay, dapat kasal na yan.”


 

Mamaya… kakausapin ko na si Dj. Promise na ‘to. Kakausapin ko siya, hindi na ako aatras. Gusto ko na siyang kausapin. Makikinig ako sa bawat paliwanag niya. At gusto ko siyang patawarin. Gusto kong maging okay na ulit kami.

Lunch break na namin. Niyakad ako nila Kayla at Aria magcaf. So ayun, umorder naman kami ng lunch. Hindi ko alam kung nasan si Dj. Mukhang may trabaho na ata. Minsan kasi isang subject lang ang pinapasok nun kasi may schedule siyang sinusunod. Kawawa naman sya. Hala, miss ko na siya. Ano ba ‘to?

Sa sobrang pag iisip ko, naibagsak ko yung platong dala ko, at nabasag.

“HALA!” nagulat kaming tatlo. Lalo na sa pagdating ni Kats.

“KATHRYN!!!” sigaw nya habang hinihingal. Mukhang galing siya sa malayo at tumakbo papunta sakin.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Kaye's note: WEW ANG TAGAL KONG NAWALA. HUE HUE. Sana may nagbabasa pa. Pipilitin kong maging regular mga pards. Promise. Mwa.

http://kayetamad.tumblr.com/

Still This Crazy Love (PUBLISHED)Where stories live. Discover now