Chapter 11

8.9K 241 2
                                    

"ANO nang gagawin natin ngayon, Damien?" malalim na napabuntung-hininga siya habang naghuhugas ng pinagkaininan nilang apat. Yes. Pinilit kumain nila Ross at Nixon kasabay sila.

"Ako na dyan." pilit nito.

"Ako na. Just think of something para makalusot tayo sa mga pamilya natin." nilagay na niya ang mga plato at kubyertos sa cupboards pagkatapos itong tuyuin.

"Sabi ko kasi sa'yo totohanin na lang natin eh. Ayaw mo naman." tumatawang wika nito.

She groaned. "Seryoso kasi ako."

He chuckled. "Halika nga rito." he opened his arms widely. Nakaupo kasi ito sa couch sa sala. Nilapitan niya ito at hinila naman siya nito paupo sa mga hita nito. Niyakap siya nito. She rested her head on the nook of his neck. "Magiging okay rin ang lahat." hinalikan nito ang noo niya.

"They're expecting us to come tomorrow sa mansyon ni Lolo." she sighed heavily. "Hindi ko alam kung anung palusot ang gagawin ko. Super mega cold treatment ako sa mga Kuya ko nang marinig nila ang rumor. Well.. hindi ka naman kasi pinangalanan sa internet pero naka-blurred na picture natin na magkasama ang picture sa article. Mukha ko lang ang kita."

Napabuntung-hininga ito. "Magustuhan kaya ako ng pamilya mo?"

Napatingin siya rito. "What?"

"Pupuntahan natin sila bukas diba? Sana magustuhan nila ako para sa'yo." tila kabadong wika nito.

Napangiti siya. "I'm sure they'll like you." pinisil niya ang pisngi nito.

"Bakit mo naman nasabi yan?" tumingin ito sa kanya.

"Cute ka kasi." sinundot niya ang tagiliran nito.

Natawa naman ito. "Tsk. Crush mo ako no?" tinaas baba pa nito ang kilay nito.

Inirapan niya ito. "Sino nagsabi?"

"Ako. You're always smiling when you're near me. Pareho tayo. Kapag nandyan ka, kahit walang dahilan napapangiti mo ako. Kahit simple lang ang ginagawa mo para sa akin.. napapasaya mo ako. Hindi ako ito, Naveen. I rarely smile and laugh like you. Mas madalas pang kumunot ang noo ko kaysa mabanat ang facial muscles ko. Pero ikaw.. tsk. Wala ka pang ginagawa, kinikilig na ako. Kahit nga mag-dragon mode ka.. cute ka pa rin sa mga mata ko. Umamin ka na kasi na crush mo rin ako." nakangiting tudyo nito sa kanya. Saglit na natigilan siya. Is he describing what I feel to him? It's the exact feeling I have for him.

"Crush? Ano ka teenager?" natatawang wika niya. "Pero I'm glad na ako ang dahilan ng mga ngiti sa labi mo, Damien." nakangiting hinaplos niya ang pisngi nito.

"Don't look at me like that." malamlam ang tingin nito sa kanya.

"Like what?" tinitigan niya rin ito ng direkta sa mata.

"Don't look at me as If you're in love with me, Naveen. Baka umasa ako." nalipat ang tingin nito sa mga labi niya.

Napalunok siya. "I'm not.." Hindi kita pinapaasa. Ang alam ko lang pareho tayo ng nararamdaman.. at hindi ko alam kung pagmamahal ba ang tawag rito. Napatingin siya sa mga labi nito. She can't help but bite her lower lip.

"Don't do that." sita nito sa kanya.

"Do what?" naguguluhang tanong niya rito. She unconsciously chewed her lower lip.

"That." pinagdikit nito ang mga noo nila at pumikit. "Stop seducing me." mahinang bulong nito.

Bumilis ang tibok ng puso niya. Tiningnan niya ito. Nakapikit pa rin ito. "I'm not seducing you, Damien." bulong niya rito.

Mahinang napamura ito. "Just you calling my name.. I feel like I'm in heaven. Whenever you're near me.. nababaliw ako, Naveen. You just don't know how much you drive me crazy. Lagi ka na lang sumasagi sa isip ko. Kahit sa panaginip ko ayaw mo akong tantanan. Ano bang ginawa mo sa akin?" mahinang anas nito.

Picture Perfect (Damien Jovanni Cabriga & Kenna Naveen Cervantes)Where stories live. Discover now