Chapter 17

7.6K 170 11
                                    

"OH! Bakit bumaba ka kaagad?" kunot noong tanong ng Lolo Emman ni Naveen.

"May nakalimutan ho kasi akong asikasuhin, Lolo." nagkamot siya sa batok. Sa totoo lang pababagsakin ko ang kumpanya ng kutunglupang yun..

"Tara doon muna tayo sa silid aklatan. Mag-usap muna tayo, hijo." tinapik siya sa balikat ni Lolo Emman.

Tumango siya at sinundan ito. Pinaupo siya nito sa isa sa mga upuan roon.

"Jovanni hijo, Ano ba talagang nangyari at naghiwalay kayo ni Kenna?" seryosong tanong nito.

Malalim na napabuntung-hininga siya. "Kasalanan ko ho, Lolo. May mga nasabi akong hindi dapat sa kanya. May karapatan naman talaga siyang magalit eh.. kasalanan ko naman ho kasi."

Tinapik siya nito sa balikat. "Mahal mo pa rin ba ang apo ko?"

Tumango siya. "Mahal na mahal ko pa rin ho siya. Nung mga panahong wala siya akala ko mamamatay na ako. Alam ko pong sandali lang ho kaming nagkasama ng apo ninyo pero minahal ko ho siya. Yun ang totoo."

Ngumiti ito. "Alam ko naman iyon. Naikwento sa amin ni Kenna ang nangyari nung nagkaroon siya. Buti at buhay ka pa? Ang mga Kuya niya ay umaalis ng bahay kapag mayroon si Kenna. Kung hindi nabubugbog ay nasisigawan sila ni Kenna."

Natawa siya. "Si Dragona talaga." napailing siya.

"Hijo, kung mahal mo talaga ang apo ko.. wag ka munang magpakita sa kanya ng sampung araw."

Napakunot noo siya. "Sampung araw? Lolo naman.."

Napabuntung-hininga ito. "Just do it, hijo. I promise you magiging maayos ang lahat pagkatapos ng sampung araw."

Napilitang tumango na lang siya. "O sige ho. Mauna na ho ako." kinamayan niya ito at lumabas na.

Nakasalubong niya ang Kuya Noah ni Kenna sa hallway. "You never realize you lost something good, until you see somebody else enjoying it." malungkot na ngumiti ito. "I don't know what happened between you and Navi but please If you're just going to hurt her.. just stay away from her. Fabrice will never hurt her." tinapik nito ang balikat niya at nauna nang naglakad.

"I'm sorry."

"KEN KEN.. baby.. wake up." mahinang niyugyog nito ang balikat niya.

She groaned loudly and nuzzled on his chest. "Shhh. 5 more minutes."

Naramdaman niya ang pagdampi ng labi nito sa noo niya. Napangiti siya at tumingala rito. "Why? What time is it?" pinisil niya ang pisngi nito.

"It's already seven pm." he gently ruffled her hair.

She yawned and rolled off him. "Tinatamad akong kumain.." pumikit siya at niyakap ang unan niya.

"You have to eat. Ang payat payat mo." he poked her cheek.

"I gained ten kilos. I'm fifty kilos now!" she groaned and glared at him. "It's your fault!"

Natawa ito. "You look healthier now, Ken Ken. Kaysa dati na buto't balat ka." hinalikan siya nito sa pisngi. "Tara na." nakangiting inilahad nito ang palad sa kanya.

She pouted. "Ayaw."

"Bubuhatin kita pababa, sige ka!" nakangiting banta nito sa kanya.

She chuckled and threw her arms on his neck. "Sugod sa kitchen!" she wrapped her legs on his hips tightly.

"Tsk. Sabi na eh. Magpapabuhat ka lang eh." tumatawang binuhat siya nito papunta sa kitchen. May nahagip ang kanyang mga mata na pamilyar na pigura na palabas ng mansyon pero hindi niya na lang pinansin iyon.

Picture Perfect (Damien Jovanni Cabriga & Kenna Naveen Cervantes)Место, где живут истории. Откройте их для себя